Chapter 17

12.3K 513 63
                                    

Sira ba yung spacing sa wattpad? :c

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ  

 ●~* Unraveling Pt. 1 ●~*

[BAMBI]

"Teka, Kuya, pagod na ako!" sigaw ko at humiga sa damuhan. Apat na oras na kaming nandito at hindi pa kami nagb-breakfast. Heck, lunch na nga eh!

"Flame, tama na, pagod na nga si Bambi oh." rining kong sabi ni Sky.

"Oo nga! Tsaka gutom na ako, jusme." pag-angal ni Leaf at humiga sa tabi ko.

Iniangat ko ang kamay ko at inaalala ang mga ginawa ko noong nakaraang mga oras.

Nakapag-palabas ako ng apoy mula sa palad ko.

Napa-sayaw ko ang hangin.

Na-control ko ang kalikasan.


Ngumiti ako at nag-relax. Parang nahanap ko ang natitirang puwang sa sarili ko. Ang makapag-bubuo kung sino at ano talaga ako. 

Hindi ako taga-dito sa planetang ito; kakaiba ako - may kakayahan ako.

Umupo si Kuya sa tabi ko at ginulo ang aking buhok. Tiningnan ko siya ng masama at nginitian niya ako, "You did good, Bambi." napangiti na rin ako pero agad din itong napalitan ng tanong sa aking isip.

Umupo ako at tiningnan siya ng seryoso, "Kuya, bakit ba natin 'to ginagawa? At tsaka bakit parang nagmamadali tayo?"

Nakita ko ang pagiging stiff niya. Naramdaman ko rin ang biglang pagbabango ng hangin sa amin -- lahat sila ay naging seryoso at hinihintay ang sagot ni Kuya, pero sigurado akong isang tanong lang ang nasa isip namin ngayon.

Sasagutin kaya niya ang tanong ko? 

"Flame, hindi mo na--" naputol ang sasabihin ni Dark nang biglang itinaas ni Kuya ang isa niyang kamay para sabihin na wag nang ituloy ni Dark ang sasabihin niya.

"Sasabihin ko na ang lahat kay Bambi." sabi ni Kuya. Walang reaksyon ang mga kasama ko - parang ine-expect na nila na balang araw, mangyayari din ito. Na sasabihin din sa akin ni Kuya ang mga nangyayari.

Bumuntong-hininga siya, "Nagkaroon ng kasunduan sa planeta natin at sa planetang malapit sa atin. Malaki ang pagkaka-iba ng dalawa; maliwanag sa atin, may langit, may tubig, may kalikasan. Sa kabila naman, puro kadiliman."

Naisipan kong tumahimik na lang muna at hindi magtanong para hindi ihinto ni Kuya ang mga kine-kwento niya.

"Dahil na rin siguro doon, nainggit ang mga naninirahan sa kabilang planeta. Nainggit sila sa atin." huminto siya saglit bago muling nagsalita, "Isa sa kanila ay pumunta sa atin, ang sabi, dati raw siyang pinuno sa kabilang planeta at gusto na niyang tumakas doon. Maninirahan daw siya sa planeta natin ng tahimik."

"Tinanggap siya ng mga tao doon pero may pagdududa pa rin na nananatili sa utak ng reyna. Di nagtagal, nagkaroon ng ugnayan ang prinsesa doon sa lalaking taga-kabilang planeta." huminga si Kuya ng malalim, "Nagmamahalan sila."

"Alam ng reyna na hindi tamang ipakasal ang kanyang anak na prinsesa sa isang taong iba sa kanila -- pero mahal na mahal niya ang kaisa-isa niyang anak at kasiyahan nito ang laging nasa isip niya. Pagkalipas ng taon, nagkaroon sila ng anak na lalaki."

Muli na naman siyang huminto at matamlay na ngumiti sa kawalan, "Flame. Flame ang ipinangalan nila sa anak nilang lalaki."

Hindi ako nakapagsalita. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Flame.. si Kuya? Kwento ito nila Mama at.... Papa?

"Dumaan pa ang ilang  taon at normal naman ang lahat -- hanggang sa isang pangyayari. Narinig ng reyna ang pakikipag-usap ng asawa ng kanyang anak sa isang katulad niya na nasa kabilang planeta. Nalaman niya na may iba pang dahilan kung bakit siya pumunta sa planeta natin. Isang masamang balak."

"Plano niyang kumuha ng isang tao mula sa atin na may kakayahang kontrolin ang buong kalikasan -- plano niyang kunin ang prinsesa. Hanggang doon lang ang narinig ng reyna kaya hindi niya nalaman na noon lang iyon, na nagsisisi na ang lalaki. Na tunay niyang mahal ang lalaki niyang anak, ang asawa niya, at ang dinadala nitong anak sa tiyan niya."

"At hindi nila alam na ang anak na iyon ay inilagay sa isang kasunduan." tumingin sa akin si kuya, "Ikaw iyon, Bambi. Ikaw ang nasa kasunduan."

Kumunot ang noo ko. Kasunduan? Anong kasunduan? 

Si Papa.. taga-kabilang planeta siya?

Sa kabilang planeta.. ibig sabihin ba..

"Nandito sila para sa kasunduang iyon." Sila. Sina Daehyun? "Nandito sila para kunin ka. Sa umpisa pa lang, iyon na ang pakay nila. Kalaban natin sila, Bambi."

Hindi ako naka-sagot; hindi ako makagalaw. Kukunin nila ako? Para ano? Para saan? Ano ang mangyayari sa akin?

Madami akong gustong itanong kay Kuya pero iba ang lumabas sa bibig ko, "Sino ang gumawa ng kasunduan?"

Yumuko si Kuya, "Si --"

"Ako."

Tumingin kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. 

Tumayo agad si Kuya, "Grandmy?"

Hindi siya pinansin ni Grandmy at nanatiling nakatingin sa akin, "Ako ang reyna na sinasabi ng kuya mo, Bambi. Ako rin ang nakipag-kasundo sa kabilang planeta." ngumiti siya ng malungkot at kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya..

"Ako ang nakipag-kasundo na ibigay ka sa kabilang planeta."

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ  

Yes, guys. Part 1 ito. Dinugo ang utak ko kaya kailangan ko siyang hatiin.

Vote & Comment <3 

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now