Chapter 8

21K 677 85
                                    

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

~* Recognition ~*

[BAMBI]

Weekends. Ito yung mga araw na namamahinga ako. Ito yung araw na nasa bahay lang ako. Ito yung mga araw na nakain lang dapat ako.

DAPAT. 

Bumuntong hininga ako at sinarhan ang refrigerator naming walang laman na pagkain. As in wala. Zero. Kahit mga mumu ng pagkain, wala. Mga halimaaaaw.

“KUYAAAAA!! MAG-GO-GROCERY LANG AKO!!!” sigaw ko sa taas.

Wala na naman akong almusal :---(

MAHIRAP MANIRAHAN SA ISANG BAHAY NA PURO LALAKI. BOW.

~ ~

Pagkatapos kumuha ng mga pagkain sa BAWAT food aisle (okay na yung siguradong my stock), dumiretso na ako papunta sa fruits section.

Pagka-turn ko mula sa isang aisle, nakarinig ako ng mga boses na nasigaw. Uhhh?

Mukhang hindi lang ako ang nakakarinig kasi bawat tao na nadaan sa gilid nila, napapatingin sa kanila na para bang tinubuan sila ng dalawang ulo.

Naka-side view sila mula sa posisyon ko kaya hindi nila alam na sumandal tumigil muna ako ng ilang hakbang ng layo mula sa kanila at nakangiting nanonood.

“AAAAHHH!! ANG DAYA! Gusto ko ng cherry tomatoes!!” naka-pout na sabi ni Zelo.

In-extend pa palayo ni Yongguk ang kamay niyang may hawak na isang plastic ng cherry tomatoes mula kay Zelo. Hehe. Buti na lang at hindi tinaas ni Yongguk kase wala ring effect. Ang laki na ng agwat ng tangkad nila ni Zelo eh *O*

Nag-stomp ng paa si Zelo at ni-cross ang kamay niya, “Ang daya! Bakit si Daehyun pinagbigyan mo na kunin yung isang pack ng cheesecakes >3<”

Tumingin ako sa isolated na cart sa gilid – na hula kong sa kanila dahil sa dami ng pagkain – at nakita ko nga doon ang dalawang balot ng cheesecakes.

“Eh bakit kasi kulay pula pa 'tong napili mong pagkain. Mamaya baka sumabog 'to!” pagra-rason ni Yongguk.

Uhhh??? Haaaaa???

Hindi ko na napigilan. Napa-tawa ako ng mahina. Aigoooo, hindi pa rin nagbabago ang pagka-warfreak ni Yongguk.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now