Epilogue

12K 520 93
                                    


彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ


●~* Babysitting Six Aliens ●~*


[3RD]


"Grandmy!!!! Tara na! Nararamdaman ko na yung pangungulit ni Kuya a million miles away." inip na sigaw ni Bambi na naghihintay sa living room.


"Teka lang! Matanda na ako, okay. Hindi ko kayang magpigil ng ihi." sagot ni Grandmy pagkalabas niya sa bathroom.


"Daliiiiiiii, official coronation na ni Kuya at baka mapatay niya ako kapag wala pa tayo doon."


Napatawa na lang si Grandmy sa pagka-O.A ni Bambi.


"Oh siya siya.." pumwesto na sila malapit sa pader. Ipinatong ni Grandmy ang kanyang isang palad sa palad ni Bambi, at pareho nilang idinikit sa pader ang isa nilang kamay.


Huminga sila ng malalim at pumikit hanggang sa naramdaman na lang nila ang pagwala ng pader at napalitan ng isang portal. Ang portal papunta sa mundo nila.


Ilang months din sigurong na-perfect ito ni Bambi dahil sa halip na sa mundo nila nagle-lead ang portal, napapapunta sila sa ibang planeta na, well, sobrang iba sa kanila.


Tumingin sila sa portal kung saan ipinapakita ang kanyang kwarto sa kastilyo. Rinig na niya sa kabila ang ingay ng mga tao sa labas. Mukhang excited na rin sila sa pagiging hari ni Flame.



Humakbang na sila papasok sa portal at saktong bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at nakita niya si Leaf. "Ayun, nandito na din kayo! Dali at hinhanap ka na ni Flame. Sobrang kinakabahan na yata, muntikan na nga kaming ihawin eh."


Napatawa si Bambi, "Oo, susunod ako."


Tiningnan ni Leaf si Bambi mula itaas hanggang sa baba at ngumiti na ikina-blush ni Bambi. "You look beautiful." sabi sa kanya nito bago umalis.


Tumingin si Bambi sa salamin at tiningnan ang kanyang sarili. Naka-ayos ang kanyang buhok at suot-suot niya ang gown ng kanyang Mama. Isang gown na nagg-gradient ang kulay ng mga elements. A perfect gown.


Lumapit sa kanya si Grandmy at isinuot sa kanya ang kwintas na bigay din sa kanya ng Mama nya.


"You do look beautiful, Princess." rinig niya sa boses ni Grandmy ang pagka-proud sa kanya.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now