CHAPTER 8 - Andrew Chua

Start from the beginning
                                    

Pag dating namin sa lugar kung saan nag tatago si Franz, wala na sya dun kaya nag alala na ako. Tinawagan ko sya.

"Hello, Anne!! Nasan ka? Okay ka lang ba?" kumalma ako ng konti nung narinig ko yung boses nya.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Dito sa presinto, kasama ko si Joseph. Tinawagan ko siya kanina at siya yung sumundo sa akin."

"Ganun ba? Pasensya ka na ah, kung natakot kita at pinag alala. Pupunta na ako diyan. Antayin mo ako." Yun lang at pinutol ko na yung tawag.

Tumingin ako kay Andrew at nginitian siya.

"Okay na yung kaibigan ko, nasa presinto na daw siya. Pupuntahan ko siya dun." He patted my head again. I missed this, the way he comforts me. I feel safe.

Pabalik na kami sa sasakyan niya ng marinig namin yung sirena ng ambulansya. Nagkatinginan kami.

"Dun galing sa clubhouse." Nag aalalang sabi ko.

"Hayaan mo na, di naman siguro si dad yun. Hatid na kita sa presinto."

"Okay." nakangiting sabi ko at hinatid na nga niya ako dun sa presinto kung nasaan si Franz.

Pababa na ako ng sasakyan niya ng mag ring yung phone niya. Napatingin siya sakin.

"Si dad." Kinabahan ako bigla.

"Sagutin mo na." nag aalalang sabi ko.

"Hello, dad. What happened? Oh okay. May hinatid lang akong importanteng tao pabalik na ko diyan. Okay." Napangiti ako naman ako nung narinig kong importanteng tao pala ako.

"Di na ko papasok diyan. Nag aantay na si dad, ayaw umuwi ng di ako kasabay." Nakangiti siyang nag paalam sa akin pero bakas ang lungkot sa mga mata niya. I sighed.

Lumabas nalang ako ng sasakyan at lumabas din siya. Lumapit siya sa'kin at niyakap ulit ako. Niyakap ko lang din siya ng mahigpit. Di ko kasi alam kung kaylan ko ulit siya mayayakap ng ganun. Miss ko na talaga sila. Humiwalay na ko matapos niya akong kitlan ng halik sa noo.

"Sigh. Take care princess."

"I love you both." malungkot na sabi ko.

"We know."

Yun lang at sumakay na ulit siya sa saskyan niya.

Nag wave lang ako at sinundan ng tingin yung papalayong sasakyan. Nung malayo na siya, pumasok na ako sa loob.

Pag pasok ko, niyakap agad ako ni Franz. Sobrang nag alala siguro talaga sakin tong babaeng to.

Nakita ko si Joseph na naka simangot. Bakit kaya? Naalala koyung tungkol sa interview kaya nilapitan ko siya agad.

"Ahhm, Joseph, about sa interview, I'M SORRY!" nilakasan ko talaga yung sorry ko tapos nag bow.

"Apology accepted." Sabi nya, pero pag taas ko ng mukha ko nakasimangot pa din siya.

"Pero you have to pay for the damage." Damage? Pay? Galit ba siya. Tinignan ko lang siya dahil hindi ko din naman alam kung ano ba iyong nasira ko.

"I will reschedule your interview since acceptable naman yung reason. Pero you still have to pay."

"Pay?"

The KeeperWhere stories live. Discover now