Tinaas nito ang mga kamay na tumatawa.

    "You keep on surprising me, Edrian! I thought I can kill you right at this moment but you want to play a game with me. And you really got me excited."

    "Everything is over for you now, Wei Fei. What you worked hard for was gone to waste because you wanted more power. You can't beat Adrian fair and square that's why you used the blackmarket to gain more. But look what it brought you to? Do you think of you kill me right now, you can get away easily? You are in a ticking time bomb, Wei Fei."

    Hinablot ni Wei Fei ang nakatagong baril nito sa kanyang likod at itinitok din ito kay Edrian. Naramdaman niyang may papalapit sa kanya kaya umilag siya at siniko niya ito sa tiyan at sinipa gamit ang kanyang bionic leg dahilan para mapasalampak ito sa sahig. Binaril niya ito sa paa upang hindi na makakilos pa.

    Malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Wei Fei at napabaling sa kanya si Edrian. Alam niyang ano mang oras ay pwede silang magkapalitan ng putok ng baril. Marami siyang natutunan mula kay Seya at Adrian sa pakikipaglaban. Ngunit kailanman ay hindi niya ito ginamit upang maging marahas. Ngunit ngayong nasa gitna na siya ng panganib, wala na siyang pagpipilian pa.

    Mabilis ang mga kilos niya. Tinadyakan niya ang kamay ni Wei Fei na may hawak na baril at agad niya itong sinuntok sa panga nito dahilan para mapausamod ito sa sahig. Ngunit nakatayo ito agad at nakabawi naman ng suntok sa kanya ngunit nasalag niya ito. Tinadyakan niya ang isang paa nito na dahilan para mamilipit ito sa sakit at agad niyang pinilipit ang braso nito at napatalikod ito sa kanya.

   Sinakal niya ito sa leeg at halos mawalan na ito ng hininga nang bigla siyang tadyakan nito. Napabitaw si  Edrian kay Wei Fei ngunit hindi siya tumigil sa kanyang binabalak na gawin dito.

    May naabot itong isang vase at binato ito sa kanya ngunit nakailag siya. Naramdaman namn niya ang pagdatingan ng mga tauhan nito sa loob ng bahay.

    Limang kalalakihan ang nakatutok ang baril sa kanya kaya inangat niya ang kanyan mga kamay at nakita niya ang pagngiti ni Wei Fei.

    "You really made a good fight, Edrian.. But I'm afraid this is the point of no return for you."

    Kinuha ni Wei Fei ang kanyang baril na bumagsak sa sahig at kinalabit niya ito.

     Alam ni Edrian na sa puntong iyon, maari siyang mamatay ngunit nakahanda siya sa anumang mangyayari sa kanya. Kaya niyang lumaban ngunit wala na sa kanya ang pagkakataon. Sana lang ay dumating sa oras ang inaasahan niyang tulong bago siya malagutan ng hininga.

   Isang malakas na putok ang narinig nila mula sa labas at sunod-sunod na ang mga iyon. Nagsilabasan ang limang kalalakihan upang alamin ang nangyayari.

    Takot na itinutok ni Wei Fei kay Edrian ang baril na hawak niya at alam niyang may backup na tinawag si Edrian na hindi niya napaghandaan.

    "You son of a bitch.. I will kill you righ now!!"

    Mabilis na dinamba ng suntok ni Edrian ang  tiyan ni Wei Fei at pinilit niyang agawin ang baril na hawak nito ngunit malakas ang kapit nito sa baril.

    Natadyakan niya ito sa paa ngunit hindi pa rin ito bumibitaw sa kanyang hawak na baril. Ang pag-aagawan nila ng baril ay hindi nagtagal nang pumutok iyon.

     -------------------------------------------------------------------

   "What---- What happened to him? Adrian!! Fucking tell me what is happening!!"

    Sigaw ni Seya habang may nakakabit pa rin na mga hose sa kanya mula sa dextrose. Nakahiga siya sa hospital bed at puno ng bandage ang mukha niya mula sa mga bugbog na tinamo niya.

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now