2: Shifting Gears

2K 93 9
                                    


      The amputation went well. Two weeks din akong hindi pwede gumalaw and all those time, hindi nawala si Adrian sa tabi ko. My recovery was fast dahil nakukuha ko na rin ang pace ng pagkatao niya. Mainipin ni Adrian. Hindi siya sanay na nananatili sa isang lugar. Marami siyang properties around Taiwan pati na rin sa US at sa South Korea. He is even planning to buy a house in Russia para makasama niya rin si Yslav kung gusto niyang magbakasyon doon.

   But Taiwan has been his home for a long time. Dito payapa ang isipan niya. Lalo na sa Tai Chung Mountain Residence niya. Dito lahat ng pwede niyang gawin ay nagagawa niya. May malaki siyang gym. An almost olympic size pool. A firing range. Everything that has to deal with his interest ay nasa bahay na ito.

    Kaharap ko siya ngayon sa kanyang opisina at ngayon ay nagiging tulad ko na talaga si Adrian. He got rid of his piercings at ang buhok niya ay pinatubo na niya ng mahaba. Kasing haba ng buhok ko ngayon. Natutuwa ako kasi ang style ng pananamit niya ay katulad na rin ng style ko. He usually wear suits and long sleeved shirts na pinaparesan niya ng trousers or slacks. Ngayon pati denim ay nagsusuot na siya. Seryoso siya na magpanggap bilang ako. While I am only half way to achieving the Adrian Aragon that he is.

    "Natrace ko na kung nasaan ngayon si Henry na sinasabi mong may obsession din sa'yo. Aparently, he is a son of a lawyer and a doctor. Marami siyang kalokohang ginagawa noon pa man like pretending to be someone else para makuha ang loob ng mga taong gusto niya for no particular reason. And it just so happen that you were his target for a long time now."

    I stood up bringing my crutches and walked towards him on the other side of the table. Tiningnan ko ang computer screen at nakita ko ang mga ID at mga litrato ni Henry. He really is a sick person.

    "I will take this piece of shit to a mental facility. Baka hindi lang ikaw ang huling bibiktimahin nito. He is emotionally unstable and maybe a sociopath. Kaya ka nagtiwala sa kanya kasi ginagamit niya ang pagiging mabait mo to his own advantage. He feeds on that kindness you were giving towards him na naging isang obsession to a point na muntik ka pang mamatay."

  "Wala akong alam tungkol sa kanya. And I really hate myself for being too kind towards him. Alam kong mahina ako when someone shows me vulnerability." sagot ko kay Adrian at tumingin siya sa akin.

    "Kaya kailangan mong baguhin ang ugali mong 'yan. I have been telling you that for the longest time. Matuto kang lumaban at magpakita manlang ng galit. Don't be too kind because it is weakness that everyone will take out of you."

    Napatango naman ako sa sinabi niya. Alam kong naging masiyado akong mabait noon. And now, I am beginning to realize how that kindness ruined me.

     ------------------------------------------------------------------
 
     "Now point that gun right in front of the target. Don't falter your stance. You must point it in the right position. Kung saan mo gustong tamaan ang target mo. There is no point of hitting the bullseye. Hindi naman yan nangyayari sa totoong barilan. The important thing is you know what you are aiming for." paliwanag sa akin ni Adrian habang nasa firing range kami at tinuturuan niya akong humawak ng baril.

    He is not just a businessman, he has an organization. Kasali siya dito dahil napapadali ng organization ang flow ng negosyo niya at ng kanyang mga kaibigan. At kapag kasali ka sa organization na iyon, dapat handa kang makipagbarilan kapag kinakailangan.

    "I don't really think I have to learn this one, Adrian." tutol ko sa kanya at nalukot lang ang noo niya habang tinatanggal ang soundproof ear muffs na suot niya.

    "You are Adrian Aragon. And Adrian Aragon knows how to pull the trigger. Kung hindi mo magagawa ang simpleng bagay na'to.. I have no choice but to just stop our plans and hindi ka na pauwiin ng Pilipinas kahit kailan."

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now