8:Keep Up

1.7K 87 1
                                    


     Edrian

     Ang naging karanasan ko sa Russia na siguro ang pinakakakaibang nangyari sa aking buhay. Napakadali lang naman humarap sa mga business partners ni Yslav at Adrian pero hindi iyon ang nangyari. They were all staring at me like there was something wrong with me. Lahat sila ay may intimidating na aura at para bang gusto nilang alamin kung ako ba talaga si Adrian. Marahil hindi talaga magkakapareho ang isang kambal kahit na anong gawin nilang pagpapanggap.

    Mabuti nalang at nasa tabi ko si Yslav at hindi niya hinahayaan na tanungin ako ng mga kasosyo niya sa negosyo.

      Dahil sa aking pagkawala sa sarili ay hindi ko namalayang nakalapag na ang jet ko sa airport ng Taiwan.

       Pagkababa ko ng eroplano ay nakaabang na ang kotse ni Seya at nakaabang siya na para bang isang artista na nagmomodel ng sasakyan. Nakangiti akong sinalubong siya. Kita ko naman ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin simula nang may naging pagtatalo kami bago ako umalis patungo sa Russia.

     "How was Russia? Did you enjoy being roasted by those assholes?"

     Napailing nalang ako at pumasok sa loob ng kanyang kotse habang nilagay niya sa trunk ang aking luggage.

      Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang tignan siya. Alam kong hanggang ngayon hindi niya pa rin naaabsorb ang lahat ng mga nangyari at mga nalaman niyang katotohanan.

     "Adrian seems to be enjoying the Philippines. He doesn't miss me at all. I guess its a good thing. I can let go of things slowly with his snobbish act."

     "You should try and talk to him. I don't have the right to ask you how you feel because I know you are hurting. But you have to settle things with him."

     Tumango lang siya at nagpatuloy sa kanyang pagmamaneho. Ang hirap lang din isipin na nasasaktan siya ngayon. Pero alam kong darating din ang araw at mawawala na ang sakit na nararamdaman niya.

    Pero bago pa kami makarating sa destinasyon namin ay dalawang kotse ang biglang tumambang sa amin. Napatigil si Seya sa pagdradrive at hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba. Baka miyembro ang mga ito ng isang kalabang organisasyon. May nangyari ata na hindi ko nalalaman. Maging si Seya ay nalilito din sa nangyayari.

     Lumabas si Seya ng kotse at hindi ko naiwasang hindi siya sundan.

     "What the fuck is going on?"

     Napatigil ako nang maglabas ng mga baril ang nakapalibot sa aming kalalakihan.

     "Hagashi.. Someone crossed the line from your team. You know we don't like doing rash things like this, but one of your comrades is barking from the wrong tree."

     Napaismid si Seya at nakatitig lang ako sa lalaking kumausap sa kanya. Linapitan ko naman ito at buong lakas na ibinaba ang hawak niyang baril.

      "How much do you want now? The last time I checked, you were the ones who crossed the line? Shipping out drugs to one of our members and now you are asking for what?"

     Nalilito man ang lalaki ay patuloy ko lang siyang tinitigan sa mata at pinagdarasal ko na sana tamaan ito ng pagkaduwag at ibaba ang mga baril ng kasamahan niya.

      Tila nakaramdam nga ito ng intimidasyon mula sa akin at binaba nito ang baril niya.

      "We discipline our men the right way. It might be some mistake taken by your own comrades as you say it. But we never break the rules of the organization. I can name every violation your group has made. Don't even make a wrong move like this again or I will show no mercy next time."

The Bedwarmer (BL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora