10: Secret

3.3K 129 5
                                    


    "What are you trying to say, Edrian?" tanong sakin ni Claire while she was on the phone. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit paring kalimutan ang mga nangyari. Ang mga nakakatakot na ala-ala ay muling bumabalik sa aking isipan.

    "Si-- Si Ryan.. Nagkita kami ulit kanina sa office." nanghihina kong sagot kay Claire na napasinghap naman sa kabilang linya.

    "Anong sinasabi mo? Ryan got out of prison?" nabulalas ni Claire na kinatindi pa ng nararamdaman kong kaba. Hindi ko inaasahan na darating ang puntong ito ng buhay ko.

    Ang bahagi ng buhay ko na matagal ko nang gustong ilibing. Ngayon ay unti-unting bumabalik at tila ba isang bangungot na hindi na kailanman mawawala.

    "His family is powerful enough to do that. Pero hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami. And for some reason, he is brewing something."

    "Edrian.. You need to move out of that company. Magresign ka at umalis ka na. Hindi titigil si Ryan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya."

     Napatingala ako sa kisame ng aking apartment. Madilim ang buong paligid at tanging ilaw lang sa labas ang nagpapaliwanag sa loob.

    Hindi ko parin alam kung ano ang aking gagawin dahil sa sunod sunod na pangyayari sa buhay ko.

   Si Andrew.. Si Henry.. at ngayon naman si Ryan. Hindi ko na alam kung paano ko pa tatakasan ang lahat ng ito.

    Binaba ko ang tawag ni Claire at hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko magawang sumigaw o magwala. Tila wala na akong lakas para gawin pa iyon.

    Tanging nasa isip ko na lamang ay ang posibilidad na mabunyag ang katotohanan at ang pwedeng gawin sa akin ni Andrew at ni Henry.

    Bumukas ang ilaw ng sala ng aking apartment at nakita ko ang pares ng paa na nasa aking harapan. Napatingala ako at nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Hindi ko alam ngunit napasigaw ako ng malakas na tila ba gusto nang kumawala ng kaluluwa ko.

    "Edrian? Why are you screaming? Anong nangyayari sa'yo?" pagpapakalma niya sa akin at doon ko lang napagtanto na hindi pala si Ryan ang aking kasama sa loob. It was Henry.

   Hindi ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit. Hindi mawala ang takot sa loob ko at para akong mawawalan na ng ulirat dahil sa mga nangyayari. Pinipilit kong isilid ulit sa pagkalimot ang lahat ng nangyari sa akin noon pero hindi ko magawa.

    "Please Edrian? You are scaring me. Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Henry while I was still clinging into his arms and resting on his shoulder while crying.

    "Hindi--- Hindi mo rin maiintindihan kahit sabihin ko pa." I just said at mabilis niya akong pinaharap at may kung anong galit na namuo sa kanyang mga mata.

    "Lahat ng bagay ay kaya kong intindihin. Just tell me what is going on. Hindi ko gustong nakikita kang umiiyak without me knowing the reason."

    Umiling lang ako at lumayo sa kanya. I can't deal with this right now. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Dahil kapag malaman niya, mas lalo lang magiging magulo ang lahat.

    "Can we just stop seeing each other? Henry? Itigil na natin ang pagkikita. This is what I think is best for us to do."
 
     Napalitan ng pagkagulat ang kanyang mga tingin sakin at mas lalo lamang naging masidhi ang kanyang paghawak sa aking mga bisig.

     "This is absurd, Edrian. Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka? Did I hurt you or something?" naguguluhan niyang mga tanong sakin pero hindi ko siya sinagot sa halip ay mas linakasan ko ang paghigit ko sa aking mga bisig upang mabitawan niya.

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now