6:Hitting Hard

2K 94 3
                                    


    Edrian

     Nakatutok lang ako sa screen ng aking computer at hindi maiwasang mangiti habang trinatransfer ko ang mga pictures na kinunan ni Seya nang nasa Sicily kami. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang pakiramdam ng saya na makasama siya at hindi siya sobrang seryoso.

     Sa totoo lang, mahirap din ang nakapasan na responsibilidad sa kanya bilang katiwala ni Adrian sa maraming business transactions. Siguro nga ganun nalang ang pagtingin ni Seya sa katapid ko dahil malaki din ang tiwala nila sa isa't-isa.

     My phone was ringing at agad ko namang tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag. It was Adrian and I immediately answered him.

     "Hey? We just got back from Italy. Hindi ko alam na ganun pala ang relasyon mo kay Luciano De Vusti. You should give me some heads up before I get nervous of all things that will happen in future business transactions."

    Natawa lang siya sa kabilang linya na kinairap ko naman.

     "Don't worry. I don't fuck with my clients and my business partners. You don't have to be crazy about it. Hindi ako ganung klaseng businessman." sagot niya sa akin at nahimigan ko na parang maganda ang mood ng kapatid ko.

    "Why do I feel like you are in a good mood?May maganda bang nangyari?" di ko napigilang itanong sa kanya.

     "Yeah--- I think its more than just a good mood. I feel so happy right now. Alam mo ba kung sino kasama ko ngayon sa hotel room ko?"

    Bigla akong napaisip. Parte ba ito ng paghihiganti niya para sa akin or is there something else he is doing. Then all of a sudden naisip ko si Janus. Hindi kaya?

   "Adrian.. Don't tell me you meet up with Janus?"

    "Bakit? I just wanted to see him. Hindi naman masamang makipagkita ulit sa kanya 'di ba?"

    Napailing nalang ako. Paano kung malaman ni Seya na nakikipagkita siya sa kaibigan ko and I know for a fact na gusto niya si Janus. Baka magwala ang lalaking 'yun at sa akin ibunton ang galit niya.

     "You know how jealous Seya can get. Kapag nalaman niya na nakikipagkita ka kay Janus, hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa siya na pumunta diyan sa Pilipinas."

      "Seya knows what we have. You don't have to worry about him. Why are you so concerned about him suddenly?"

    Napatigil ako sa tanong niya sa akin. Mabilis mabasa ni Adrian lahat ng nasa isip ko. Kaya kung malalaman niyang may gusto ako kay Seya, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari.

     "This was not in our plans. Iyon lang naman ang gusto ko. Ayoko lang mas lalong maging komplikado ang lahat. Baka madamay si Janus."

     "Hindi ko siya pababayaan. Walang mangyayaring masama kay Janus. And please, I am doing this for you so have faith in me. Tatapusin ko ang lahat na walang masasaktan na mahal ko sa buhay. Hindi ko hahayaan na may masaktan kahit na isa sa inyo."

      Pinatay niya ang tawag at napasapo nalang ako sa aking noo. Alam kong sa puntong ito, mas lalong gugulo ang lahat.

     --------------------------------------------------------------------

     Inabala ko ang sarili ko sa virtual meeting namin ng mga business partners ni Adrian galing sa iba't-ibang bansa. Ginaganap ito every 12th and 24th of the month. Kadalasan ay usapan ng revenue at profit allocation ang pinaguusapan nila. Nakikinig lang ako at kahit papaano ay nagbibigay ng mga suggestions kapag hinihingan nila ako. Adrian's job is not easy to deal with. Hindi ka nga talaga pwedeng magkamali.

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now