14: Firm Hold

2.2K 76 13
                                    


     Mabilis na tinatakbo ng sasakyan ni Edrian ang daan patungo sa isang tagong lugar. Alam niya ang tungkol sa binabalak ni Wei Fei. Noon pa man bago ang exposè na ginawa niya dito ay alam niyang hindi siya nito titigilan. Marahil ay nalaman na nito ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao at nagpanggap siya bilang si Adrian sa harapan ng maraming members ng organization na maaring ikapahamak din ng kanyang kapatid.

    Inalala niya lahat ng pwedeng pagtaguan ni Wei Fei at isang hideout na malapit lamang sa Border ng Tai Chung Mountain ang kanyang naisip na pagtataguan ni Wei Fei.

    Tinawagan niya ang isa sa mga bodyguards ni Adrian at sinabihan itong magpadala ng back up sa lugar na pupuntahan niya.

     Mahigit isang oras din ang linakbay niya bago marating ang isang cabin style na bahay sa isang liblib na lugar. Hininto niya ang kotse sa isang tagong posisyon ngunit sapat para makita ng mga backup na darating.

    Inopen narin niya ang GPS niya para malocate siya ng mga tauhan ni Adrian. Maingat siyang pumuslit papasok sa loob ng bahay na pinagtataguan ni Wei Fei. Baril lang ang hawak niya at disadvantage din sa kanya ang limitado niyang galaw dahil sa kanyang bionic legs. Pero nagawa niyang makapasok na hindi nakikita ng mga tauhang nakabantay sa entrada ng hideout.

     Nang nasa hagdan na siya ay napansin siya ng isa sa mga gwardiya ngunit mabilis siyang kumilos upang takpan ang bibig nito at pilipitin ang leeg dahilan para mawalan ito ng malay. Mabilis siyang kumilos paakyat ng hagdan patungo sa main door ngunit isang malamig na metal na ang nakatutok sa kanyang leeg nang subukan niyang pumasok sa loob.

    "Drop your gun and don't do anything stupid or I will kill you."

     Hindi na nagawa pa ni Edrian na umangal dahil alam niyang mapapadali ang buhay niya kapag hindi siya sumunod sa inuutos nito. Tinulak siya nito papasok sa loob ng bahay at sumalubong sa kanya ang isang interior na puno ng mga halaman at mga oriental decorations. Nakaupo sa isang couch ang pamilyar na mukha.

    Umiinom ito ng tsaa sa tasang hawak at napabaling ito ng tingin sa kanya at para bang expected na nito ang pagdating niya.

    "You came into the lion's den without bringing a hunter's axe. You are a brave man, Adrian.. Or should I say, Edrian with an E.."

    Hindi nagsalita si Edrian sa halip ay tumayo lang siya sa harapan ni Wei Fei. Tumayo ito at nilapitan siya. Tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.

    "You fooled everyone in the organization and yet they believed your bullshit. You destroyed my long earned reputation and yet you are living your happy ever after? I don't think its fair right? Why don't we make things fairer like this.."

   At tinadyakan si Edrian ni Wei Fei sa bionic leg niya na dahilan para mapaluhod siya. Wala siyang naramdamang sakit ngunit ang sunod sunod na suntok na ginawa nito ay naging dahilan para sumalampak siya sa malamig na sahig.

    "I thought you were the tough one.. Why don't you get up right now and fight me? You are all talk. Pussies do the talking."

    Pinilit niyang tumayo pero tinadyakan siya nito sa kanyang tiyan na naging dahilan para mapaluwa siya ng dugo. Labis na sakit na ang nararanasan ni Edrian at alam niyang hindi lang iyon ang gagawin nito sa kanya.

    Nakita ni Edrian ang isang maliit na pagkakataon upang maagaw ang baril na hawak ng tauhan ni Wei Fie sa kanyang likuran. Kahit mahirap ay sinubukan niya.

    Tinadyakan niya ito sa gitna ng mga hita nito at namilipit ito ng sakit dahilan para mabitawan ang baril na hawak nito. Agad naman itong napulot ni Edrian at itinutok kay Wei Fei. Nahihirapan man ay nagawa niyang tumayo at harapin si Wei Fei.

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now