4: Comparisons

1.9K 100 8
                                    

Edrian

Sinundan ko si Seya pababa ng hagdan kahit na medyo nahihirapan ako sa paglalakad ng mabilis dahil limitado na nga ang kilos na pwede kong gawin. Pero nahabol ko pa rin siya at napigil ko ang kanyang binabalak na gawin.

"Let go of me.. You're the reason why Adrian got all tangled up with this shit. You have no idea how much it will cause if he even make one mistake." singhal niya sa akin na hindi ko naman ginantihan ng kahit anong emosyon.

"I trust my brother more than anyone else. If you don't trust him, it's your problem. And we planned all of this together, it was not just me or him."

Hinapit niya ako ng malakas at hindi ko naman napigilang mapayakap sa kanya dahil baka bumagsak ako. Nawalan ako ng balanse at nasalo niya naman ako sa aking likod.

Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko habang nakikita ko ang maamo ngunit galit niyang mukhang nakatitig sa akin.

"Why does it have to be a twin brother! You're both making me crazy." sabi pa niya bago niya ako itayo at tuluyan siyang naglakad pababa ng hagdan.

"Where are you going, Seya?!"

"Don't worry.. I will not follow him to the Philippines. There is something more important to deal with right now than to follow him like a dog." saglit siyang tumigil at tiningnan ako sa mata.

Ewan ko ba kung bakit ganun nalang ang epekto niya sa akin. Siguro dahil sa intimadating talaga ang pagkatao niya. Ayokong lagyan ng kahit anong meaning ang nararamdaman ko. He is someone that hides a lot to himself.

Napailing nalang ako at muling umakyat papunta sa aking kwarto. I rested my back on the door at napahinga ng malalim.

Ilang araw ko palang ginagampanan ang pagiging Adrian, pero napakahirap na. Sa dami ng ginagawa ni Adrian, no wonder he can't even talk to me or even my parents for a long time.

Agad kong binalikan ang naiwan kong trabaho bago tumawag si Adrian sa akin upang ibalita ang ginawa niya ngayong araw. I just don't know how he can manage to be so easy going with the whole thing. Sanay nga siguro siyang makipaglaro sa mga kalaban niya sa negosyo kaya madali na lang sa kanyang paglaruan din ang emosiyon ng mga taong nanakit sa akin.

---------------------------------------------------------------

"That's up to you if you wanna meet up with Luciano. He is one of your brother's biggest gold buyer. He owns a lot companies all over Italy and Romania. I can talk to him if you feel unconfident." paliwanag ni Seya sa akin habang nasa kotse kami at patungo sa airport.

Pupunta kami ng Italy para makipagmeet kay Luciano De Vusti. Part of Adrian's job is to travel all around the world. Marami siyang malalaking kliyente na kahit ako ay matatakot na harapin. Pero itong katabi ko sa kotse ay parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Have you always been like this?" bigla kong naitanong kay Seya na kinabaling niya ng tingin sa akin.

Ngayon ko lang siyang nakita wearing a suit kaya naman naninibago din ako sa kanya. I can't deny the fact that he is more handsome when he wears a formal clothes.

"Like what? Like an asshole?"

Natawa ako sa sinabi niya na kinainis naman niya pero umiling ako.

"No.. Like you always want to prove something. You carry out everything perfectly. What's the reason behind that?"

Inalis niya ang tingin niya sa akin at dumungaw sa bintana. Hindi ko alam kung natamaan ko ba ang ego niya or may katotohanan sa mga napapansin ko sa kanya.

The Bedwarmer (BL)Where stories live. Discover now