13: Got It All Wrong

2.3K 114 2
                                    


       "Mommy.. I don't need to see the psychiatrist again. Ayos lang ako. Wala akong gagawing masama." sagot ko kay mommy while we were on the phone.

     I told her about my transfer to Ryan's company and she was shocked. She was mortified to be honest. Pero gusto ko nang tapusin ang lahat. At hindi matatapos ito hanggang hindi ko hinaharap ang mga takot ko. Ang mga bagay na matagal nang bumabalot sa pagkatao ko.

    "I don't know how to help you anymore, Edrian. You're putting yourself in danger all over again, don't you get that?" sabi pa ni Mommy at hindi na ako sumagot pa. She means well, but I have to get through this all by myself now.

     Pagkababa ko ng tawag ay agad naman akong nag-ayos ng aking mga gamit. This is the first thing I had to do. Ang lumipat ng location. I have to do this at night para masigurong walang makakasunod sa akin. If ever Andrew put someone to spy on me, I will know. Hindi ako magdadala ng maraming gamit. I will leave things behind since I know someone who will occupy my unit once I get out of here. Siya na ang bahala sa mga maiiwan ko. I just need to find a new place. To start planning everything.

      Bigla kong naalala si Henry.. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari sa akin. I have isolated him from my struggles. Siguro dahil sa ayaw ko na rin na madagdagan pa ang mga kasalanan ko.

    Its better that he doesn't know anything. Ayokong mainvolve siya sa magulo kong buhay. Maybe after all this shit. I can start all over again. And make things right. But right now, I am in a battle that I have to win over.

    I wore a black hooded jacket and slid my backpack with the important things I need inside it. It was 2 in the morning. And I will spend the remaining hours in a hotel before I start finding a small decent place to live. Iyong hindi na kailanman ako mahahanap ni Andrew.

   Si Ryan ang dapat kong pagtuonan ng pansin ngayon. He is trying to manipulate things again pero hindi na ako makakapayag doon. He will pay for what he did to me. Nakalaya siya dahil sa kapangyarihan ng pamilya niya. Well, I will destroy him once and for all.

    Siguro mahina pa rin ang loob ko pero nakakasawa na maging mahina. Maybe its time for me to turn the tides.

    Nang makaalis ako ng aking unit ay agad kong tinawagan si Claire. Umaga pa ngayon sa US so I'm sure gising na siya.

    Nakarating naman ako sa hotel na aking tutuluyan just to get through the night. Still observing my surroundings kung may nakasunod ba sa akin. Lucky enough, tumigil na siguro si Andrew sa pagpapamanman sa aking mga kilos.

   He lost his interest in me so that will be a relief for me. Tama na rin siguro na mawala na ang attachment ko sa kanya. Dahil sa bandang huli, hindi rin niya ako paninindigan just like what his daughter always tells me. Mag-ama nga sila.

   ----------------------------------------------------------------
 
    "Aba pagkapogi naman nitong bagong boarder natin, Lorena.. Ano palang pangalan mo?" sabi sa akin ng matandang may-ari ng tutuluyan kong boarding house. It was a decent one. Kompleto na sa gamit at apat lang ang nakaoccupy kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang isang buong kwarto.

    "Naku si Edrian ho iyan, Mama Gina. Kaya nga po, pagkakaguluhan iyan ng mga kapitbahay natin sigurado ako." sabi naman ni Ate Lorena na katiwala naman sa boarding house.

    "O siya sige.. Sana maging maganda ang panunuluyan mo dito ha? Edrian? Mababait ang mga makakasama mo dito sa boarding house."

   Napatango nalang ako kay Mama Gina at ngumiti dito. Kita ko sa kanya na alaga niya pa rin ang katawan sa kanyang edad na siguro nasa 60s na.

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon