Chapter 47 - Sad Song

655 40 36
                                    

Noong lumayo ako sakaniya, matagal ko nang tinanggap na kamumuhian niya ako. Matapos nang lahat ng sakit na naidulot ko kay Thiago. Tinanggap ko na lamang na hindi magiging maganda ang pagkikita naming dalawa kung sakali. Sinabi ko sa sarili ko na magiging handa ako sa mga masasakit na salita na ibabato niya sakin. I said to myself that I will accept all of it.

But I was wrong. I was not ready. I was not prepared for all the words and accusations that he gave me.

Bumalik ako sa suite mag-isa. Walang bakas ni Suzy o ni Sergio siguro ay sumunod na din sila sa party. As for me, I don't have the courage to go back after what happened. Parang naisama ni Thiago ang lakas ko sa pagtalikod niya sakin kanina.

I tried to calm myself by soaking my body beneath the warm water. Niyakap ko ang sarili ko habang nakalublob sa bathtub at nakapikit. I took a breath as I remember all the hurtful words that he said.

'You being here... hindi ba't dahil lang din naman sa pera?'

'You even married my cousin. Why? It's all because of money, right? So, what if you didn't receive any from my mother? Halos makukuha mo naman ang ilang shares sa kumpanya dahil kasal ka na. Good job. Finally. You got what you really want.'

Naikuyom ko ang aking palad dahil sa unti-unting pag-usbong na galit sa aking kalooban. Alam kong wala akong karapatang magalit pero ang pagbintangan niya ako sa bagay na hindi ko ginawa at hindi ko kayang tanggapin.

I wore an oversize shirt and pajama before going out my room. Nagulat naman ako dahil kakapasok lang din halos nila Suzy at Sergio habang akay sa magkabilang braso si Brandon na tila walang malay.

"Anong nangyari?" nag-aalala akong lumapit sakanila.

"Naglasing po siya sa bar ng Hotel tapos nag-hamon ng away. Buti nalang may nakakakilala sakaniya kaya tinawagan agad si Manager." Natatarantang kwento ni Suzy bago nila sabay ibinagsak sa kama si Brandon.

"This jerk! Ganun na lang ba talaga ang career mo sayo?! Palagi mo nalang pinapasakit ang ulo ko!" inis na sigaw ni Sergio bago tuluyang umalis.

NIlingon ko naman si Suzy na hindi mapakali habang nakatingin kay Brandon. Hinawakan ko siya sa balikat kaya mabilis naman itong lumingon sa akin.

"Ako na bahala. Magpahinga na kayo." I assured her.

"P-pero Miss Alanis---" inilingan ko lamang siya.

"Sige na. Kaya ko na 'to. Tulog naman na siya eh." Nagdadalawang isip muna siyang tumingin kay Brandon na nakahansuday sa kama bago sa akin at saka tumango.

"Sige po. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka po sakin." I smiled and then nod at her.

Pagkaalis ni Suzy ay pinasadahan ko ng tingin si Brandon sa aking harapan. He looks so drunk and wasted. Talagang naglasing nga ang isang ito.

'I will forget everything... everything... just tell me you still love me.'

'Baliw ka na. Hindi na kita mahal! Ano ba? Bitawan mo ako!'

I remembered those words Annika said to her.

Brandon has always been tough and mysterious ever since. Isang tao lang ang nakakapagpalambot sakaniya at si Annika yun. She's his weakness. She's his kryptonite. Annika is like samson's hair. Kapag pinutol mo ay mawawalan siya ng lakas. That's what she is to him.

Kaya siguro ganito na siya ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako bago lumapit kay Brandon at tinanggal ang kaniyang sapatos. He really stinks because of the alcohol! Inalis ko na din ang medyas niya pati ang suot niyang coat. Gumalaw man siya yun ay dahil nagpalit lang siya ng posisyon nang pagtulog.

Turning TablesWhere stories live. Discover now