Chapter 42 - Rise Up

299 18 4
                                    

Nagliliyab sa galit na pinuntahan ni Thiago ang kaniyang ina pagkagaling kina Millie. Kumakain ng hapunan ang kaniyang ina kasama ang kapatid na si Andra habang ang ama ay nasa business meeting abroad.

Mabilis naman siyang hinarangan ng mga body guard ng kanilang pamilya nang makita ang itsura nitong tila galing giyera. Tinapunan niya ng matatalim na tingin ang dalawang guard na parehas nakaitim na suit and tie.

"Tabi." Mapagbanta nitong utos sa dalawa.

Napansin agad iyon ni Andra kaya mabilis itong tumayo at nilapitan ang kapatid. Donya Emiliana is fully aware of the presence of his son but she chose to ignore and continued eating.

"What's happening here? Nababaliw na ba kayo? Let go of kuya." Mataray na utos ni Andra.

Nagtinginan ang dalawang bantay bago nagdadalawang isip pang binitawan si Thiago.

Napasinghap at nanlaki na lamang ang mata ni Andra nang makita ang kapatid na parang nabugbog. May sugat sa noo at putok ang labi ni Thiago. Ang polo nitong puti ay halos nawalan na ng butones at may bahid ng dugo na rin.

"Kuya! Anong nangyari sayo?" natatarantang tanong ni Andra pero hindi siya pinansin ng kapatid.

Gegewang-gewang itong lumapit sa ina.

"Anong sinabi mo sakaniya?" hirap na hirap nitong tanong sa ina dahil sa iniindang sakit pero hindi siya pinansin nito. Patuloy lamang itong kumakain.

He left with no choice. Ang mga kubyertos sa hapag ay isa-isang dinampot ni Thiago at pinagbabato sa sahig. Natatarantang nagsilapit ang mga kasambahay at mga guwardya para awatin siya.

Tuluyan na syang nadampot kaya hindi na siya nakakilos. Nagpupuyos itong lumapit sa kaniyang ina kahit pa may dalawang guwardyang nakakapit sakaniya.

"Bakit siya umalis? Bakit?! Alam kong kinausap mo siya! Alam kong pinuntahan mo siya kaya wag ka nang magkaila!" sigaw pa nito.

Nanginginig si Andra habang pinanonood ang ginagawa ng kapatid. Nilingon niya ang ina na sawakas ay binigyan din ng atensiyon ang anak na nakakapanlumo ang itsura.

"Sinabi ko lang ang totoo sakaniya. I told her that she doesn't belong here and she's no good for you." Kalmado pa nitong sabi bago sumimsim sa kaniyang tasa.

"Ahhh!!!!" akmang susugod si Thiago ngunit hindi iyon hinayaan ng mga guwardiya.

"I made a deal with her.

Kaya wag kang magalit sakin.

I just gave her an option and she easily gave in.

Ang sabi ko sakaniya ay bibigyan ko siya ng pera para lumayo at magsimula ng bagong buhay kapalit ng relasyon niyong dalawa. I told her that she could use that money for her to see her real mother and with no hesitations she grabbed it. Ang sabi niya pa ay kaya ka nga niya iniwan at hindi tinanggap ang alok mong kasal dahil balak niya talagang umalis." Kibit balikat pa nito.

"You're lying!" sigaw nito sa ina.

Padabog na nilapat ni Donya Emiliana ang kaniyang kanang kamay sa kahoy na lamesa at taas kilay na tinignan ang kaniyang anak.

"If I am lying, Thiago. Bakit siya umalis at iniwan ka rito?" mariin nitong tanong.

"Kalimutan mo na ang inggratang iyon dahil iyon din ang gusto niyang gawin mo! I heard it myself! She doesn't want to see you anymore!" sigaw nito sa anak.

Parang pinipilas sa sakit ang puso ni Andra habang tinitignan ang kapatid na lumuluha habang pilit isinasaisip ang mga sinabi ng kaniyang ina.

Naalala niya ang inabandonang kaibigan at alam niyang hindi niya iyon magagawa ng dahil lamang sa pera. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang sabihin na wag maniwala ang kapatid niya pero walang salitang lumabas sakaniyang bibig.

Turning TablesWhere stories live. Discover now