Chapter 56

128 8 3
                                    

Goodbye

Nang maikalma ang sarili ay inayos ni Alanis ay pinili niyang magtungo na kay Doctor Castro para linawin ang sakit. It's her health that at risk after all.

"I understand what you feel, Miss Briones." Bungad ni Dr. Castro.

"Pero ang mahalaga sa ngayon ay ang makahanap tayo ng solusyon sa karamdaman mo... sa ganoon ay maliligtas natin ang bata sa sinapupunan mo." Parang mga bubog ang mga salitang iyon ni Dok sakaniya.

Nagsimula na namang mangilid ang luha sakaniyang mata bago suminghot at pilit na nagsalita.

"Is there... is there really a cure for this?" puno ng pag-asa ang kaniyang boses.

"To be honest, there's no exact treatment or cure for this Alanis as of now. There are some therapy exercises and some pain medications that you could take however it might harm the baby. What we can do for now is observe and take care of your lifestyle." Direktang sabi ng doctor.

"Maari nating hindi gamitan ng kahit na anong gamot at teknolohiya pero kakalat at lalala ang kondisyon mo." Dagdag pa niya.

Halos walang pumasok sa utak ni Alanis. Naririnig niya pero parang wala siyang maintindihan. Ang alam niya ay kailangang maligtas ang bata sa sinapupunan niya. Ang anak nila ni Thiago.

Alanis was discharged and she decided to go home alone. Brandon and Annika insisted to drive her back, but she declined. She needed time alone. Maraming gumugulo sa isipan niya ngayon at ayaw niyang makaapekto iyon sa mga desisyong gagawin niya.

She walked towards the taxi bay near the hospital and sat on a bench. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nakita ang iilang missed calls mula kay Thiago. She scanned through it and saw a message pop out from Thiago as well.

'I'm home. Mom's condition is stable for now. I'm sorry for leaving you earlier.'

Tears started forming through her eyes.

Napasinghot si Alanis para pigilan 'yon pero walang nangyari dahil agad rin silang nagsibuhos. Mabilis niya naman 'yon pinunasan bago nagtipa ng sagot kay Thiago.

'It's okay.' She replied before putting back her phone inside her pocket.

She took a cab without knowing where to go and ended up in front of Valentino's mansion. She dialed Andra's number and she immediately answered.

"You home?" pilit niyang pinasaya ang tono ng kaniyang boses.

"Nandito ako sa condo ni Lance ngayon mas malapit kasi sa hospital in case kailanganin ako ni Mom. Why? Do you need anything?" sunod-sunod naman nitong tanong.

"No... Nothing. I just called." She ended the call and then stared at the mansion.

She wanted to see Thiago, but she doesn't want to tell the news.

May problema na nga si Thiago tungkol sa nanay niya dadagdag pa ba siya don?

She looked down to her tummy and gently caressed it before entering the mansion.

Dahil kilala na siya doon ay agad naman siyang pinapasok ng mga tagapangalaga ng mansyon. Nilakad niya ang daan tungo sa kwarto sa ni Thiago. Parang tambol ang tibok ng kaniyang puso habang papalapit na sa pintuan nito.

Wala siyang balak sabihin ang kondisyon niya sa ngayon. Ayaw na niyang dumagdag pa sa problema ni Thiago at hindi niya rin alam kung anong gagawin niya sa sarili at sa anak nilang dalawa.

She knocked three times.

"Sino yan?" rinig niyang sigaw ni Thiago mula sa loob.

Hindi siya sumagot kaya ilang minuto lang ay nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa pintuan at agad 'yong bumukas.

Turning TablesWhere stories live. Discover now