Chapter 46 - A Thousand Years

449 30 21
                                    

Tahimik lamang ako buong byahe habang papunta na kami sa pinakamalapit na munisipyo. Nagtataka man ako ay hindi na ako kumibo dahil sa sinunod naman ni Brandon ang gusto ko. After I broke down at the church earlier, he just followed what I've said with no questions asked.

He ordered everyone that we will be heading at the nearest the City hall to conduct our fake civil wedding. Ramdam ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin habang nasa sasakyan pero hindi ko siya pinansin. Hanggang makarating kami sa munisipyo ay nanatili akong walang imik.

Nang makarating kami sa munisipyo ay mabilis akong nilapitan ni Suzy at inabutan ng tubig. Tapos ay lumipat naman siya kay Brandon para punasan naman ang namumuong pawis sa leeg nito. The whole staff and crew went inside to prepare. Maging ang fake priest ay nakabihis na din. May fake guests and principals din kami. Napailing na lang din ako. Talagang pinaghandaan ni Brandon ang lahat mula sa maliit na detalye hanggang sa pinakamalaki.

Nakita kong inaayos ni Suzy ang kurbata ni Brandon. Sumunod naman ay may mga lumapit sakanya para iretouch ang mukha nito. Sa sobrang wala ako sa wastong pakiramdam ay umupo muna ako sa may gilid habang pinapanood silang maging abala sa walang kwentang bagay na ito.

Alam kaya nila na peke lang ang lahat? Sabagay, ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.

"Konting hintay na lang po, Miss Alanis." Nilingon ko si Suzy na nakangiti sa akin. Nginitian ko naman siya pabalik nang nakapirmi ito sa aking tabi.

"Hindi na po kita pinaretouchan maganda ka pa padin naman." Dagdag niya pa.

"Binola mo pa ako." Pilit akong ngumiti kay Suzy.

Maya pa ay tinawag na kami ni Manager Lim. Agad akong hinarang ng isang make-up artist para dampian ng press powder at lagyan ng lipstick. Pagtapos niya ay tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin. Kahit ilang patong pa ng kolorete ang ilagay sa aking mukha ay hindi nito matatago ang tunay kong nararamdaman.

Indeed, I am the saddest bride ever existed.

Hindi naman na daw kailangan ng totoong ceremony. Kailangan lang ng pictures na kunwari ay kinakasal kami para ilabas sa social media. Mukhang madali lang kung tutuusin pero ang pinakamahirap dito ay yung kung paano ako magpapanggap na masaya.

Nag-umpisa kami sa mga kuha na kunwari ay nagbibigay ng sermon ang pekeng pari. There are shots that they were asking us to smile, to be serious and to look in love with each other. Buong pagkakataon ay magkaharap kami ni Brandon at magkahawak ang kamay.

"Alanis, can you fake some tears?" mabilis kong nilingon ang tinatawag nilang "Direk" na kung saan siya ang halos nagmamaniubra ng lahat.

"P-po?"

"Mas maganda kung iiyak ka kahit kaunti! Hindi ba ganoon naman kapag nagpapalitan ng wedding vows?" giit pa niya.

I bit my lower lip and breathe deeply.

"You can say no if you can't." sarkastiko akong natawa sa pagbulong na iyon ni Brandon.

"Really?" taas kilay kong tanong sakaniya.

Kung pwede pala akong humindi edi sana matagal na akong wala rito. Ani ko sa aking isipan.

"Sige po." Sagot ko kay Direk at saka humarap kay Brandon.

Afterall, it's not that hard to produce a tear. Iniisip ko pa lamang ang lahat ng nangyari sa akin ngayon ay kumakawala na ang mga luha sa aking mga mata.

Halos makuryente naman ako nang nag-angat ng kamay si Brandon at hinawakan ang aking pisngi. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata at kung paano niya ako tinignan ng may naghahalong pag-ibig at sakit. Unti-unti ay nakukumbinsi na ako na magaling talaga siyang artista sa pinapakita niya ngayon.

Turning TablesWhere stories live. Discover now