Chapter 9 - Someday We'll Know

294 15 6
                                    

Someday we'll know
If love can move a mountain
Someday we'll know
Why the sky is blue
Someday we'll know
Why I wasn't meant for you

HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

Kinahapunan ay hindi na muna sumabay sa driver si Aina pauwi. Mas pinili niyang manatili muna sa kanilang library para tapusin ang takdang aralin. Mas makakapagfocus kasi siya kapag nasa library at napapaligiran ng mga aklat. At isa pa, she wanted an alone time for herself because of what happened earlier.

Napahinto siya sa kalagitnaan ng pagsusulat. Naalala niya muli ang nanglilisik na mata ni Theo kanina. Ganoon ba talaga kapag nagseselos ang isang tao? Hindi niya pa iyon nararamdaman. Pero siguro nga ay may kakahayang magalit ang isang tao ng ganoon, kapag may nagtangkang umagaw ng pag-aari nito. Kung kay Theo ba ay may magtangka ring magpakilala ay ganoon ang magiging reaksyon niya? Hindi niya mapigilang isipin.

Napatingin siya sa may bintana ng umingay ang kulog mula sa kalangitan. Alas-singko pa lang pero nag-aagaw na ang dilim dahil mukhang uulan. Tumingin siya sakaniyang wrist watch bago nagbalik ng tingin muli sa may labas. Bumuntong hininga siya dahil wala na siyang balak tapusin ang mga ginagawa kesa abutan pa siya ng malakas na ulan.

Niligpit niya na ang mga librong hiniram at ibinalik ito isa-isa sa mga estanteng pinagkuhanan. Sunod ay ang mga notebook naman ang isinilid niya na sakaniyang bag. Kinuha niya mula sa bulsa ang cellphone upang tawagan ang kanilang driver na sunduin na siya. Bahagya siyang nataranta ng hindi niya ito mabuksan. Diniinan niya ang gilid nito para umilaw na pero wala!

"Tsk! Wala pa naman akong dalang power bank!" inis niya sabi bago tuluyang lumabas sa library.

Nakayuko siya habang naglalakad at pilit pa ring binubuksan ang nakapatay na cellphone pero hindi pa rin talaga gumagana. Ibinulsa niya na lamang ito at nag-isip. Malayo pa ang payphone mula sa Alberta, tatawag sana siya sa mansion kaso wala rin siyang numero ng mga ito.

Naglakad na siya palabas ng gate. Iilan na lang ang estudyante sa unibersidad. Ang iba pa rito ay nakatira sa dorm na kalapit lang kaya ayos lang magpagabi. Nakaupo lang siya sa labas ng gate ng Alberta kung saan naroon ang waiting shed.

Ilang jeep, tricycle at kotse na ang dumaan pero nanatili pa rin siyang nakaupo. Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mabuti na lang at hindi siya nababasa dahil covered naman ang waiting shed. Frustrated and hungry, Aina stared on the non-stop drips of water coming from the rain. Basa na ang ibabaw ng kaniyang medyas maging ang dulo ng kaniyang palda dahil sa anggi ng ulan.

"Bakit nandito ka pa?" nagulat siya ng makita si Thiago sakaniyang gilid.

Nakasando lang ito dahil ang puting polo ay nakataklob sakaniyang ulo bilang panangga sa ulan para hindi siya mabasa. Nakatitig lang sakaniya si Aina. Kung paano niya pinagpag ang nabasang polo at walang pakundangang sinilid ito sa bag hanggang sa pag-upo nito sakaniyang tabi, Umusog siya ng kaunti para bigyan ito ng espasyo.

"Uh, may ginawa kasi ako.. sa library kanina... kaya hindi muna ako sumabay kay Ate Annika. Kaso, nung itetext ko na ang driver namin.. Lobat pala ako." nakayuko nitong paliwanag.

"Tss, ang sipag mo naman kasi." bahagyang tumawa pa si Thiago.

Takang-taka niyang nilingon si Thiago dahil paminsan niya lang ito makita or marinig na tumawa o masaya. Siguro dahil ayos na sila ni Millicent. That girl really has a big effect on him. Kapag magkaaway sila ay bad mood si Thiago. Kapag naman ayos sila ay good mood ito.

"Edi mag-commute ka." suwestiyon nito.

"Hindi ako marunong." halos pabulong na sambit ni Aina.

Turning TablesWhere stories live. Discover now