Chapter 8 - Your Call

274 17 5
                                    

♪  I was born to tell you I love you,
And I am torn to do what I have to,
To make you mine
Stay with me tonight  ♪

HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

The party was fun and entertaining after all. They danced all night like it's the last jive of their lives. Annika and Brandon seized the moment. They didn't separate ways. They enjoyed each other company just alone. Nakikihalubilo naman sila pero mas gusto pa rin nila na nasosolo ang isat-isa. Gaya nga ng sabi ni Andra, matagal man silang magkakakilala ay hindi pa rin sila ganoon kaclose dahil mas pinipili nitong samahan ang nobyo.

Nakilala na rin ni Aina at Annika ang mga magulang ng magkakapatid na Valentino. Both are well off in life they must say. Sophisticated and reputable are the best words to describe them. Mrs. Emiliana Valentino on her red dress covered with white fury jacket. Pearls and crystals hanging on her neck and shining brightly on her ears. Mr. Samuel Valentino on the other hand is very rugged on his black suit and tie. Both no trace of being on their late 50's.

"Anthelma and Virgilio Valderama? How could I not know them? You're parents are the only persons I know that are good musicians and business minded back then." nakangiting sambit ni Emiliana bago sumisimsim sakaniyang red wine.

"I agree to that. Virgilio and I used to play golf way back in college. Didn't he mentioned? He used to lose over me!" bidang sabi naman ni Samuel na nagpahalakhak sa lamesa.

Sa isang round table ay si Theo, Annika, Aina, Thiago, Alejandra at Brandon. Ekslusibo lamang sa malalapit na kaibigan ni Alejandra at sakaniyang mga magulang. Pasulyap-sulyap naman si Theo kay Aina na walang kapaguran sa matatamis na nakahain sakaniyang pinggan,

"So I supposed both of you has the musician side of the Valderama?" nakangiting saad ni Donya Emiliana sa magkapatid.

"Uh, yes tita. I guess it really runs in the blood." naiilang na ngiting sagot ni Aina.

Bigla naman bumigat ang loob ni Annika dahil sa narinig. Alam niyang sinalo na naman siya ng kapatid para hindi mapahiya. Ngunit imbis na matuwa ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. She hates it so much every time Alaina will cover up for her. Pakiramdam niya ay wala siyang pakinabang. Always hiding at her younger sisters shadow.

Time flies so fast that they already consumed half of the school year. Mas naging malapit na silang lahat maging si Annika ay sumasama na rin kahit minsan ay wala si Brad dahil abala sa pagbabasketball nito. Paminsan ay sinasamahan rin siya ni Andra, Millie at Aina sa gym para manood. Minsan rin kasi ay naglalaro si Theo at Thiago. Malaki ang naitutulong nila sa Alberta Basketball Team dahil sa husay nila sa paglalaro. Kailangan lang talaga ay balanse ito sakanilang pag-aaral.

"Kuya! Ayusin mo naman! Matatalo ka na ni Javier! Go Javier!" sigaw ni Andra sa tabi ni Aina.

Napapailing na lamang si Aina dahil mas chinicheer pa nito ang kalaban kesa sa mga kadugo. Si Javier ay isa sa dayong team mula kalapit na unibersidad. Maari kasing magkaroon ng laban sa gymnasium basta ba ay dumaan ito sa maayos na proseso at pagpapaalam. Maldiaga University ang kalaban ng Unibersidad ng Alberta ngayong araw. Ang iba rito ay kakilala naman ng kakampi nila Theo. Paminsan naman ay random team lang basta may malaban sila.

"Grabe, iba pala talaga ang mga lalake sa Maldiaga ano? Very masculine and hmmm..." kagat labing sambit ni Andra habang nakatitig sa mga manlalaro ng kalabang unibersidad.

"Ano ka ba!" natatawang hinampas ni Aina ang kaibigan.

Sa kakasama niya kay Andra ay natututo na siyang maging open minded sa ibang bagay. Mula sa pagiging inosente ay namumulat na siya sa mga realidad na nangyayari talaga sa hinaharap. Ang sabi lang ni Andra ay basta ba kaya nilang ingatan ang kanilang mga sarili ay sa tingin niya wala namang masama roon. Mas mabuti na ang may kaalaman kesa sa wala.

Turning TablesWhere stories live. Discover now