Chapter 45 - Your Love

450 24 12
                                    

Nawala ang gutom na kanina ko pa iniinda matapos nang ginawa ni Brandon. Ang steak sa harapan ko ay halos diko magalaw. I am still in shock.

"Bakit mo ginawa yun?" napahinto siya sakaniyang pagkain nang magtanong ako.

Marahan niyang ibinaba ang kubyertos at saka inilibot ang paningin.

"Some people might see us and thought that were fighting. Can you smile a little bit?" ngiti nito sakin pero hindi ko siya pinagbigyan.

"Answer me." Bumuntong hininga siya bago nagpunas ng bibig gamit ang table cloth.

"What do you expect me to do? Tingin mo ba mabilis natin mapapaniwala ang lahat kung ganun ganun lang ang gagawin natin? Trust me, Alanis. We're gonna pull this off." Halos umikot ang aking mata sa sinabi niya.

Ibinaba ko na din ang kubyertos na hawak at nilagok na lamang ang wine sa aking kopita. I drank all of it until it's last drop. Batid ko ang paninitig ni Brandon pero wala akong pakialam. This day is very exhausting. Big thanks to this wine it pretty calmed myself.

Nakangiti ang mga staff and crew sa resort nang sabay kaming pumasok para bumalik na sa suite. Mabuti at kaunti lamang ang guest nito dahil pribado ang lugar kaya kakaunti lang din ang mga nagpapakuha ng litrato kay Brandon.

Mabilis akong gumilid at panakanakang nagtatakip ng mukha dahil ayaw kong madamay sakanila. Agad naman akong nilapitan ni Suzy at binalutan ng scarf. Nginitian ko siya bilang pasasalamat.

Sabay-sabay kaming apat na sumakay ng elevator kabilang si Sergio—ang manager ni Brandon.

"You did well. Parang totoo lahat!" masayang bati nito samin pero hindi ko na lamang pinansin.

"Tomorrow we will head back to Alberta." Napalingon ako agad kay Brandon dahil sa sinabi niya.

Nanlamig ang aking kalamnan nang marinig ang Alberta.

"Agad? Akala ko ba ay dito na kayo magpapakasal?" tanong ni Sergio.

"I changed my mind. Pakiramdam ko mas maganda kung doon." Nakangisi pa nitong sabi.

Pagbalik sa suite ay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Ni hindi na ako nagpaalam sakanila dahil parang nanlalata ako sa mga nangyari. Para akong magkakasakit sa tuwing iniisip ko na babalik akong Alberta.

Natulala na lamang ako habang nakaupo sa kama habang inaalala ang nangyari kanina. I gently touched my lips and remembered how Brandon kissed me. A tear escaped my eyes. Pakiramdam ko napakaliit kong tao. Pakiramdam ko para akong laruan na ginagamit ni Brandon para pampalipas oras niya. Pero sa ayaw ko naman at sa hindi ay wala akong magagawa.

I heard a knock and I immediately wiped my tears.

"Come in." ani ko.

Marahang nagbukas ang pinto at sumungaw ang ulo ni Suzy roon. She smiled at me before entering my room.

"Miss Alanis. May kailangan pa daw po ba kayo? Kung wala na po mauuna na kami ni Manager Lim." Inilingan ko na lamang si Suzy.

"Ako na ang bahala sa sarili ko." Tumango lamang ito sakin at nahihiyang ngumiti.

"Sige po. Magpahinga na kayo." Ani niya bago tumalikod.

"T-teka, Suzy!" mabilis naman siyang lumingon sa akin.

"Kailan niyo balak ilabas yung pictures and video?" kuryoso kong tanong.

"Ang sabi po ni Sir Brandon ay sa lalong madaling panahon. Kung kaya po bukas. Ay bukas na agad." Tumango-tango na lamang ako.

When Suzy left, I decided to take a shower. Sobrang sama ng pakiramdam ko kahit wala naman akong sakit. Iyong bang sa sobrang frustration ay parang bumibigay ang katawan ko. I dip my body into the warm water and closed my eyes.

Turning TablesWhere stories live. Discover now