"Sam," tawag ni Polo.

Nilingon niya ang binata. Seryoso ito at mahigpit ang hawak sa manibela.

"Alam na nina Mommy na nandito tayo sa Pilipinas. Nakita ako ng kaibigan niya sa hospital." pag-amin nito.

Kinabahan si Samuela doon. Hindi magtatagal ay pasusundan na siya ulit ni Uno. Hindi nito puwedeng malaman ang tungkol kay Natalia.

"They will summon us, anytime." aniya kay Polo.

Huminga siya ng malalim. Ito ang iniiwasan niya noon pa. She needs to hide their annulment from her father and Polo's parents. Even if Polo's parents see Natalia, no one can deny that her father's Athos. She's the splitting image of Althea.

"Uunahan natin sila Polo. Magpapakita na tayo this weekend sa kanila. Let's convince them that we are not going to do something stupid. We'll make them believe us."

Tumango si Polo at tipid na ngumiti. She tried to nod para makapasok na sa trabaho.


She dialled Uno's number. Limang rings pa lang ay sinagot na ito. Hindi man niya masikmura ang boses nito, wala na siyang magagawa. She's part of the group now. Kapalit ng kalayaan ni Natalia.

She dived herself into working the whole day. Masakit ang batok niya noong lumabas siya ng building. She saw Polo leaning on his car, talking on his phone.

Nilapitan niya ito. Polo said something and ended the call.

"Pinapapunta tayo sa mansyon niyo." bungad ni Polo.

"Si Natalia." sagot niya.

"Binilin ko na kay Ningning. Pinadagdagan ko ng bantay para mapanatag ka. We should go."

Tumango si Samuela. Hindi nila pwedeng ipagpaliban iyon. If they resists, paniguradong mas hihigpit ang hawak ni Uno sa mga leeg nila.

They're both nervous. Tahimik sila papunta sa mansyon. Bumukas ang itim na gate kung saan naroon ang ilang armadong lalaki.

Polo pulled up at the fountain. Bumaba si Samuela at tinanaw ang kanyang ama, kasama ang magulang ni Polo na nakatayo sa porch ng mansyon at tinatanaw sila.

Nagkatinginan sila ni Polo. He walked to her side and held her right hand. Tiningnan iyon ni Samuela. Pinisil niya ito ng marahan.

"We'll pretend we're still married, okay?" Polo reminded.

Tahimik silang umakyat sa porch. Nakangisi si Uno habang tinitingnan ang kamay nilang magkahawak. Polo kissed his Mom. Nanatili naman si Samuela na nanonood doon.

"It's a surprise, Hijo. Hindi niyo sinabing umuwi kayo?" tanong ng kanyang mommy.

"We want to stay here, Mommy." hilaw na sabi ni Polo.

Mariin namang pinagmasdan ni Samuela ang mansyon sa likuran. Iniiwasan niyang tingnan si Uno na nakatitig din sa kanya.

"Shall we go inside, Uno? Lalamig ang dinner." tanong ng daddy ni Polo.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now