Chapter 85

908 12 2
                                    

Elijah's Pov*

Maaga kami nag asikaso mag iina dahil pupunta kaming mall kasama si kuya Bryan, iilan lang kasi nadala kong gamit namin.

"Excited, mommy" napangiti ako kay Ellevira na halata ngang excited dahil hindi na mawala ang ngiti sa maamo nyang mukha. Nakasuot ito ng pink na dress na hanggang tuhod lang nya, naka boots na pink at may headband pa sa ulo na may maliit na bulaklak.

"Me too, mommy" at humalik pa ito sakin at sa kapatid. Naka suot ito ng branded t-shirt at maong na pants, mukha syang binata kung titignan.

"Ready na ba kayo? Tara na" Si kuya Bryan na halata namang handa na.

Tumango lang ako at ang dalawa ay sa tito nila humawak.

Gamit namin ang kotse ni Kuya papuntang mall, hindi naman traffic kaya nakarating din kami ka agad.

"Tito, toys" dahil ang bungad ng mall na to ay toy store agad na nag hatak papasok si Riel at Ellevira.

Natatawa nalang ako dahil walang magawa si kuya sa kulit ng dalawang to.

"One lang Ellevira and Riel ha?" pag papaalala ko dahil ayoko masanay sa luho ang mga anak ko.

Nakasunod lang ako sa kanila, napa iling nalang ako nung mapansin kong ang dami ng naka lagay sa cart na tulak tulak ni kuya papuntang counter.

Wala naman akong nagawa dahil siguro bumabawi din ito sa mga pamangkin nya. Lumabas na kami sa toy store at nag umpisa na humanap ng mga dapat bilhin.

After namin mamili we decided to eat dahil gutom at pagod na din ang dalawang to. Sa Pizza Tycoon kami pumasok dahil dito ang hindi masyadong ma-tao, meron naman daw ditong with rice at pasta. Kakaiba nga lang kasi kailangan mo pang pumunta ng counter para ikaw mismo ang um-order.

Si kuya Bryan at Riel ang um-order at kami ni Ellevira ang naiwan sa table.

"Mommy, ihi?" nginitian ko lang ito at dinala sa C.r hindi na ako nag paalam kay kuya Bryan dahil malayo pa naman sila sa pila.

Palabas na sana kami ni Ellevira sa cubicle nung nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Sandali naman! Palabas na ako, wag mo ako masyadong ma miss Caleb" nung maramdaman kong lumabas na ito saka lang kami dahan dahang lumabas.

Hindi ako nag kakamali alam kong si Chae yung kaninang nag sasalita, ang ibig sabihin andito din si Caleb.

Nakaramdam ako ng kaba, wag muna  sana ngayon hindi pa ako handa.

"Let's go mommy, gutom na po ako" tinanguhan ko lang ito.

Dahan dahan pa kaming nag lakad, nag tataka na siguro si Ellevira. Hindi agad kami lumabas, sinilip ko muna ang loob ng Pizza Tycoon kung nandoon pa si Chae. Pero imbes na si Chae si Caleb ang una kong nakita at kausap pa sya ni Kuya Bryan at Riel.

Napa sapo nalang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabang nararamdaman ko.

Anong gagawin ko??

Sumilip ulit ako para tignan sila, naka hinga lang ako ng mabuti nung makita kong palabas na si Caleb at kasama na nya si Chae.

---
Caleb Pov*

'Sandali naman! Palabas na ako, wag mo ako masyadong ma miss Caleb' nailayo ko nalang ang cellphone ko dahil sa hindi na nga maganda ang boses nya masyado pang malakas, baka masira ang eardrum ko.

"Bilisan mo na babe, baka ikaw ang nakaka miss sakin. I love you" binaba ko na ang tawag dahil sisigawan nanaman ako nyan.

Menopause

Napa tigil ako dahil may nadapang bata sa harapan ko, mukhang iiyak pa.

Tinulungan ko syang tumayo, sino ba kasi ang magulang nito at hinahayaan mag isa ang anak nila tsk.

"Riel, are you okay?" nilapitan sya nito at binuhat.

"Thank you" nagulat pa to ng makita nya ako, maski ako nagulat dahil si Bryan pala ito, kapatid ni Elijah.

Pero wow, may anak na pala sya?

"Caleb tara na ka---Bryan? Anak mo?" nagulat din si Chae nung makita sya.

Ngumiti lang ito at hindi sumagot.

"Lets go, Hungry" pag aaya nung batang tinawag nyang Riel,

"We have to go, Thank you ulit" kumaway pa yung anak nya, ngumiti lang kami ni Chae at nag lakad na din papuntang parking lot dahil ihahatid ko na sya pauwi sa kanila.

Pinag buksan ko muna sya ng pinto bago ako sumakay sa driver seat, syempre gentleman ang pogi na katulad ko. *wink*

"May anak na pala si Bryan" mukhang hindi pa sya naka move on sa nalaman nya.

"Wag kang mainggit babe, sabihan mo lang ako kapag gusto mo na din ng anak bibigyan kita kahit lima pa" tinignan nya ako ng masama kaya natawa ako sa kanya, pikon hahaha.

"Kapal ng mukha mo Caleb" hinampas pa ako nito "Pero sino kaya yung nanay nung batang yon, hindi nya kamukha eh" kita nyo? Na paka judgemental nya?

"Hayaan mo babe, pag tayo nag ka anak ikaw ang hindi kamukha"

"Wag nalang tayo mag anak kung ikaw lang din ang kamukha" singhal nito sakin at tumingin na sa bintana.

Hinayaan ko nalang sya hanggang makarating kami sa bahay nila.

Nagulat pa sya nung buksan ko na sya ng pinto, sino nanaman kayang lalaki ang iniisip nito?

"Hindi kaya ang nanay non e si..." napahawak pa ito sa baba nya na parang nag iisip talaga. Hindi ko alam bakit ganon ka big deal sa kanya yung nanay non, hindi kaya may gusto sya don?

"Si?"

"Ah, nevermind Caleb" umirap pa ito "Umuwi kana, Ingat I love you" humalik pa ito sa pisngi ko.

"Bat hindi sa lips?" pag dedemand ko

"Pangit mo, umalis kana baka ipalapa na kita sa aso namin!" agad na sumakay na ako sa kotse.

Lintek kasi yan si Chae, nadala na ako nung hulo nya akong sinabihan nyan dahil pinakawalan nya talaga yung aso nila.

"Bye babe, I love you" hindi ko na hinantay na sumagot sya dahil hindi naman yon sasagot.

Nag drive nalang ako papuntang condo ni Ryle.

---
For important updates please visit and like my new facebook page.
Ms_PurpleWriter

Thankyou and keep safe 💜

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon