Chapter 82

850 12 0
                                    

Elijah's Pov*

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung maka uwi kami sa bahay namin ni hubby.

"Luto na ang breakfast Mam Elijah, halika na at inaantay kana ng asawa mo sa baba" tawag ni manang Elsi, sya ang bago naming kasambahay dahil may trabaho si hubby kaya kumuha sya ng makakasama ko kapag wala sya.


Inalalayan nya ako hanggang maka baba sa kusina. Pakiramdam ko tuloy may sakit ako palagi dahil lagi akong inaalalayan kahit kaya ko naman talaga.

"Goodmorning my wife, let's eat ni luto ko yan" umupo na ako dahil sa gutom na rin ako at mukhang masarap ang naka hain ngayon dahil nga si hubby ang nag luto.

"May pasok ka hubby?" tanong ko dahil hindi pa sya naka bihis pamasok .


"I want to spend my day with you wifey" ngumiti pa sya sakin "Punta tayo mall, let's buy stuff for our babies" dugtong pa nya.

Nag liwanag yung mga mata ko nung marinig yon, dahil na buburyo na din ako dito. Kaya agad ako natapos sa pagkain at nag shower.

Nag suot lang ako ng bistida, pero hindi yung pang matanda ha!

Maternity dress ito kung tawagin. Dahil bawal na ako sa masisikip na damit. Pina sadya pa ni hubby ito sa kilalang designer ng damit.

Bumaba na ako para puntahan si hubby dahil malamang nag aantay na yon.

Palabas na sana kami nung biglang mag ring yung cellphone ni hubby

'Unknown number' pero sinagot nya pa din yon.

"Who's this?" bungad nya sa tumawag.

Hindi ko naririnig yung kabilang linya dahil hindi naman ako chismosa.

"Eyah? Okay okay, I'll be there in 30 minutes, okay bye" pinatay nya na ang tawag saka alangang lumingon sakin.

"I'm sorry wifey, may urgent meeting ako" halatang natataranta pa sya at di alam ang gagawin.

Nalungkot ako ng bahagya dahil excited pa naman ako lumabas ngayon.

"Wala naman akong choice hubby, sige na. Ingat" labag man sa loob ko hinayaan ko nalang sya umalis dahil nag mamadali din ito.

Baka importante lang talaga yung meeting nya.

Bumalik na ako sa kwarto at balak nalang mag pahinga nung naisip kong bisitahin nalang sya sa opisina nya, para kung tapos na sya sa meeting pwede na kami mag mall. Tama.

Hindi na ako nag paalam kay Manang Elsa na aalis ako, para hindi nya sabihin kay hubby. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar. Ilang minuto lang nakarating din agad ako. Medyo kinakabahan pa ako sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil ngayon nalang ulit ako naka punta dito.

Tutuloy pa ba ako? Baka pagalitan lang ako ni Ryle.

Sandali pa ako nag stay nung mapag pasiyahan kong dumeretso na dahil andito naman na ako.

Sumakay na ako sa Elevator, kahit ayoko sana sumakay kaso mas hindi ko kaya mag hagdan dahil sa malaki na ang tyan ko.

Ngayon nalang ulit ako naka punta dito, wala naman masyadong nag bago at tanda ko pa kung saan ang office ni hubby. Siguro don ko nalang sya hahantayin.

Habang palapit ako sa pintuang yon, mas lalo ako nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko matatae ako sa kaba.

Pipihitin ko na sana ang pinto nung may tumawag sakin.

"Ms? Ano pong kailangan nyo?" napahawak pa ako sa dibdib ko nung lingunin sya dahil sa gulat sa kanya.


"Asawa ako ni Ryle, may meeting sya e kaya sa loob ko nalang sya hahantayin. I su-surprise ko kaya wag ka maingay na nandito ako ha?" ngumiti pa ako sa kanya at alangan naman syang ngumit pabalik pero umalis din naman ito kaya tuluyan ko nang binuksan ang pinto.

Bahagya napa awang ang mga labi ko sa gulat at pag tataka.

Tama ba ang nakikita ko?

Akala ko ba may meeting sya? Ito ba yung meeting na sinasabi nya ang makipag halikan sa ibang babae?

Dahan dahan ko ulit sinarado ang pinto, para hindi maka storbo sa kanila. Dahil halata namang hindi nila napansin ang presensya ko.


Gustuhin ko man na hindi umiyak pero kusa silang nag paunahan sa pag labas, halos pag tinginan na din ako pero wala akong pake.

Dumeretso na ako sa kotse at doon binuhos lahat ng luha ko.

Bakit? Bakit kailangan ko pang makita yung ganong bagay? Ang sakit.

Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol ko sa pag iyak, ang alam ko lang na hanggang ngayon andito pa din yung sakit. hanggang mapag pasyahan ko umalis na.

Bumalik ako sa bahay at agad nag impake ng gamit ko. Bilang na damit lang ang dinala ko para hindi ako mahirapan, pati ang mga importanteng gamit ko dinala ko.

"Miss Elijah, san ka pupunta?" bungad ni manang Elsa pag ka baba ko.

"Kila mommy lang po, alam na po ni Ryle" pag sisinungaling ko. Dahil baka pigilan pa ako.

Hindi ko na hiyaan pang sumagot sya, isinakay ko na yung mga gamit ko sa kotse at pinaandar yon.

Tinatagan ko ang sarili ko habang nag mamaneho, dahil mas hindi ko kakayanin kung may mangyari samin ng mga anak ko.

Hindi ko alam kung san ako pupunta, pero ang gusto ko lang maka layo nalang sa sakit na nararamdaman ko at mailayo ang mga anak ko.

Alam ko naman na kaya nya lang ako pinakasalan noon para sa titulong iyon...

Masakit pero kailangan tanggapin na siguro hindi nya talaga ako minahal.

Mahal kita Ryle, pero mas mahal ko ang sarili ko.

Ito lang siguro ang paraan para malayo ang sarili ko sa sakit.

Sorry

---

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon