Chapter 50(Revelation P.II)

4.3K 104 1
                                    

Elijah's Pov*

Umupo muna ako saglit sa isang hagdanan ng mercury drug.

Inabot na ako ng umaga sa kakalakad pero bakit wala pa din ako sa bahay !

Gutom na ako. Nang hihina na ako.Hilong hilo na ako.

Pero waaa. Bawal akong sumuko.

Ayoko pa namang mamatay nang dahil lang sa gutom. Mas tanggap kong mamatay ng may Cancer , diabetes , Dengue o ano pa man kesa naman sa gutom diba? Karumaldumal yon.

At isa pa ayokong mamatay ng maraming tanong sa isipan ko. Gusto kong patunayan sa sarili kong tama ang mga nalalaman ko tungkol sa pag ka tao ko.

Tumayo na ako sa pag kaka upo saka nag patuloy sa pag lalakad.

Bakit kaya ganto yung nararamdaman ko. Alam ko naman yung totoo pero ang daming nabagabag saakin. Ang daming tanong sa isip ko.

Kaya ba nila ako pinapa iwas kay kuya Miggy? Para hindi ko malaman na hindi ko sila totoong pamilya.

Yung napapanaginipan ko bang bata sa panaginip ko ako ba yon? Pero bakit wala akong maalala.

Naguguluhan na talaga ako

Naramdaman ko nalang na natulo na yung mga luha ko.

Kaya yung mga nakakasalubong ko. Ayon pinag bubulungan ako. Akala siguro nila nawawala ako sa pag iisip :3

Tumigil na ako sa pag lalakad ko.

Hindi dahil napapagod na ako kundi dahil nasa tapat na ako ng bahay namin nila Mommy.

Ngayon mas lalo ako nakaramdam ng pagod pero worth it naman !

Huminga muna ako ng malalim bago nag lakad papasok.

Nasa pinto na ako pero ni isa walang naka pansin sakin. Waaaaa. Di kaya kaluluwa nalang ako? O mumu huaaa. May nalaktawan ba akong pang yayari ? Bakit wala akong matandaang namatay ako.T.T

"Wifey"Tuluyan ng tumulo yung mga luha ko.

Ewan ko bakit , kung dahil ba sa pagod na nararamdan ko o dahil nakita ako ni hubby at hindi ako patay.

"Hubby"

Gusto ko pa sana tumakbo papunta kay hubby pero wala na nang hina na ng tuluyan yung katawan ko !!

****
Onti unti kong dinilat yung mata ko kahit ayoko pa gumising hindi ko kasi kayang matulog na madami pang tanong na di nasasagot !!

"Baby Jah ko ! Okay kana ba ? Huhuhu nag aalala ang mommy sayo huhu san ka ba kasi galing?"Mommy na nakayakap pa sakin ng mahigpit

Humiwalay ako sa kanya saka ko sila tinignan.

"Bakit anak may masakit pa ba sayo?"Daddy

"Mommy , daddy may itatanong po ako. At gusto ko ng honest na sagot ah ! Please ?"Pilit akong ngumiti sa kanila ! kasi naiiyak ako sa pwede nilang isagot at sa mga malalaman ko.

"Sure baby ! Ano ba yan ? Kinakabahan naman ako sayo !! Masyado kang seryoso"Mommy.

Pumikit ako nung maramdaman kong tumulo na naman yung mga luha ko.

"An...anak niyo po ba talaga ako?"

Nakaramdam ako ng katahimikan na hindi ko inaasahan.

Akala ko pag sinabi ko yan hahagalpak sila sa tawa !! Pero wala ni isang gusto umimik.

"Mo...mo..mmy diba anak niyo ako? Daddy? Sabihin niyo naman po diba anak niyo ako? Mag kamukha nga tayo diba? Kuya !"

Niyakap lang ako ni kuya ng mahigpit.

Si mommy at daddy naman naki sabay din ng iyak sakin si hubby pati sila caleb at bestfriends ayon nakatingin lang samin na kala mo nanonood ng madramang teleserye.

huhuhu !

"Sorry Elijah ! Sorry"Bulong saakin ni kuya.

Kaya lalong tumulo yung luha ko.

"Anak sorry ! Kung hindi namin nasabi sayo ng maaga dahil natatakot kami na baka iiwan mo kami ! Baka hanapin mo ang totoo mong pamilya. Sorry kung pinag kait namin sayo ang totoo"Mommy

"Alam niyo ba mommy pinag tanggol ko kayo sa sarili kong pamilya. Pina mukha ko sa kanilang sinungaling sila ! Pinag malaki ko sa kanilang hindi niyo magagawa ang mag sinungaling dahil mahal niyo ako . Tapos malalaman kong mali ang pinag tanggol ko !"

Hindi ko alam saan ko nahugot lahat yang mga nasasabi ko.

Siguro dahil may lahi akong artista ! Mana kaya ako kay mommy.

Kaya kahit nasasaktan ako diko pa din kayang mag tanim ng galit sa kanila.

At isa p--

"Anak saan ka pupunta? Iiwan mo na ba kami?"

Hindi ko pinansin si mommy tuloy tuloy pa din akong lumabas sa kwarto at tumuloy sa kusina.

Grabe naman kasi sila inuna pa nila ang mag drama hindi muna ako pinakain.

Pag katapos kong kuhanin ang lahat ng pwedeng makain sa Ref at nag lakad na pabalik sa kwarto.

"Wala ba tayong gagawin? Baka iwanan na tayo ni Baby jah ! Huhuhuhu !"Rinig kong sigaw ni mommy.

Hahawakan ko na sana yung door knob ng pinto kaya lang biglang bumukas.

"Wifey"

"Hehe hello hubby !! Saan ka pupunta? Uuwi kana ba ? Ingat"Saka ako tuluyang pumasok sa kwarto

Wala na kasi akong panahon makipag chikahan dahil gutom na talaga ako.

"Elijah"Parang nagulat pa sila nung makita ako.

Hinayaan ko nalang sila.

Umupo na ako sa higaan saka nilapag yung mga bitbit kong pagkain.

Nyeyeye. Makakakain na ako. Mag dadalawang araw din akong di nakakain noh. T.T

Bat ba kasi ang layo ng bahay ng totoo kong pamilya sa isa ko pang pamilya?

------

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon