Chapter 84

872 15 6
                                    

Elijah's Pov*

"Passengers, Cabin crew, prepare for landing please" the pilot announced.



Nakaramdam ako lalo ng kaba, hindi dahil sa pag lapag ng eroplano kundi dahil nasa iisang bansa nalang kami. Mas mataas ang chance na mag tagpo kami.


Ilang minuto lang naka baba na kami at dumeretso sa exit ng airport agad ko din naman nakita yung Service na mag hahatid samin.


Sumakay na kami, kandong ko si Riel dahil tulog sya. Antukin talaga ang isang to lalo kapag nasa byahe dahil mahihiluhin.


At nasa kanan ko naman si Ellevira na naka tingin sa bintana at manghang mangha dahil bago sa paningin nya.

Ilang oras lang nung tumigil na kami sa isang pamilyar na bahay, maraming nag bago sa bahay na to pero alam kong ito pa din yon.


Huminga pa ako ng malalim bago napag pasyahan bumaba. Naka karga na si Ellevira sakin samantalang si Riel naka kapit sa maletang hatak hatak ko din.


"Where are we, mommy?" tanong ni Riel kaya naman maski ang lalaking kaninang nag gagardening ay napalingon sa gawi namin. Nagulat pa.


"Elijah?" agad nitong binitawan ang ginagawa at napatakbo sa gate para pag buksan kami.


Nung mabuksan ang gate agad akong niyakap ni kuya Bryan, niyakap ko din ito pabalik.


"Ouch, mommy" napa hiwalay ng yakap si kuya at nagulat pa nung mapansin nyang karga-karga ko si Ellevira.


"Who is he, mommy?" mag ka salubong pa ang kilay ni Riel na nakatingin dito.


Agad na binuhat ni kuya si Riel at masamang tumingin sakin.


"Ikaw hindi mo man lang ako pina kilala sa mga pamangkin ko"naka simangot nya akong sininghalan "I'm your tito Bryan, hi" pag papa kilala nya pa sa kambal ko.


"Another tito, mommy?" naguguluhang tanong ni Riel , dahil ang kilala nya lang na tito ay si kuya Miggy.


"Yes baby" si kuya na ang sumagot.

Dumeretso na kami papasok sa loob ng bahay kasama si kuya Bryan na buhat pa din si Riel.

"Mommy! Daddy! May surprise ako sainyo, APO" sigaw ni kuya Bryan na tatawa tawa pa. Loko loko.

Ibinaba ko na si Ellevira dahil alam kong gusto nya na din makipag laro sa kuya nya at bago nyang kilala na tito.

"Ano nanamang kalokohang pinag sasabi----Elijah? Anak" halos mapa tigil pa si mommy sa pag lalakad pero agad ding tumakbo pababa ng hagdan nung maka recover sa pag ka gulat kasunod nito si Daddy.

Niyakap nila ako, at niyakap ko din sila pabalik. Sobrang na miss ko ang mga ito.

"Why crying, mommy" nilingon ko ang anak ko at pinigilan kong hindi matawa sa reaction ni Riel, dahil halatang iiyak na din sya dahil nakikita nya akong umiyak.

"Who are they mommy?" naguguluhan ding tanong ni Ellevira.

Pero kumpara kay Riel si Ellevira kalmado lang at naka ngiti.


"This is lola" turo ko pa kay Mommy "and this is lolo" turo ko pa kay Daddy.


"Hello po, I'm Lucas Riel" nag pakilala pa ito, saka nag mano.

"I'm Louisse Ellevira, Hello po sainyo" kagaya ng kuya nya ay nag mano din sya.


Napangiti nalang ako sa inasta ng mga anak ko, napaka buti nilang bata.

"My god! Napaka ganda at gwapo namang bata ng mga apo ko" niyakap pa nila ito at pinang gigilan.

Pinanonood ko lang sila na mag kulitan. Agad din naman nila nakuha ang loob ni Riel at Ellevira. Halos hindi na nga ako pansinin nung dalawa eh.


Tinulungan ako ni Kuya mag akyat ng maleta namin para makapag ayos na ako ng gamit at mabihisan si Riel at Ellevira para mas comfortable sila.

"Thank you kuya"

Walang pag babago ang kwarto ko, simula nung iniwanan ko ganto pa din sya.


"Wala kaming inalis at binago dito, dahil alam naming babalik ka" umupo pa sya sa dulo ng kama ko.

"Halata nga kuya e, baka hindi nyo man lang inagiwan o nilinisan dito ha? Mag kakasakit nyan ang mga pamangkin mo hahaha " pag bibiro ko,

"Hay nako Elijah! Isusumbong kita kay Mommy. Pero teka bakit pala umuwi ka?" gulat akong nilingon sya dahil sa tanong nya.

"Napaka sama mo naman kuya, parang ayaw mo na akong makita ha" sumimangot pa ako ako.

Agad nyang tinapik ang noo ko.

"Hindi sa ganon, nakakagulat lang na bigla ka nalang sumulpot. Kagaya din noong bigla kang nawala. Pinag alala mo kaming lahat, lalo na ang asaw---"

"Kuya!" pigil ko sa sasabihin nya dahil mali yon. At ayoko yon marinig.

Wala na akong asawa, matagal na panahon na.

"Nasa iisang bansa nalang kayo, hindi malabong mag tagpo kayo. Hindi pang habang buhay maiiwasan mo ang ama ng mga anak mo"

Totoo naman ang sinasabi nya, pero kung ayon talaga ang mangyayari wala naman akong magagawa. Hindi ko pag kakaitan ang mga anak ko makilala si Ryle, pero sana hindi sila masasaktan.

"Salamat sa paalala kuya" nginitian ko pa sya "sunduin mo na yung dalawa doon kuya, dahil papalitan ko ng damit malamang pawis na ang mga iyon" dagdag ko pa para maiba ang topic.

Binigyan nya lang ako ng masamang tingin pero agad din naman lumabas.




Hiniga ko nalang ang sarili ko sa kama, tama ba ang desisyon kong umuwi dito sa Pilipinas? O dapat nag stay nalang kami sa Korea.

---

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon