Chapter 53(Pregnant P.II)

4.4K 97 5
                                    

Kiara's Pov*

Naka ilang bili na kami ng pregnancy test i think nasa 20+ na nga pero pare pareho lang ang nalabas two lines na ang ibig sabihin ay Positive.

"Paano na ako. Paano pag nalaman nila Dad ! My God"Saka nanaman humagulgol sa iyak si Shan.

I know mabait yung parents ni Shan. But alam kong may pinag kaka ingatang pangalan ang pamilya niya at alam ko na pag nalaman nila to iisipin nila isa tong sira sa pangalan ng pamilya nila.

Masyadong mahalaga sa parents niya ang pangalan nila kaya malaking gulo to pag nag ka taon.

"Wag ka ng umiyak ! Makaka sama yan sa anak mo ! Tahan na"Pag papatahan ni Elijah kay Shan.

Diko inaasahang mas mauunang mabuntis si Shan kay Elijah dahil alam naman nating may asawa na si Elijah kaya legal na mag ka anak na sila ni Ryle pero si Shan , nakakapag taka lang ni walang boyfriend yan. Kaya naguguluhan talaga ako.

"Shhhh. Shan tama si Elijah masama yan sa baby mo !"Chae

"No !! Hindi niyo kasi alam kung anong yung nararamdaman ko !! Huhuhuhu"

"SINO BANG WALANG HIYANG AMA NIYAN HUH ! TELL ME! PARA PANAGUTAN NIYA YAN ! HINDI YUNG IKAW LANG YUNG NAG DURUSA SA KAGAGAWAN NIYO !"Sigaw ni Chae kay Shan.

"Si...si Terrence Lee"

Terrence Lee? Sino naman yon at saan niya nakilala?

"Te..Terrence Lee?"Utal utal na ulit ni Chae.

Kilala niya kaya?

"Si Terrence yung kaibigan ni Hubby?"Elijah.

Tumango lang si Shan.

Ako lang ba ang di nakaka kilala kay Terrence Lee.?

Pero siguro nag kita na kami pero diko lang siya kilala pero paanong siya ang ama? Sila ba ? O aksidente lang?

"Chae san ka pupunta"Tanong ko nung makita kong nag aayos na si Chae.

"Susugurin ko lang yung hayop na Terrence Lee na yon !"

Bago pa namin tuluyang pigilan siya tumakbo na siya paalis.

Pero tama ba yung nakita ko umiiyak siya?

****

Chae's Pov*

Sa ikalawang pag kaka taon sinaktan na naman ako ng Terrence Lee na yon. Pero ang mas masakit tong ngayon g*go siya.

Bumaba ako sa taxing sinakyan ko at kina labog ko yung gate na tinitirhan ni Terrence !

G*go siya. Pag di siya lumabas sisirain ko tong gate na to at papasabugin tong bahay nila

"Yoww !! Lintek kakaiba ka Chae ! Gus----Chill ka lang chae bitawan mo ako"Hindi ko pa din binibitawan yung kwelyo ni Caleb.

Oo siya nga. Kung nag tataka kayo bakit siya. Aba ewan ko din.

"Seryoso ako Caleb. Kaya ilabas mo yung magaling mong kaibigan !! Ilabas mo si Terrence kundi mapapatay kita" hindi ako mamamatay tao pero parang kayang kaya kong patayin si Terrence ngayon isama mo pa tong si Caleb.

"Relax ka lang !! Hinaharass mo ako masyado !"Arghhhh. Mapapatay ko na talaga tong lalaking to.

"Sagutin mo nalang yung tanong ko kung gusto mo pang masikatan ng araw bukas"

"Hayy. Oo na dadalhin kita kung nasaan siya !! Pero bakit ba? Para namang may tinakbuhang sala si Terrence at bakit hinahunting mo siya"

"Sa tingin mo ba hindi sala ang makabuntis !! Walang hiya yang kaibigan mo !!! Napaka gag* niya !"Sigaw ko sa kanya sa sobrang galit, inis, sakit na nararamdaman ko pati siya napag bubuntungan ko !!

Kasalanan tong lahat ng Terrence na yon eh.

****
Caleb's Pov*

T*ng ina ito na nga ba yung sinasabi ko !!

Bakit kasi ang laking bobo ni Terrence di man lang gumamit ng protection.tsk tsk.

"Arghhhh. Wala na bang ibibilis to !"Reklamo ni Chae

Paanong bibilis traffic kaya.

Bakit kasi Nakisabay pa tong hayop na traffic na to ! Baka mapatay na ako nitong babaeng to.

Napalingon ako kay Chae na umiiyak na.

At sa unang pag kakataon nakaramdam ako ng sakit dahil na kikita ko siyang naiyak dahil sa maling tao. Inis dahil wala akong magawa.

Hindi ito yung first time kong maka kita ng babaeng umiiyak pero parang iba yung dating saakin ni Chae.

Dahil ba mahalaga na siya saakin o higit pa don?

P*ta !! Masama to ! Mukhang nagayuma na ako lintek !

Hindi pwede. Naaawa lang ako sa kanya at wala ng ibang dahilan..

-----

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon