Chapter 83

838 11 0
                                    

6 years ago

"Mommmmmy" agad akong napa takbo dahil sa iyak ng anak kong babae, si Ellevira


"Why baby?" agad ko itong kinandong para patahanin at punasan ang mga luha.

"Kuya pinch my cheeks again" kasabay ng hikbi ang pag susumbong ng anak ko.

Hindi na bago to, dahil may pag ka pilyo ang anak kong lalaki, si Riel.

"Mommy kasi, Ellevira is so cute. I can't stop myself eh. But i'm sorry okay " nag pout pa ito at yumakap sa kapatid na buhat ko.



Lucas Riel and Louisse Ellevira are my twins. Mas unang lumabas si Riel ng ilang minuto. Halos hindi mapag kaka - ila na hindi sila kambal dahil hindi naman sila nag kaka layo. Nakuha nila ang mata at hugis ng mukha ko, the rest kay Ryle na.


I can't help but to smile bitterly.

Ako ang nag dala sa kanila ng 9 months pero kaunti lang ang nakuha nila sakin.


"Ikaw talaga Riel, napaka pilyo mo! Dahil dyan wala kang pasalubong galing sa gwapo mong tito" sabay sabay kaming napalingon sa kararating lang.


Si kuya Miggy


"Titoooooooo" sabay pang tumakbo ang mga anak ko sa tito nila na akala mo ngayon lang nila nakita. Eh halos lagi naman sila nag kikita dahil dito kami naka tira sa bahay namin, sa Korea.


My dad passed away 4 years ago due to Heart attack. Kaya wala akong nagawa kundi umuwi dito dahil hindi man kami ganon ka tagal nag kasama hindi pa din maaalis na sya ang tunay kong tatay. Hindi ko na din nagawang bumalik sa Pilipinas, dahil mas minabuti ko nalang na dito palakihin ang mga anak ko.


"Na miss nyo ang tito o ang pasalubong ko?" binuhat nya pa ang dalawa kong anak.


"Kuya naman, masanay yan. Mamaya mag hanap ng mag hanap yan ng pasalubong sakin kapag wala kana" pag saway ko dito dahil masyado nyang ini-spoiled ang mga anak ko.


Pero malaking pasasalamat ko kay Kuya Miggy, dahil sya yung nandyan nung mga oras na wala na akong makapitan dahil hindi biro ang mag palaki ng bata ng sabay at nag iisa ka lang.


"Mommy naman, little lang naman eh" pang uuto pa ni Ellevira.



"Oo nga naman Eliah, Sige na nandoon yung pasalubong ni tito" turo pa sa bag nya na nandoon sa sala, kaya yung dalawa nag unahan pa papunta roon.


Wala akong nagawa kundi ligpitin nalang ang mga laruang naka kalat sa sahig.


"Pwede naman akong sumama sa pag uwi mo sa Pilipinas Eliah" ngumuso pa ito, halatang ayaw nya malayo sa mga bata.


"Walang maiiwan sa company Kuya, bumisita ka nalang kung ma miss mo yung mga anak ko. Sabi ko naman sayo gumawa kana e!" natatawa ko pang asar sa kanya.


Sa sobrang busy nya sa company at pag aalaga sa mga anak ko hindi na nagawang mag hanap ng kahit girlfriend man lang.


"Pero handa kana ba?" nawala ang ngiti ko. Hindi man malinaw pero alam ko ang tinutukoy nya.


Handa na nga ba ako? Kung hindi ba pwede pa ba ako umurong? Pero hindi naman pwede na habang buhay ako umiwas diba? Isa pa na laki na ang mga anak ko, madalas na nila hanapin yung tatay nila.

"Well, kakayanin kuya" binigyan ko pa sya ng ngiti para mapanatag sya.

Na kwento ko lahat sa kanya kaya ganyan nalang ang concern nya.

"Basta lagi lang nandito si Kuya, kung may problema ka lilipad agad ako sa Pilipinas para patayin yon" kumindat pa sya sakin at iniwan na ako. Pumunta na sya sa mga bata para makapag laro.

Iniwan ko na sila para makapag impake na, dahil bukas ang lipad namin papuntang Pilipinas.

Napa tigil lang ako nung makita kong pumasok si Ellevira hawak hawak pa ang doll na bigay ng tito nya.

"You like it?" tukoy ko sa manika nya at pinag patuloy na ang pag impake. Mga importante lang ang pwede kong dalhin dahil may dalawa akong dalang bata at mag isa lang ako.

"Yes, Mommy. Pretty." Umupo pa ito sa tabi ko at nag simula na mangielam sa ginagawa ko. "Mommy, where are we going?" dugtong pa nito.

Isinirado ko na ang maleta, baka kasi ikalat pa nitong batang ito.

"Philippines, baby" maingat ko pang kinurot yung ilong nya,

"Really, mommy? Where daddy live?" bahagya akong natulala sa tanong nya. Pero agad din akong ngumiti para hindi nya mahalata.

Lumaking matalino si Ellevira ganon na din Riel kaya hindi ko naitago ang tungkol kay Ryle tuwing mag tatanong sila.

"Yes baby"

"When, mommy?"

"Tomorrow"

"Yeheeeeeeeeeey" nag lulundag pa ito sa kama habang pumapalakpak sa tuwa.

Hindi ko alam kung saan sya natutuwa, kung sa pag punta namin sa Pilipinas o dahil doon nakatira ang ama nila.

"I'm excited to meet daddy, mommy" yumakap pa ito ng mahigpit. Dinampian ko lang sya ng halik sa noo at hinayaan na umalis.

Handa na ang mga anak ko ma meet ang ama nila, pero ako? Hindi ko alam kung handa na ba ako.


Anim na taon ang lumipas, maraming pwedeng nag bago simula nung umalis ako sa Pilipinas pero kung ano man yon ay hindi ko alam dahil simula umalis ako, inalis ko na din ang connection ko sa mga naiwan ko.



Paano kung may sarili na syang pamilya?




Hindi ko hahayaang masaktan si Riel at Ellevira, kung pag layo lang ulit ang solusyon para hindi sila masaktan ay gagawin ko.

---

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon