Chapter 75 (Trouble)

786 15 0
                                    

Elijah's Pov*

Nasa venue na kami kung san gaganapin ang kainan at kasiyahan.

Hehe nakakatuwa talaga ang mga nangyari, ngayon dalawa na kami ni Shan ang kasal, pero naunahan nya ako mag kaka anak :(

Ang garbo masyado ng kasal nya, walang wala ang kasal ko huhuhu hubby kasi eh!

Malungkot akong tinignan ang mga masasayang nag sasayaw sa gitna, kabilang na don ang bagong kasal.

"Shall we dance?" Napa angat naman ang tingin ko kay hubby , yung lungkot na naramdaman ko napawi lahat dahil sa ngiti nya.

Inabot ko ang kamay nya at sabay na pumunta sa dance floor.

Saktong nasa gitna na kami nung mag palit ng kanta.

Now Playing : Wonderful Tonight

It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear
She puts on her make-up and brushes her long blonde hair
And then she asks me, Do I look all right?
And I say, "Yes, you look wonderful tonight

Dobleng kilig yung nararamdaman ko tuwing kakanta sya, hindi malakas pero sakto na para mapalakas ang tibok ng puso ko.

We go to a party and everyone turns to see
This beautiful lady that's walking around with me
And then she asks me, Do you feel all right?
And I say, "Yes, I feel wonderful tonight"

Halos mag ka yakap na kami habang nag sasayaw, ewan ko ba dito kay hubby, natututo na maging sweet saakin baka napaparami ang asukal na nailalagay ko sa kape nya tuwing umaga.

I feel wonderful because I see
The love light in your eyes
And the wonder of it all
Is that you just don't realize how much I love you

Sa lahat ng linya I love you nalang ang intindihan ko hahahahaha

It's time to go hom-----

Kasabay sa pag patay ng ilaw ang pag sabog ng malakas, kaya lahat kami napa upo.

Huhuhu ano nanamang nangyayari? Isa ba to sa pakulo sa kasal?

"Wifey? Just hold my hand okay! Kahit anong mangyari wag kang bibitaw!" Pasigaw ni hubby dahil nag kakagulo na ang lahat.

"Boss, naka pasok daw ang Shin!" Si Ethan na ngayon may hawak ng baril.

Ano nanaman ba ito? Another shooting?

Hinatak na ako ni Ryle paalis, at hindi ko alam kung saan kami papunta.

Sobrang dilim. Ang tangi ko lang naririnig ay ang tunog ng baril.

"Wifey! Listen to me, wag na wag kang lalabas dyan kahit aning manyari okay? Maliwanag ba?? " hindi ko alam ang isasagot, hindi dahil sa iiwan nya ako, kundi dahil madilim. Natatakot ako.

Umiiyak nalang ang nasagot ko dahil hindi ko talaga alam ang isasagot.

"Please? Wifey babalik ako okay? Babalikan ki---BANG----Ahhhh sh*t"

"Hubbbbbbbbbbbbbbby" sigaw ko nung makita kong  halos tumulo ang dugo nya sa tagiliran

Huhu totoo ba ang lahat ng ito? Ano bang nangyayari??

"Long time no see, Ashton! Maganda ba ang pasalubong ko sayo? Made from korea hmmmm" pamilyar na boses ang narinig ko sa di kalayuan.

*BANG*
*BANG*

Napa pikit na lang ako dahil sa sunod sunod na putok ng baril ang naririnig ko, wala na din si hubby sa paningin ko.

Wala ba akong gagawin? Tutunganga lang ba ako dito at hahantayin mamatay si hubby? Noooooo

Kahit alam kong magagalit sya nag lakas loob akong tumayo at tumakbo.

Maraming patay at duguan ang nakasalampak sa sahig, isa na ba si hubby dito?

"Bakit nga ba hindi ka nalang mamatay? Gaya ng ina mo! Pareho lang naman kayong walang silbi"

Narinig ko nanaman ang pamilyar na boses na ito, sya yung bumaril kay hubby kanina. Baka sya pa din ang kausap??

Tumakbo ako sa pinaroroonan ng boses na yon, sana naman tama itong instinct ko na dito galing yon huhuhu

"Hubbbbby" sigaw ko nung makita sya, lumingon siya.

"Wifey, hide yourse----BANG" nakita kong tinamaan sya sa kaliwang paa nya kaya napaluhod sya

Hubbbbbby ano ba talagang nangyayari? Acting pa ba ito? O totoo na , sa nakikita ko totoong nasasaktan sya.

Tumakbo ako sa harap nya, in case na barilin sya e sakin na tumama.

Diba ganon yon? Lahat pag hahatian nyo.

"Elij-ah! Umalis ka dito, delikado di--dito"

Hindi ko sya pinansin, humarap ako sa lalaking bumaril sa kan---

"Kuya Mig--gy?" Onti unti kong nasilayan ang mukha nya at tama nga ako, sya yon. Pero bakit? Ayaw nya ba si hubby para sakin?

Nakatingin lang sya sakin habang nakatutok pa din ang baril samin.

"Umalis ka dyan Eliah! Labas ka sa away na to! Papatayin ko yang lalaki na yan!"

Papatayin? Bakit? Ahhhhhh nakakabaliw.

"Please kuya wag! Mahal ko yan eh, ano bang kailangan mo? Bak-bakit ginaga--wa mo to? Aka--la ko ba maba--it ka?"humahagulgol nako dahil hindi ko malaman yung sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam ang mas masakit, makitang mamatay ang asawa ko o makitang ang tunay kong kapatid ang gustong pumatay sa asawa ko.

-----
Miggy's POV*

Tang*na talaga! Ito na yung pag kakataon oh, mapapatay ko na sya!

Pero bakit ka pa dumating Eliah!?

Pero ito na din siguro ang pag kakataon para mabawi ko sya.

"Sumama ka samin, kapalit ng buhay ng kinikilala mong asawa"

Bahagya syang natahimik, tila ba nag iisip.

"Saan tayo pupunta kuya? Sa South korea ba?"

Hindi ko alam kung seryoso na ba sya ngayon, medyo weird din ang isang to.

"Wifey, wag kang makikinig sa kanya okay! Umali----BANG" bago pa man makapag salita ang kupal na to binaril ko sya sa kanang braso, daplis lang iyon.

"Kuyaaaaaa tama na plea--se? Sasama na ako, wag mo na sya ulit barilin, ple---ase"

Masakit man sakin makita yung sarili kong kapatid na umiiyak pero ito nalang ang paraan para makuha ko ang kapatid ko.

"NO ELIJAH!"

Nahanap ko na ang kahinaan mo Ashton

-----

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon