Chapter 81

925 11 3
                                    

Elijah's Pov*

Dahil na rin sa gutom na nararamdaman ko, idinilat ko na ang mga mata ko kahit pakiramdam ko kulang pa ang tulog ko.

"Anak, gising kana? Ryle gising na ang asawa mo. Bryan tumawag ka ng doctor" si daddy agad ang bumungad saakin na akala mo gulat na gulat pa at gumising ako. Nakakatawa lang na parang taranta pa sya at di alam kung sino ang tatawagin

"Gising na ako daddy, miss ko na kayo eh" bumangon na ako sa pag kakahiga ko at agad naman ako inalalayan ni Ryle, ang gwapo kong asawa.

"Baby jah jah! May masakit ba sayo? Tell to mommy if may masakit sayo okay?" Hinalikan pa ako nito sa ulo.

Pumasok na ang doctor na pinatawag ng daddy.

"Hi Mrs Ashton, kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba saiyo o may iba ka bang nararamdaman?" pag bungad na tanong sakin ng doctor.


"Okay lang naman ako doc, medyo gutom lang hehehe " tumuwa ito ng bahagya at saka hinawakan ang tyan ko.

"Mabuti naman Mrs.Ashton. based on your clinical test, everything is normal naman, malulusog at active naman ang baby mo. Na over fatigue ka lang kaya ka nag pass out. And i suggest na iwas stress ka muna and mag bed rest ka dahil medyo maselan na ang pag bubuntis mo dahil kambal ang dinadala mo, Congratulations Mrs.Ashton"

Halos mag hiyawan ang mga taong narito sa loob ng kwartong ito dahil sa tuwa.

Maski ako nagalak dahil hindi lang pala isa ang hinahantay ko kundi dalawa sila.

"Thankyou doc"

Niyakap ako ni Ryle saka dinampian ng halik sa noo.

"Welcome Mr & Mrs Ashton, mauna na ho ako" tumango lang kami at tuluyan na syang lumabas sa kwartong ito.

"Congrats bunso! Inunahan mo pa ako ha" niyakap pa ako ni kuya Bryan.

"Masyado ka kasing mabagal kuya, mag hanap kana kasi ng girlfriend" pang aasar ko.

Kung hindi ko lang kilala si kuya , baka iisipin kong bakla sya hehe

"Congrats baby Jah huhuhu" yumakap pa si mommy kay daddy habang humahagulgol.

"Mommy naman, kung maka iyak ka naman halika nga dito" nag yakapan kami ng mahigpit, na miss ko si mommy kahit palaging maingay at naka sigaw ito.


Sobrang gaan sa pakiramdam dahil finally, naka balik na ako sa pamilyang naka gisnan ko.







Dumating na ang gabi nung mapag pasyahan nila mommy umuwi, para na din daw makapag pahinga ako.

"Bibisitahin ulit namin kayo ng mga apo ko Baby Jah, anong gusto mong dalhin ko sayo?" si mommy na halos ayaw pa umuwi, dahil gusto nya daw ako kasama.

"Manggang hilaw mommy, please? Thank you"

"No problem baby ko. Fresh na fresh pa" kumindat pa ito saakin , minsan talaga ito si mommy feeling young.

"Oh sige na, uuwi na kami para makapag pahinga kana okay? Wag mag pupuyat at wag matigas ang ulo. Alagaan mo ang mga pamangkin ko" ginulo pa ni kuya Bryan ang buhok ko "Ryle ikaw ng bahala sa kapatid ko"
Tumango lang si Ryle bilang sagot.

"Ingat kayo mommy , daddy at kuya. Thankyou"

Tuluyan na ngang lumabas sila mommy sa kwartong ito kaya humiga na din ako at tinignan si hubby sa ginagawa nyang pag hihiwa ng prutas. Ang gwapo pa din kahit nag hihiwa lang. Mainggit kayo please.

"Hubby, kailan daw ako makakalabas dito" tanong ko dito, dahil ayos naman na ako at ayaw ko sa amoy ng hospital baka lalo ako mag kasakit.

Umupo ito sa tabi ko.

"Kapag okay na ang lahat wifey, bawal matigas ang ulo okay? Para sayo din naman ito at sa dalawang anghel natin dyan" turo pa nito sa tyan ko.

Napatingin naman ako sa tyan ko, kaya naman pala mabilis ang pag laki ng tyan ko dahil kambal pala sila.

"Pero ayos na ako hubby, lalo nasa tabi na kita uwi na tayo" nag pout pa ako para mas mukhang nakaka awa.


"Wifey wag na makulit, hantayin nalang natin na bigyan na tayo ng clearance. Sige na mag pahinga kana wifey, I love you" saglit pa itong humalik sa labi ko at hinawakan ang tiyan ko " Be good to mama okay? I love you both" at nag iwan din ito ng halik sa tyan ko. "Close your eyes wifey, nasa sofa lang ako babantayan kita. Sleep well"

Tinignan ko pa ito mag lakad patungo sa sofa at nahiga doon. Pilit pinag kaka sya ang sarili sa maliit na sofa.

"Okay ka lang ba dyan hubby? Masyado kang malaki para dyan. Dito ka nalang sa tabi ko"

"Wifey, wala naman akong sakit para humiga dyan. At isa pa hindi tayo kasya dahil masyado kayong malaki" samaan ko nga ng tingin dahil nag uumpisa nanaman sya mang inis.

"Just kidding wifey, I love you so much my wife. Close your eyes and take rest na"

Gaya nga ng sabi nya, ipinikit ko na ang mga mata kong kanina pa inaantok.

Ngumiti ako at hinayaan na ang sarili makatulog.

Goodnight everyone
----

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon