Chapter 80

924 18 3
                                    

Terrence's Pov*

I'm on my way again to Ryle's house .

Ilang araw na ako pa balik balik sa bahay ni Ryle dahil hindi ako pwede mag stay sa kanila dahil inaalala ko ang mag ina ko, buti nalang nandoon yung family kaya naka alis ako.

*brrrrr*

sinagot ko agad ang tawag ng hindi tinitignan kung sinong potio pilato ang tumawag

"Asan kana ba? Ang tagal mo naman lintek. Ikaw ang kumausap dito kay Ryle dahil kayo lang naman may alam sa buhay may ASAWA" after that, he hung up the call.

Walangya ka talaga Caleb. Hindi mo man lang ako hinayaang sumagot.

Ipinarada ko na ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila at pumasok doon.

"Nasaan si Ryle?" bungad na tanong ko.

Hindi na nila ako sinagot dahil nakaupo sya sa sala at mukhang seryoso sa pag iinom.

"Inanyo, anong silbi nyo dito? Hindi nyo man lang yan damayan !" singhal ko sa mga ugok na to na puro pulutan ang tinitira.

Lumapit ako kay Ryle at nag bukas ng isang bote. Para kahit sa gantong paraan maramdaman nyang may karamay sya.

Halos kalahating oras na din simula ng umupo ako e wala man lang imik. Kung ganto kainuman mo malamang mas gugustuhin mo matulog dahil wala man lang kwento sa buhay, pero ano pa nga ba----

"I aleady found her"

Pag basag nya ng katahimikan, kaya yung tatlong unggoy na nasa kusina e ngayon nandito na. Mga chismoso.

"her? sino ba ang tinutukoy mo?"sino pa nga ba? Ang tangang si Caleb.

Walang commonsense, ginagaya nya pa si Ryle sa kanya na maraming babae -___- wag nya lang sana lokohin si Chae, baka ibaon ko sya ng buhay.

"My wife"

"Eh nasan sya? Nasa taas na ba sya at nag papahinga?" halata namang excited si Ethan na makita si Elijah.

Kahit naman sino e, dahil mag dadalawang buwan na din ito nung huling makita namin.

"She's pregnant"

Literal kaming napa nga nga, akala mo yon. Tatahimik lang ito pero naka puntos na pala.

Kitang kita ko sa mata nya yung kasayahan nya, pero bakit parang mapait?

"Congrats Ryle!" magalak kong bati.

"Yown, matinik talaga."

"Finally, Congrats Ryle"

"Kaya naman pala may painom ka eh. Congrats Ryle. Alam na ba ito ni Mr.Ashton? Matutuwa yon panigurado"

At alam kong natutuwa din itong si Ryle dahil makukuha nya na ang pinag hirapan nya, ang maging 'Mafia Boss'

Naguguluhan ba kayo? Simple lang, bago sa kanya mapasa ang titulong 'Mafia Boss' kailangan mag kaanak at asawa sya, kaya nga minadali lahat sa kanila ni Elijah para mapa sakanya na ito, dahil matanda na din ang daddy nya.

"But i can't have her, her family is the reason why my life is miserable kaya ano pang rason ? Wala na wala! " yung saya sa mata nya napalitan ng lungkot, lungkot na madadala ka dahil alam mong totoo iyon.

Pero naguguluhan ako..

"Hindi kita naiintidihan Ryle, pero isasantabi mo nalang ba ang asawa mo at ang magiging anak mo dahil sa nakaraang yan? Tapos na yan Ryle, ang mahalaga ang ngayon at ang future nyo together. Mahal mo naman si Elijah diba?" mahinahon kong binitawan ang mga salitang yan, sana nauunawaan nya. Dahil para din naman sa kanya iyan

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon