Chapter 73 (Wedding Day)

811 14 5
                                    

Elijah's Pov*

Ilang linggo lang na preparation ang ginawa para sa kasal ni Shan at Terrence.

Ngayon ang araw ng kasal nila, kaya ito kami busy sa pag hahanda ng sarili.

"Hubby! Bat ganto, nung ikinasal tayo ni wala man lang pa ganito, o kahit man lang pumunta sa simbahan" Reklamo ko dito, totoo naman kasi e. Ang tanging meron lang kami e ang singsing na suot namin, diko alam kung totoo pa ito huhu

Lumapit sakin si hubby.

Napaka gwapo nya sa suot nya. Matchy kami ng color ng Coat nya at dress ko.

"Papakasalan din kita sa kahit na anong simbahan wifey, don't be sad. Gusto mo isa isahin pa natin lahat"Sabay kiss sa noo ko.

Nagiging sweet na sya kahit papaano, hindi na sya ganong ka sungit.

Nang matapos na ang lahat, sabay sabay kaming tumungo sa simbahan kung saan sila ikakasal.

Ang ganda ng ayos ng simbahan siguro dahil ito ang request ni Shan.

Limitado lang ang bisita pero makikita mong mayayaman at kilalang tao dahil na din sa mayaman talaga ang pamilya ni Shan.

Pumunta na kami sa naka assign na upuan para samin, nandoon na din ang iba pa naming kaibigan.

Hindi pa man nag uumpisa e mahahalata mo na excited ang lahat.

Ang saya siguro sa pakiramdam ang makasal sa loob ng simbahan

Sana maranasan ko din ito

----

Chae's Pov*

Bumaba nako sa kotse ni Caleb, oo di kayo nag kakamali. Si Caleb talaga ang tinutukoy ko.

"Hindi mo man lang ako hinayaang pag buksan ka ng pintuan?"Singhal nya sakin at sinamaan ako ng tingin

Ewan ko dyan, simula nung sinabi nyang kami na e , trying mag paka sweet ang loko.

"Hindi naman ako paralisado Caleb, wag mo sirain ang araw ko okay!"

"Sorry na babe, I love you" Biglang naging maamong tupa nanaman sya.

"Tigilan mo nga ako Caleb. Ang corny mo. Osige na pumasok kana sa loob at mag c cr lang ako saglit, wag mo ako masyadong ma miss okay" hindi pa man sya sumasagot e nilayasan ko na sya, maaga pa naman kaya hindi ko kailangan mag madali.

Agad naman akong nakarating sa cr, nag ayos ako ng sarili ko. Kahit sabi naman ni Caleb na maganda ako ngayon!

Pero dahil babaero yon di ako maniniwala.

Huminga akong malalim bago lumabas ng C.R.

Pinag handaan ko itong araw na ito, hindi dahil kasal ito ng matalik kong kaibigan, kundi sa pamamaalam ko at tuluyang pag bitaw sa mga alaala nami--

Napatigil ako sa pag lalakad nung makita ko ang isang pamilyar na tao

"Terrence?? Anong pinaplano mo???"Galit kong tanong sa kanya

Dahil nakita ko syang sasakay ng kotse nya, at mukhang binabalak tumakas.

"Sorry Chae, hindi ko alam kung tama bang pakasalan si Shan, hindi ko alam, naguguluhan ako" napasabunot pa sya sa buhok nya.

Gago pala ito e, kung hindi lang nito kasal baka nabigwasan ko na to.

"Papakasalan mo si Shan! Mag kaka anak na kayo kaya please! Wag mo na ituloy yang pinaplano mo"

Pangarap nya yon e! Pangarap nya bumuo ng pamilya!

"Per--"

"Wala ng pero pero Terrence. Alam kong kaya mo sya mahalin, mapag aaralan mo yan. Masaya ako para sainyo, masayang masaya kasi finally matutupad mo na yung pangarap mong bumuo ng sariling pamilya, hindi nga lang sakin. We need to accept the reality! At ito ang realidad na pinili natin. Meron kang Shan at ako merong Caleb, so please maging mabuting asawa at ama ka sa pamilya mo. Masaya na ako don!" Tinalikuran ko na sya at nag pasya na pumasok na sa simbahan.

Hindi ko alam san ba ako nakuha ng lakas ng loob para hindi umiyak.

Mahal kita Terrence, pero mas mahal ko si Shan na kaibigan ko.

Maging masaya kayo, kahit hindi na ako

-----

Terrence's Pov*

Naiwan akong tulala, para bang binuhusan ang ng malamig na tubig at nagising sa katotohanang tama nga si Chae.

Ito na yon oh! Ang pangarap naming binuo ngunit iba na ang kasama kong tutupad.

Mahirap man pero alam kong ito ang tamang gawin.

Lumakad na ako papasok sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Shan.

Andito lahat ng bisita at handa na silang saksihan ang kasal namin.

Ilang minuto lang din nung dumating na ang aking mapapangasawa.

Ito na siguro ang oras na dapat kang kalimutan, Chae.

---

Marrying A Gangster And Soon To Be A Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon