But it's not too late for a second chance right? Hindi pa huli para itama ang lahat ng nagawa niyang mali. And she'll start now.

She decided that this will be a new fresh start for her, Natalia, and all of them. This time, gagawin niya ang lahat para maitama ang kasinungalingan niya noon. Para na rin sa mga kaluluwa noong nadamay sa magulong mundo niya. Ang mama niya, ang lolo at lola niya, si Serge, si Stephen, sa lahat... si Althea.

Isang buong linggo siyang busy sa trabaho. Pansamantalang nawala ang mga problema niya sa kanyang utak. It's nice to have something to do. Kahit papaano lagi siyang okupado at hindi na masyadong naiisip si Athos Querio.

Palagi kasi siyang natetempt na magsearch ng article sa tuwing breaktime niya. Updated na siya sa buhay nito dahil araw-araw na niyang ginagawa iyon.

Natigil lamang iyon ng makita niya ang isang article tungkol sa pag-attend nito sa charity ng pinsan na si Felicity. Doon ay nainterview siya ng isang lifestyle magazine.

Nainterview siya at ang date nitong si Cynthia. She broke her engagement to Fred Castaño years ago. At according doon sa magazine, boyfriend-girlfriend na sila for three years.

Three years? Mas matanda pa sa anak nilang si Natalia ang relasyon ng dalawa. Hindi niya maipaliwanag ang galit niya noong mabasa iyon.

Siguro noong mawala na siya sa eksena ay agad ding tinuloy ng dalawa ang relasyon nila.

Mapait ang kanyang pakiramdam. Pinalabas noon na patay na siya, kaya ba hindi na nakapaghintay agad-agad si Athos at sila na muli ni Cynthia?

Nalulungkot siya na parang hindi man lang nasaktan si Athos sa balitang patay na siya. Even Andres told her... na patay na din naman siya kay Athos kaya huwag nang mag-abala pa.

Nakamove on lahat ng tao sa paligid niya. Iyon ang pinanghahawakan niya na bumubuhay sa galit niya.

Everything's fine she always tell herself.

But when you thought that finally... everything's fine, saka naman papasok ang realidad.

Natulala si Samuela ng matanggap niya ang tawag mula kay Ningning, pagsapot ng hapon sa trabaho.

"Ma'am! Tulungan niyo po kami. May mga lalaki po rito. May mga baril! Hinahanap po kayo." Nanginginig ang boses ni Ningning.

Kinuha ni Samuela ang kanyang bag at hindi na nagpaalam pa doon kahit panay tawag ang mga katrabaho niya. Pumara siya ng taxi.

Nagmamadali ang lakad niya papunta sa penthouse. Natutuliro ang kanyang utak sa lahat ng pwedeng mangyari.

Pagkabukas niya ng pintuan, naroon ang ilang pamilyar na lalaki. Pinalilibutan ng mga ito ang umiiyak na si Ate Ningning at si Natalia.

Punong puno ang takot ni Samuela. Tumakbo siya para hawiin ang mga lalaki doon. Galit niyang binalingan ang mga ito.

They have guns. At hindi niya alam kung anong trauma ang maibibigay noon sa anak niya.

"Anong ginagawa niyo rito, huh?!" sigaw niya.

Humakbang ang isang lalaki papalapit sa kanya. Hawak nito ang isang handgun sa kabilang kamay.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now