"H-hindi p'wede, hindi ako gaya mo. Hindi ako isang Blessed One"
"P'wede naman nating gawan ng paraan! Tutal, wala ka na namang ibang pupuntahan, hindi ba? Bakit? Meron panga ba?"
"H-Hindi mo naiintindihan..." Tumayo si Fillan at sinubukang piliin ang mga salitang bibitawan niya na hindi magiging pangit ang dating kay Noah "Mahigpit ang utos ng Agrivan at pinagkasunduan iyon ng Providence. Hindi p'wedeng tumuntong sa lupain na iyon ang hindi isang Pinagpala."
Natahiik si Noah, at tila ba napapaisip pa. Hanggang sa...
"P'wede tayong dumaan sa mga butas. Wala namang makakaalam, at kung walang makakaalam, walang magiging problema."
Napilitan si Fillan na talikuran si Noah. Bigla kasi siyang nakaramdam ng takot. Takot na baka ang pagpayag niya na sumama kay Noah ay magdulot ng malaking problema.
Tumayo si Noah at nakipag-usap ng seryoso kay Fillan.
"Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman kong nag-iisa ka rito, at alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa ka't walang kasama. Pero kung sasama ka sa akin, hindi mo na kailangan na mag-isa pang muli sa lugar na ito."
Habang sinasabi ni Noah ang mga salitang iyon ay lalo lang nakakaramdam ng takot ang batang si Fillan. Hindi siya mapalagay, at hindi rin niya malaman kung paano tutugon sa alok ng bagong kaibigan.
"H-hindi ko--"
Hindi paman natatapos magsalita si Fillan ay biglang tumunog ang maliit na orasan na nasa bulsa ni Noah. Dinukot ito ni Noah at nakita ang oras.
"Naku po!" Ang sabi ni Noah, "Oras na!"
Nilapitan ni Noah si Fillan, ngunit ayaw siyang lingunin ni Fillan dahil narin sa matinding pagkabalisa.
"Patawad pero kailangan ko nang umalis." Hinawakan ni Noah ang kamay ni Fillan, saka nito sinabing, "Pag-isipan mong mabuti ang alok ko Fillan. Kapag nakapagpasya ka na, pumunta ka sa lumang tulay malapit sa tuyong ilog bukas bago lumubog ang araw. Hihintayin kita roon."
Hindi ibinuka ni Fillan ang kaniyang bibig para sumagot. Hinayaan lang niya si Noah na umalis kahit ayaw pa sana nito, at sa bandang huli, naiwan muli si Fillan na nag-iisa sa lugar na iyon.
***
Tok-Tok-Tok
Bahagyang binuksan ng isang Servant ang pintuan ng opisina ng Chief Cardinal, ngunit wala siyang nakitang anuman nang siya ay sumilip.
"Hay, wala nanaman akong naabutan. Totoo pala ang usap-usapan, mahihilg gumala ang Chief Cardinal."
Isasara na sana nito ang pinto. Nang biglang...
"Anong ginagawa mo sa opisina ni Chief Cardinal Randall?"
Hindi napansin ng Servant na kanina pa pala sa likuran niya ang pumapangalawa sa puwesto ni Chief Cardinal Randall na si Cardinal Heimdall, na kilala sa pagiging nakakatakot at istriktong pinuno. Lahat ng makakatabi ng kardinal na ito ay hindi maiwasang manginig sa takot dahil sa mga usap-usapang masama 'di umano itong mapikon.
"C-Cardinal!"
"Para kang nakakita ng multo."
Napaatras pa ng husto ang servant na halos idikit na ang kaniyang likod sa pader.
"M-m-m-mawalang g-galang na po..."
"Bakit ka nga sabi narito!" Unti-unti nang tumataas ang boses ng Cardinal, na sinabayan pa ng pag-angat ng kaniyang makapal ngunit magandang hubog ng kilay, "Hindi ba't bawal pumasok ng basta-basta sa mga pribadong silid ng walang pahintulot!"
"Ipagpaumanhin ninyo Cardinal!" Agad na sagot ng Servant, "Napag-utusan lang po ako..."
"Utos? Nino?"
"N-ng Grand Elder po."
Matapos marinig ni Cardinal Heimdall ang sinabi ng Servant ay lalo lamang itong nag-usisa.
"Inutusan ka kamo ng Grand Elder? Bakit?"
"May paanyaya po para sa mga Chiefs of Guilds..." Sagot ng Servant, "Magkakaroon daw po ng isang pagpupulong mamayang tanghali. Papunta narin po ako sa opisina ng iba pang mga Chiefs para sabihin ang mensahe."
"Wala rito si Chief Cardinal Randall. Nasa mahalagang misyon siya ngayon." Sagot ng Cardinal.
"Naku..." Napakamot na lang ng kaniyang ulo ang servant, "Sino na lang ang dadalo sa pulong?"
At hindi nag-atubili ang Cardinal na sumagot.
"Ako ang pupunta."
"P-po?"
"Pumapangalawa ako sa Chief Cardinal, kaya may karapatan akong humalili sa kaniya kung wala siya. Ako narin ang bahalang magsabi sa iba pang Guilds."
"G-Ganoon po ba...?" Pinagpawisan ng husto ang servant sa isinagot sa kaniya ng Cardinal. "Kayo po ang bahala."
Umalis na ang servant. Si Cardinal Heimdall naman, bagamat alam niyang pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng pagpupulong sa Basillica kasama ang tatlong Guilds of Agrivan ay hindi parin niya magawang hindi magtaka kung bakit biglaan at sa alanganing araw nagpatawag ng pulong ang pinakamataas na pinuno ng Agrivan.
"Bakit nga kaya? Maaaring, mayroong problema."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umihip ang hangin papasok sa isang bukas na bintana ng pasilyo. Lumapit siya sa bukas na bintana at isinara ito.
"Kaunting panahon na lang. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras."
END OF CHAPTER THREE
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
Vol. 1 Code Three: "Strings Attached..."
Start from the beginning
