Vol. 2 Code Sixteen: "Falls Out"

946 95 17
                                    

Code Sixteen: "Falls Out"

******

Maririnig mong pumipito ang hangin dahil sa malakas na pagbugso nito na nagmumula pa sa iba't-ibang direksyon. Nayayanig ang mga salamin ng mga bintana na aakalain mong anumang oras ay maaaring mabasag. Kapag naman sumilip ka sa labas, wala kang anumang makikita kundi ang maitim na ulap na mabilis na gumagalaw.

Ilang sandali pa ay dumungaw sa bintana ang shadow ni Noah...

"Squeek!"

Mabilis na kinuha ni Noah ang alagang daga at isinilid ito sa kaniyang bulsa.

"Dito kalang muna sa bulsa ko. At huwag ka munang mag-iingay okay? Baka magising sina Fiel at Liliana..."

Dahan-dahang bumalik si Noah sa gilid ng kaniyang higaan para tapusin ang kaniyang pag-iimpake.

"Kaylangan nating bilisan, kaylangan ko agad makababa sa Providence...."

Pagkatapos niyang ilagay ang huling gamit sa kaniyang bag ay dali-dali niya itong sinukbit sa kaniyang balikat. Papalabas na sana siya ng kwarto nang maisipan niyang lingunin ang kaniyang mga natutulog na kaibigan. Alam niyang mali ang kaniyang gagawin –ngunit mas mahihirapan siya kung madadamay pa ang dalawa niyang kaibigan sa gagawin niyang pag-takas.

Patawad...Fiel...Liliana...

Dahan-dahang lumabas ng kwarto ang binata at maingat itong isinara. Ang hindi niya alam ay gising pala nang mga sandaling iyon si Fiel at agad na bumangon matapos makitang lumabas ng kanilang kwarto si Noah.

Tahimik nang mga sandaling iyon sa Quarter's Hall. Maingat at tahimik na nilagpasan ng binata ang mga kwarto para makalabas. Ngunit nang siya ay nasa Receiving Area na ay saka naman sumulpot ang mga Pillar Guards na nakabantay sa harapan ng pinto, gayundin sa tapat ng gate ng kanilang Quarters Compound.

"Tsk! Kainis naman!"

Naisip ni Noah na bumalik at humanap ng ibang daan para makalabas. Doon niya nakita ang Exit Door na ang lusot ay ang Green House. Agad na ginamit ni Noah ang pagkakataon at doon dumaan. Palibhasa'y exit way kaya napakadilim ng daan. Mabuti nalamang at nariyan ang kaniyang shadow – bigla itong lumundag mula sa kaniyang bulsa at nanguna sa kanilang daan habang ang mga mata nito ay nag-liliwanag na nagsilbi nilang ilaw upang makakita sa madilim na daanan.

"Wow...may ganiyan ka palang kayang gawin??"

"Squeek!"

"...Salamat hu! Malaking tulong yan. Tara! Bilisan natin!"

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa labasan. Binuksan niya ang pinto at agad na humampas sa kaniyang mukha ang malakas na bugso ng hangin na sinabayan pa ng mga butil ng malamig na tubig mula sa ulan na agad nanuot sa kaniyang balat, dahilan para maramdaman niya ang lamig.

"Naku naman...bakit kasi ngayon pa bumagyo?!"

Agad na inilabas ni Noah ang kaniyang balabal at ipinandong ito sa kaniyang ulo at saka siya sumgod sa ulanan. Mula sa green house hanggang sa unang gate ng Pillar Quarters ay isang daang metro na ang layo, kaya naman ganoon nalamang ang kaniyang pagmamadali upang hindi maabutan sa gitna ng daan ng mga rumorondang mga bantay.

Ilang sandali pa ay natanaw na rin niya sa wakas ang gate. Wala pang bantay ng mga oras na iyon kaya naman kampante siya na magagawa niyang makalabas. Subalit bago paman siya mangalahati sa kaniyang distansya ay saka naman niya biglang naramdaman na may kung anong bagay ang gumapang sa kaniyang mga binti mula sa lupa na agad na nagpahinto sa kaniya.

Code ChasersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon