Vol. 1 Code Three: "Strings Attached..."

2.3K 176 37
                                    

Making a big life change is pretty scary.

But do you know what's even scarier?

Regret.

~Anonymous~

Code Three: "Stings Attached

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Code Three: "Stings Attached..."

*****

"Alam mo ba na parati akong nasa lugar na ito noong mga bata pa kami ng kapatid ko?"

Tuluy-tuloy lang sa pagkukwento ang batang si Noah, habang si Fillan naman ay nakasunod lang sa kaniya at tila ba nababatid na kung saan sila pupunta.

"At doon naman sa gitna ng gubat na ito ang espesyal na lugar na sinasabi ko sa iyo!"

Itinuro ni Noah ng kaniyang maliit na hintuturo ang pinakamalaking puno sa gitna ng kagubatan ng Isis na ayon sa mga taga-Providence ay humigi't kumulang dalawang libong taon na ang tanda. Napapalibutan ito ng mga damo at mga gumagapang na halaman na siya ring tahanan ng mga ibon, insekto, at ng batang si Fillan.

"Ang sinasabi ba niyang...espesyal na lugar ay ang tinitirahan kong puno ngayon?"

Biglang natauhan si Fillan nang makailang beses na tinawag ni Noah ang kaniyang pansin.

"Anong problema Fillan? Kanina pa kita kinakausap pero parang 'di ka nakikinig?"

"P-pasensya na, pero....dito ka rin ba nakatira?"

"Malapit lang kami sa lugar na ito noon." Sagot naman ni Noah "Pero dalawang taon na nang umalis kami dito. Kaya naman sabik na sabik narin akong makita ang malaking puno na ito!"

Hinatak na ni Noah si Fillan. Hindi nila alintana ang masukal na dinaraanan at mga naglalakihang talahib sa lugar. Bumilis ang paglalakad ng dalawa habang papasok sila sa mas madilim na bahagi ng kagubatan. Hindi paman sila nakakarating sa kanilang patutunguhan ay paisa-isa nang nagsisilabasan ang mga alitaptap. Hanggang sa tuluyan na nga silang Nakarating sa gitna ng kagubatan kung saan nakatirik ang malaking puno na unti-unting nababalutan ng mga nagliliwanang na mga alitaptap.

"Nandito na tayo, Fillan!" Tuwang tuwa na sinabi ni Noah, saka ito patakbong pumunta sa puno at inikutan ito.

"Tignan mo! Hindi manlang nagbago ang lugar na ito! Nakakatuwa!" Naglulundag sa tuwa si Noah habang si Fillan naman ay pinagmamasdan lamang siya. Ngunit biglang natigilan ang batang si Noah nang mapansin ang isang mangkok, baso at sapin na gawa sa sako na nakalatag sa loob ng malawak na mala-kwebang ugat ng puno.

"A-ano ito?" Laking pagtataka niya "Wala namang ganito noon dito ah? May...nakatira ba dito?'

Gusto sanang sabihin ni Fillan na siya ang nakatira sa punong espesyal 'di umano kay Noah. Pero natatakot siya na magalit ang bagong kakilala sa oras na umamin siya.

Code ChasersWhere stories live. Discover now