Code Chasers: Side Story 2: "Acting Out a Dream"

882 115 12
                                    

Code Chasers: Side Story 2: "Acting Out a Dream..."

******

Nangyari ang insidenteng ito kamakailan lang...

Tok-tok-tok

Lima hanggang sampung beses na kumakatok si Paris sa pinto ng kuwarto ng binatang si Fillan.

Mayamaya pa...

"Huh...?" Lumabas sa kuwarto si Fillan na halos pikit pa ang mga mata dahil sa antok. "Sino po sila?" tanong nito kay Paris.

"Ako to, si Paris."

Kinusot ni Fillan ang mga mata niya at nagtanong.

"Paris?" Nananatiling wala sa sarili si Fillan at pakiramdam niya ay nananaginip lang siya noong mga oras na iyon.

"Hindi ako makatulog eh." Ang sabi ni Paris sa kaniya.

"Ha?" Panay lang ang bagsak ng ulo ni Fillan sa gilid ng pinto. "Ano nga ulit?"

"Ang sabi ko, hindi ako makatulog. Baka p'wede tayong...alam mo na? Mag-kuwentuhan sandali?"

Ngunit hindi paman natatapos ni Paris ang kaniyang pakiusap ay bigla na lang umigwas ang mga paa ni Fillan paharap sa kaniya.

"Tabi!"

Direktang tumama ang sipa ni Fillan sa "hinararap" ni Paris. Sa sobrang sakit, napaluhod si Paris at mangiyak-ngiyak na dumaing.

"Ang...sakit!"

Ngunit hindi pa roon nagtapos ang eksena dahil muli na namang umatake si Fillan habang ito ay nananaginip.

"Waaah!"

Biglang dinaganan ni Fillan si Paris. Sinakal niya ito, sinipa, at iningudngod sa sahig. Walang kalaban-laban si Paris noong mga oras na iyon, hanggang sa napansin niyang may kung anong binuhat si Fillan at dahan-dahan itong lumapit sa kaniya.

"TAPOS KA NA! HIGANTENG IPIS NA MAY APAT NA MATA!"

"H--huwag!!!"

Kinabukasan....

"Magandang umaga."

Bumaba si Fillan mula sa kaniyang kuwarto na panay ang hilot sa kaniyang mga balikat. Masasakit kasi ang mga ito na para bang galing siya sa isang matinding giyera. "Ang sakit ng katawan ko."

Naabutan ni Fillan si Dallia na nagdidilig ng halaman.

"Oh? Fillan dear? Gising ka na pala? Tinanghali ka ah?"

"N--naku, pasensya na po. Napasarap po ang tulog ko. Ang weird nga po kasi paggising ko ang sakit ng katawan ko at ang werid pa ng panaginip ko. Nakipaglaban daw po ako sa isang batalyon ng mga naglalakihang ipis na may apat na mata."

Napansin ni Fillan na wala roon si Paris na kadalasan naman ay maagang nagtutungo sa silid-kainan para magkape.

"Nasaan po si Paris?"

"Si Paris? Hayun, mukhang napasarap ang tulog. First time niyang natulog ng ganiyan kahaba. Good for him. Malala kasi ang Insomia niya. Hindi siya nakakatulog basta-basta."

"Ah, ganoon po ba?"

May pakiramdam si Fillan na parang nakita niya si Paris sa kaniyang panaginip.

"Ang weird. Parang kausap ko din si Paris kagabi?"

Si Paris naman noong mga sandaling iyon ay nasa kaniyang silid. Tulad ng sinabi ni Dallia, tulog parin ito dahil sa matinding sakit ng katawan at pagkakapukol sa kaniyang noo ng maliit na upuang yari sa kahoy na ipinukol sa kaniya ng binatang si Fillan.

"Ang ulo ko, ang sakit..."

END


Code ChasersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon