Vol. 1 Code Ten: "He who Hides and Seeks"

1.5K 117 13
                                    

There are two kinds of secrets.

Those who hide from others...

and those we hide from ourselves.

~ Anonymous ~

Code Ten: "He who Hides and Seeks"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Code Ten: "He who Hides and Seeks"

*****

Ang digmaan ay tapos na...

Subalit balot parin ng makapal na hamog ang buong lupain ng Death Valley kung saan naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga ipinadalang mga Guild Soldiers mula sa Agrivan at ng mga Ghouls na nagtangkang pumasok sa harang na pumapagitan sa Death Valley at sa Providence. Bukod sa bumabalot na hamog ay bumabalot rin ang nakabibinging katahimikan at ng masangsang na amoy mula sa naghalu-halong malansang dugo at nasusunog na laman. At nang mahawi ng bahagya ang hamog ay saka pa lang masasaksihan ang katawan ng napakaraming sundalong nasawi at ang mga laman at mga buto ng mga halimaw na kanilang nakasagupa. Unang tingin mo pa lang ay alam mo nang walang sinoman ang mabubuhay sa ganoong kalagayan. Hanggang sa isang nakabulagtang sundalo ang biglang gumalaw mula sa mga naglalakihang guho. Subalit unti-unti narin itong inaagawan ni kamatayan ng buhay dahil sa mga natamo nitong pinsala.

Sa gitna ng matinding katahimikan ay biglang lumabas mula sa kung saan ang isang anino na papalapit sa nag-aagaw-buhay na sundalo. Nang imulat ng sugatang sundalo ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang ang imahe ng isang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan.

Code ChasersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon