Vol. 2 Code Eighteen: "Looking Back"

786 89 9
                                    

Code Eighteen: Looking Back

*****

Tandang-tanda ko pa...

"Anong sabi mo? Mag-aaral ka sa Akademiya ng Crimson?"

...tandang-tanda ko pa ang naging reaksyon ng matalik kong kaibigan na si Heimdall noong sinabi ko sa kaniya na gusto kong maging Cardinal Soldier ng Holy Army.

"Seryoso ako! Gusto kong maging Cardinal Soldier! Ang astig kaya nila?! May mga pakpak sila at lumilipad--gaya ng mga anghel!"

Kababata ko si Heimdall--at masasabi ko na hindi lang kababata ang turingan namin sa isa't-isa kundi tunay na magkapatid. Kilalang-kilala na namin ang bawat isa; alam ko ang mga gusto at ayaw nya at ganoon din naman siya sa akin.

Oo...kilala ko sya. Sya yung tipo ng tao na ayaw ng gulo at ang gusto lang ay ang umupo sa isang sulok, magbasa ng mga aklat, mamasyal kung may oras at makinig sa mga kwento ko kung saan labis siyang natatawa. Pero noong araw na iyon...habang nagpapalitan kami ng mga pangarap naming maging balang-araw, bigla ko ngang naisip ang ideyang iyon...

"Tayo? Mag-aaral ng sabay sa Crimson?"

"Oo Heimdall! Hindi ba't magandang ideya yon?! Mas magagamit pa natin ng mabuti ang mga kapangyarihan natin--makakatulong pa tayo sa mga tao, diba?"

"Pero paano ang mga magulang mo? Hindi ba't may plano na sila para sa kinabukasan mo?"

"Maiintindihan naman nina Mama at Papa na gusto ko talagang mag-sundalo, isa pa...papayag sila ng mabilis kung makakasama kita doon--diba?"

May pangarap rin si Heimdall para sa sarili nya--pero isinantabi nya iyon para pagbigyan ang hiling ko sa kaniya na pumasok kasama ko sa pagsusundalo.Sabay kaming nagsanay at lumaban sa mga ghouls--hanggang sa dumating na nga ang oras na nasuklian nang lahat ang aming paghihirap at parehong napansin ng mga nakatataas ang aming mga potensyal...

"Binabati kita Randall, Ikaw na ngayon ang Punong Kardinal ng buong Guild of Cardinals ng Holy Army. At hindi lang yon, ikaw pa ang pinakabata sa lahat ng mga naging Punong Kardinal..."

"Ako lang ba ang dapat batiin? Pumapangalawa ka na sa akin ngayon Heimdall? Baka nga sa susunod, ikaw na ang bagong Chief Cardinal ng Guild"

"Hahaha! Hindi mangyayari yon!"

Naramdaman ko ang pagtapik ni Heimdall sa mga balikat ko, na para bang tiwala sya na makakaya ko na kumilos kahit wala sya sa tabi ko. Pero ang totoo...kaylangan ko sya, kaylangan ko si Heimdall na laging nasa tabi ko.

----Susuportahan kita sa lahat ng bagay na gagawin mo, Randall. Asahan mong ako ng magiging pinakamahusay mong kanang-kamay. Sa iyo lang ang katapatan ko, para sa ating pagkakaibigan...----

...Pero dumating ang oras na wala akong ibang pagpipilian--kinalailangan ko na magpasya alang-alang sa kapakanan ng mga tao sa Providence.

"Kaylangan kong magpadala ng mga mahuhusay na sundalo sa hanay natin para pigilan ang paglaki ng punit sa Hell's Rip sa Death Valley dahil kung hindi--patuloy na lalabas ang mga Ghouls mula roon at maaring sirain nila ng tuluyan ang boundary..."

"...Kung ganoon...ipadala mo rin ako."

Nagprisinta si Heimdall na sumama sa magiging digmaan sa Death Valley kahit alam nya na delikado ang sitwasyon. Ang totoo...ayaw ko syang ipadala sa Death Valley kahit pa isa sya sa pinakamahusay na sundalo sa aming hanay, pero wala akong ibang pwedeng pagkatiwalaan sa trabahong iyon kundi siya lang. Kaya sa bandang huli, ipinadala ko sya sa digmaan kasama ng iba pang mga sundalo para labanan ang mga Ghouls at isara ang butas na nilikha ng mga halimaw. Pinili kong isugal ang pinakamatalik kong kaibigan sa digmaan--bagay na habang buhay kong pinagsisisihan...

Code ChasersWhere stories live. Discover now