Vol. 2 Code Nineteen: "Fends Off"

922 81 14
                                    

Code Nineteen: "Fends Off"

*****

May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:

Mga palalong mata;

sinungaling na dila;

mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;

Puso na kumakatha ng mga masamang akala;

mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;

Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan;

at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

--Salawikain 6:16-19--

*****

Magkakasunod na malalaglag sa lupa ang mga talulot ng puting rosas at dahan-dahan itong bumabagsak gaya ng nyebe. Maririnig mo rin ang tunog ng gunting habang pinuputol nito ang mga bulaklak mula sa tangkay nito. Bukod-tanging iyon lamang ang ingay na namamayani sa malawak na harding iyon, hanggang sa...

---Stab!

Bumaon ang gintong gunting sa kahoy na mesa na katabi lamang ng mga tanim na rosas. Makikita mo agad ang matinding panggigigil sa pagkakabaon pa lamang ng gunting sa kahoy.

"Totoo ba yang ibinalita mo sa akin?"

Ang nagtanong sa galit na tinig ay ang lalakeng may kulay gintong mga mata at kulay pilak na buhok na minsang nakadaupang-palad ng Kardinal na si Randall sa aklatan ng High Grid (see code fourteen). Kausap niya sa mga sandaling iyon ang kaniyang alagad, ang pinakamataas na namamahala sa Agrivan--ang Grand Elder na si Canis.

"...Paanong may nakapasok sa tarangkahan ng Death Valley? Anong nangyari sa mga itinalaga mong bantay..."

At ganito naman ang isinagot ng Grand Elder.

"Natagpuan po sila na wala nang buhay. Isang sundalo na bantay rin doon ang may kagagawan. Gumamit sya ng lason para paslangin ang mga kasama nya gayun din ang mga kabilang sa search team."

Nang marinig ng iyon ng lalake ay agad siyang nagtanong.

"Ang kahon...?"

Pero imbis na sumagot, bahagyang yumuko ang Punong Nakatatanda at umiwas na matitigan ng mga galit na mata ng lalaking kaniyang kausap.

"Ang sabi mo sa akin noong nakaraan ay nagawa nang matagpuan ng mga tauhan mo ang kahon--kung gayon, nasaan na?!"

At doon na napilitang sumagot ang Grand Elder

"A--ayon sa ulat, makukuha na dapat ng mga tagapag-hanap ang kahon mula sa Hell's Rip nang dumating ang kasamahan nilang sundalo na pumatay sa kanila. Pero natagpuan rin ng mga rumespondeng sundalo na patay na yung sundalo at wala silang nakuha na kahon sa kaniya at....wala narin sa Hell's Rip ang kahon..."

Matagal din ang naging pananahimik ng lalake pagkatapos isalaysay sa kaniya ang mga nangyari. Agad niyang binunot ang gintong gunting na nakabaon sa kahoy na lamesa at saka niya ito inilapag pagkatapos. Makikita mo agad sa kaniyang mukha ang pagbabago ng reaksyon, kung saan imbis na tuluyang magalit ay nakangiti pa itong humarap sa kaniyang kausap-ngiti na alam mong nagpipigil lamang ng matinding galit at anumang oras ay maaari itong sumabog.

"At alam mo ba...kung ano ang mangyayari sa oras na mapasakamay ng maling tao ang kahon na iyon?"

Napalunok nalamang ng kaniyang laway ang matandang si Canis at hindi makasagot sa tanong. Lumapit sa kaniya ang lalake na kaniyang kausap at hinawakan siya sa kaniyang mukha para titigan siya sa mga mata...

Code ChasersWhere stories live. Discover now