Vol. 1 Code Three: "Strings Attached..."

Start from the beginning
                                        

Pagkatapos ay umihip muli ang hangin at itinaboy ang alitaptap sa kaniyang balikat. Napadapo ang mga ito sa isang tuyong sanga kung saan kasabay nitong nalaglag ang mga puting balahibo na mula sa isang malaking pakpak ng isang malaking ibon, at ang kardinal na doo'y nakatayo ay kasabay rin ng hangin na naglaho.

*****

"Talaga? Seryoso ka? Ginawa mo talaga iyon?" Ang namamanghang sabi ni Noah habang nakikinig sa nakakatuwang kuwento ng batang si Fillan.

"Oo, Buti nga nagawa ko pang makatakas, akala ko nga katapusan ko na."

Sandaling huminto ang kanilang kuwentuhan at kapwa pinagmasdan ang malawak na kalangitan na nababalot ng mga bituin.

"Ang ganda ng langit ano? Lalo na 'yong mga bituin! Para silang mga alitaptap, magkasing dami sila at saka magkasing liwanag. Nasa langit nga lang sila, kaya 'di ko sila maaabot." Ang sabi ni Noah habang nakaangat ang kanyang kamay na para bang sinusubukan nito na abutin ang kalangitan.

"Tingin mo, saan kaya nila nakukuha ang liwanang nila? 'Di ba 'yong mga alitaptap may ilaw 'yong mga buntot nila? Eh 'yong mga bituin kaya?" Tanong naman ni Fillan habang nakatanaw rin sa kalangitan gaya ni Noah.

"Isipin mo na lang kung magkaroon din ng buntot na umiilaw yung bituin, ang sagwa 'non tingnan!" Napahalakhak ng malakas si Noah pagkatapos. Sinabayan ito ni Fillan, hanggang sa pareho na silang naghalakhakan. Mayamaya pa'y napansin ni Fillan na pinagmamasdan na siya ni Noah. Wala itong kakurap-kurap at para bang binabasa nito ang laman ng isip niya.

"B-bakit?" usisa ni Fillan na bahagyang naiilang sa ginagawa ni Noah na pagtitig ng matagal sa kaniyang mukha, "May...dumi ba sa mukha ko? Nakakatakot kana kasing tumitig eh."

Bumangon si Noah sa kaniyang pagkakahiga sa damuhan at sumagot.

"Gusto mo bang sumama sa akin?"

Noong una ay hindi agad naunawaan ni Fillan ang nais iparating sa kaniya ni Noah. Ang buong akala lang niya ay may pupuntahan silang muli na bagong lugar.

"Sasama saan? Malapit lang ba 'yan dito?"

"Hindi!" Sagot sa kaniya ni Noah, "...sa amin! Gusto mo bang sumama na lang sa akin? P'wede kang tumira kasama ko."

"Ha?" Napabangon na sa pagkakataong iyon si Fillan at nilinaw sa ikalawang pagkakataon ang sinasabi ng kausap.

"A-ako? Sasama? Titira ako....kasama mo? Sa Inyo?"

"Oo, seryoso ako! P'wede naman sigurong gawan ng paraan iyon."

"S-saan naman? Sa syudad ba? Sa ibang bayan?"

"Hindi dito." Ang nakangiting sagot ni Noah, "Doon!" Itinuro ni Noah ang langit. Tumingala naman si Fillan, at ang buong akala niya na itinuturo ni Noah ay ang mga naglalakihang ulap sa kalangitan.

"Hahaha!" Napatawa si Fillan at saka siya sumagot, "Paano tayo titira sa mga ulap? Hindi ko alam na sobrang lawak pala ng imahinasyon mo?"

"Ano ka ba!" Kontra ni Noah, "Hindi naman mga ulap ang tinutukoy ko eh, ang Agrivan."

Doon na tuluyang natigilan si Fillan. Muli siyang tumingin sa langit kung saan unti-unting hinahawi ng malakas na hangin ang mga ulap na tumatakip sa kabuuan ng Lupain ng mga Pinagpala.

"N-Noah?" Paunang sambit ni Fillan, "Isa ka bang...?"

"Oo, Fillan. Isa akong Blessed One."

Doon na nagsimulang pumagitna sa kanilang dalawa ang mahabang katahimikan.

"Ayaw mo ba?" Ito lang ang bukod-tanging nasabi ni Noah para basagin ang kumakapal na katahimikan sa pagitan nila ni Fillan.

Code ChasersWhere stories live. Discover now