Special Chapter 1 (Before the Wedding)

2.3K 39 4
                                    

[ADDED CHAPTER]

***

"EH ma'am. Hindi naman po kailangang magarbo ang kasal. Okay lang naman po sa akin ang simple. Iyong tayo-tayo lang.'' Sabi ni Impress nang makita ang kaniyang mamanugangin na hindi mapakali habang inaasikaso ang kakailanganin sa gaganaping kasal.

''No no. Impress dear. Everything must be perfect. Minsan lang tayo maikasal sa buhay natin. Kaya dapat, lubos-lubosin na natin. And please...call me mom or mama. Ikakasal naman kayo ni Alexander eh.'' Masayang sabi nito. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga na lang.

''Impress, can you please call Alexander to his office? Kailangan niyo kasing pumili kung anong motif, cake and etc. para sa kasal niyo.''

Habang naglalakad papuntang opisina ni Alex ay hindi niya maiwasang mapaisip. Kung paano nga ba siya humantong sa kinalalagyan niyang sitwasyon ngayon.

Una, ang pagkawala ni Kairon sa mall na siyang naging dahilan para magkita silang muli ni Alex. Pangalawa, ang pagbayad ng upa ni Alex sa inuupaan nilang apartment. Pangatlo, ang pag-imbita ng mga magulang ni Alex sa kanilang mag-ina na naging dahilan para umabot sila sa sitwasyong kailangan pa nilang magpakasal sa isa't-isa.

''ALEX mah men. Hindi ko alam na ikakasal ka na pala. Hahaha. Kung hindi ko lang naabutan ang pag-uusap ni tito Xander at ni ama dito sa bahay, hindi ko pa iyon malalaman. Hahaha.'' Pang-aasar ni Kael sa kabilang linya. Kaya naman napa-irap na lang siya sa kawalan dahil dito.

''Wala ka na 'dun. At pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang guluhin mo.'' Sabi niya habang hilot-hilot ang sintido sabay baba sa hawak-hawak na telepono.

*Knock! Knock! Knock!*

''Come in."

Ilang saglit lang nang sabihin niya iyon ay napakunot-noo na lang siya nang biglang sumulpot ang ulo ni Impress sa pagitan ng pinto at pintuan.

"Ahm, Alex? Baba na daw. Dumating na kasi ang wedding organizer at ngayon tayo pipili sa kung ano ang motif ng...'' hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo at lumakad papunta sa kinaroroonan ng babae.

''Let's go?'' Nakangiti niyang anyaya dito pero ilang sandali pa ay wala siyang natanggap na tugon mula dito. At nang tingnan niya kung ano ang ginagawa ng dalaga ay naabutan niya itong nakatungangang nakatingin sa mukha niya.

"Ganoon ba ako kagwapo sa paningin mo at pati laway mo ay tumutulo na?" Nakangisi niyang pang-aasar dito sabay lapit ng kaniyang mukha.

SANA palagi na lang siyang ngumingiti. Ang gwapo!!" Isip-isip niya habang nakatingin sa mukha ng kaharap. Ito ang unang beses na ngumiti ang lalaki sa harap niya. At lalong-lalo na, dahil sa kaniya.

"Ganoon ba ako kagwapo sa paningin mo at pati laway mo ay tumutulo na?"

Doon na siya bumalik sa huwisyon ng magsalita ang binata habang nakangisi. Kaya naman wala sa sarili niyang pinunasan ang gilid ng kaniyang labi.

"Hahahaha!" Tawa ni Alex habang hawak-hawak ang tiyan na kulang na lang ay gumulong na ito sa sahig.

"Anong nakakatawa?" Nagtataka niyang tanong kay Alex at maya-maya lang ay doon na niya napagtanto ang isang bagay.

"Aish! Bw*s*t ka! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Bulyaw niya sabay walk-out.

"Impress! Hintayin mo ako! Promise... hindi na iyon...pft...mauulit!" Napa-irap na lang siya ng marinig ang sigaw ni Alex mula sa silid na kinaroroonan nito. Halata namang hindi ito seryoso sa sinasabi dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Oh Impress. Bakit ganiyan ang mukha mo? Nasaan si Alexander?" Nagtatakang tanong sa kaniya ng mamanugangin nang makitang nakakunot ang kaniyang noo pagkababa niya.

"Ano po ba ang gusto niyong motif ng kasal ninyo? Church wedding po ba o ano?" Tanong sa kanilang dalawa ng isang dalaga habang may hawak-hawak itong papel at lapis.

"Pwede bang church wedding na lang? Baby, what do you think?" Napalunok na lang siya sa sariling laway nang tawagin siya nitong baby. Isama pa ang pagngiti nito sa kaniya.

"Ahm...ah...yes. Church wedding." Wala sa sariling sabi niya.

"Okay...sa motif po?"

"Impress...are you okay?" Tanong sa kaniya ni Alex nang mapansing wala na naman siya sa sarili.

"A-Ano iyon?"

"Ang sabi ko...maganda ka na sana pero bingi lang...o-ouch!" Bigla na lang niya itong nakurot sa braso nang magsimula na naman siya nitong asarin.

"Aish! Pwede bang sa motif, combination of red and white?" Nakangiti niyang sabi habang kurot-kurot pa rin ang braso ng katabi.

"Okay. Eh sa inyo sir?"

"Ye-Yeah yeah. Red and white it is. I-If that is what my baby wants. O-Ouch!" Hiyaw nito nang mas diinan niya pa ang pagkakakurot dito. Hindi kasi niya maiwasang kiligin ng sabihan na naman siya nito ng baby. Landi lang.

"Sa mga flowers po?" Tanong ulit ng organizer habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa na tila ba naaaliw sa pinaggagawa nila.

"Red roses and white tulips." Sabay nilang sambit sabay harap sa isa't-isa. Isama pa ang pagngiti nila na tila ba sayang-saya sa kanilang sinabi. Pero nang mapagtanto ang pangyayari ay sabay din silang nag-iwas ng tingin at saka itinuon ang pansin sa taong kaharap nila.

"Hahaha. Such a cutie couple." Puri sa kanila ng organizer at bahagya pang natawa habang siya naman ay napayuko na lang para maitago ang pangangamatis ng mukha.

Habang naglalakad papasok sa kwarto nila ng anak ay bigla na lang may humigit sa kaniya papasok sa isang kwarto na siyang nagdulot ng kaba sa kaniyang dibdib.

"So, how's it?'' Salubong na tanong sa kaniya pagkaharap na pagkaharap niya. At doon siya nakahinga ng maluwag nang mapagtantong ang ina ni Alex ang kaharap.

***

-TBC

(A/n: Maraming salamat sa mga bumasa, nag-add sa kanilang reading list, nagvote, nagcomment at nagfollow. It is very appreciated. Nu ba yan naiiyak na ako. Haha. Once in my life may naka-appreciate na sa ginawa kong kwento. No word can explain how happy I am because of this. And once again... Salasalamat apo.  Iyaman.^_^)

VOTE. COMMENT. FOLLOW. BE A FAN.

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now