♥DMDB 19: Missing Her!♥

2.1K 52 4
                                    

DMDB 19:Missing Her!♥

***

''Mr. Rukawa...Alam nyo naman po kung bakit namin kayo pinatawag diba?'' Mahinahong sabi ng disciplinary officer kay Alex habang nakatingin ito sa kanya kaya napatango na lang siya bilang tugon.

''Hindi po namin alam kung anong mangyayari sa bata nitong mga nakaraang araw pero palagi na lang syang nakatulala, wala sa sarili at napapa-away. Meron nga syang kaklase na pinagsusuntok nya kanina lang kaya naisugod na namin ito sa hospital. Sinubukan din namin syang kausapin pero wala syang bukambibig kundi...Hindi daw sya iniwan ng nanay nya.''

Napapikit na lang ng mariin si Alex at saka hinilot ang sintodo ng marinig ang sinabi sa kanya. He can't believe Kairon would turn out like this dahil sa hindi nya maiharap dito ang kinikilalang ina.

Alam nyang may alam na ito sa nangyari sa kanilang mag-asawa pero nananatiling nakatikom ang bibig nito. Pero sa tuwing nagtatanong ito kung nasaan ang ina ay palagi nyang inirarason na pumunta lang ito sa ibang bansa at may inaasikaso.

But he knows he can't fool his own son. Bata pa ito pero matalino na. Kaya sa tuwing matatapos sya sa pagsagot sa tanong nito ay tatahimik lang ito at hindi na magtatanong pa.

''Kairon...be honest to me. Okay ka lang ba?'' Tanong nya sa anak pagkauwi na pagkauwi nila sa kanilang tahanan. Pero hindi ito sumagot at tinitigan lang ang kamay na may benda habang nakayuko. Kaya malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago magtanong ulit.

''Ito na lang...bakit mo pinagsusuntok ang kaklase mo kaninang umaga?'' Mahinahon nyang tanong habang nakatingin sa anak. Pero kagaya kanina, wala pa rin.

***

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa hindi nya namamalayang isang linggo na pala ang nakalipas simula nung umalis si Impress. Pakiramdam nya kasi ay ilang buwan na yun.

Bawat sigundong lumipas, para nang oras. Bawat oras parang araw. At bawat araw para nang linggo na nyang hindi kasama si Impress.

Pero bigla na lang pumasok sa isip nya si Kairon. Simula nung umalis si Impress, ang laki na din ang pagbabago sa ugali at kilos nya. He didn't even listen to Alex.

''Aleng Marta, pakisabi po kay Mang Andres na wag na nyang sunduin si Kairon ngayon. Ako na lang po ang bahalang sumundo sa kanya.'' Tawag nya sa kanilang katulong at saka nya ibinaba na ang telepono para umalis na ng opisina.

***

''Isabel...nakita mo ba kung saan si Kairon?'' Tanong nya sa anak ni Axon ng makita itong parang iiyak na habang naglalakad.

''T-Tito...si Kairon po kasi.'' Sumbong nito at tuluyan ng humagolgol sa harap nya na syang nagpakunot ng noo nya. Hindi nya din alam pero bigla na naman syang kinabahan ulit.

''Why? What happened?'' Puno ng pag-aalalang tanong nya sa bata pero dahil sa pag-iyak ay hindi nito masambit sambit ang tanong nya at may itinuturo itong diresyon papuntang eskinita.

Sa sandaling yun, kaagad syang naglakad papasok para makumpirma kung nakikipagbasag ulo na naman ito.

Habang naglalakad sya papasok, bigla na lang syang parang nabato sa kinatatayuan nang makita nya ang isang babaeng nakatayo di kalayuan sa kanya. Nakatakip ito sa bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanang direksyon.

Nang ibaling nya ang paningin doon ay napasinghap na lang sya ng masaksihang nakikipagsuntukan si Kairon sa mga tatlong bata na mas malaki pa dito.

''Stop that!'' Dun na nya nakuha ang attention ni Impress nang sambitin nya ang mga katagang yun. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at para bang napako ito sa kinatatayuan dahil sa hindi man lang sya gumalaw.

Pero ang hindi nya inaasahan ay ang pagkatumba nito. At bago pa man dumeretso ang katawan nito sa sahig ay maagap na nya itong sinalo.

Nang ibaling nya ulit ang pansin kina Kairon ay naabutan nya itong nakatingin sa kanila. Mababakasan din nang pag-aalala ang itsura nito habang nakatingin sa itinuturing nitong ina.

''Mama!''

***

-TBC

@assasin05

Comment, vote and follow is highly appreciated.

Ps.GGeraldinous alam kong nagbabasa ka. Vote pls. ^.^

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now