♥DMDB 14: Biatch!♥

1.8K 39 1
                                    

♥Chapter 14: Biatch!♥

***
Isang linggo na ang nakakalipas nang gabing yun. Simula nun, hindi na nya kinausap pa si Alex. Para saan pa naman diba?

Habang papunta syang powder room ay napahinto na lang sya dahil sa biglaang pagtibok ng kanyang puso. Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng kaba.

Pagkapasok nya sa loob ng banyo, napukaw ng kanyang pansin ang babaeng nasa loob at nakaharap sa malaking salamin. Kapansin-pansin ang pula nitong bestida na hapit na hapit sa katawan nito.

Napayuko na lang sya nang mapagtanto kung gaano kalaki ang agwat nilang dalawa. Mula ulo hanggang paa, masasabi kung gaano kayaman at kataas ang antas nito sa lipunan.

Napataas pa ang kaliwang kilay nito nang mapagtantong hindi lang ito ang nasa loob ng banyo. Dumapo pa ang tingin ng babae sa kanya. Mula ulo hanggang paa. Napangisi pa ito na parang nang-uuyam.

''You know what, you don't belong here.'' Napatigil sya sa paglalakad papuntang unang cubicle nang magsalita ang dalaga. Pansin nya kung gaano kadiin ang pagsambit nito sa mga katagang yun. Hindi na nya kailangan pang lumingon dito para makita kung gaano katalim ang tinging ipinupukol nito sa kanya.

Just by how she speaks the words she said, she can taste bitterness. Ramdam nya ang hinanakit sa mga tinging ipinupukol nito sa kanya.

''A-ano ang...''

''Hindi ka naman pala ganun kaganda. Tss.'' Nakataas ang kilay na sabi nito at saka pabalibag na isinara ang pintuan may kasama pang irap.

'Anong problema nun?'

***
Habang naglalakad sya papuntang kinaroroonan ni Alex kasama ang parents nito, napansin nya ang babaeng katabi ni Alex. Para itong tuko kung dumikit sa kanya.

Habang ang magulang naman ni Alex ay kitang-kita ang pagka-disgusto sa mga mata ng mga ito dahil sa nakikita. Pero ang babae ay parang walang paki sa kanyang paligid at patuloy pa rin ito sa pagdikit kay Alex.

Pagkakita ni Impress sa mukha ng babae, ganun na lang ang ang paglaki ng mata nya nang mapagtanto kung sino ito.

'What is she doing here?'

Dahil sa nakikita, nagpasya na lang syang umalis. Pero pipihit sana sya patalikud nang tawagin sya ng ina ni Alex.

''Impress hija, come over here!'' Nakita nyang natigilan si Alex nang tawagin sya ni Tita Almira. Dahan-dahan syang lumapit sa kanila kaya napalingon sa kanya si Alex. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.

Para namang sinaksak si Impress sa kanyang puso dahil sa pinapakitang ugali ni Alex sa kanya. Parang wala din kasi itong paki-alam sa kanyang nararamdaman.

''G-good evening p-po.'' Nakayukong bati ni Impress sa kaharap. Ayaw na kasi nyang magtagpo ang mga mata nila ni Alex. Baka mas lalo pang madagdagan ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang natutunghayang ginagawa nila.

''Mama!'' Automatic na napaupo sya nang matuwid ng marinig ang boses ng anak sa may pintuan ng restaurant. Pagkalingon nya sa anak ay di nya ito nakita sa may pintuan kundi naabutan nya ito sa kinaroroonan ng ama at ni Beatrice.

Napatayo pa sya sa kinauupuan nya nang matunghayan kung paano nito inalis ang pagkakahawak ng kamay ni Beatrice sa kamay ng ama at kung paano nito ibinuhos ang isang basong wine sa damit ng dalaga.

''Oh my gosh!'' Pagtitili ni Beatrice habang pinupunasan ang damit. Dahil sa pangyayari, napayuko na lang sya sa kinatatayuan nya. Di nya alam kung ano ang gagawin.

Pero pagka-angat nya sa kanyang paningin, napakuyom na lang sya sa kanyang kamao dahil sa nasaksihan.

''Let go of my son.'' Sambit nya dahil sa paghawak ni Beatrice sa magkabilang braso ni Kairon. Kitang-kita pa ang pagbaon ng koko nito sa braso ng bata.

''Shut up you bitch! At Ikaw na bata ka, epal ka eh. Kung mawala ka na sana...''

*PACK!*

''Kanina ka pa eh. Kung ang asawa kong nilalandi mo ay natiis ko... iba nang usapan kung ang anak ko na ang nadawit dito. You don't have the right to hurt my son!'' Marapos ko syang sampalin at sabihin ang mga katagang yun ay dun na sya bumitaw sa pagkakahawak sa anak ko.

''HOW DARE YOU!...'' sasampalin na sana nya ako pero...

''Bea! Enough is enough!'' Mariing sambit ni Alex at saka nya ito hinawakan sa braso papuntang entrada ng restaurant.

''And... Impress... mag-usap tayo mamaya.''

***

-TBC

@assasin05

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now