DMDB 03: Alexander Rukawa

2.9K 76 23
                                    

[Edited]

This chapter is dedicated to HiroYuu101

DMDB 03: Alexander Rukawa

***

''GOOD morning, sir!'' Matuwid ang tayong bati ng guard kay Alex nang makita itong naglalakad papasok sa Rukawa Empire. Pero hindi na ito pinansin ng binata at deretso lang na naglakad papuntang private elevator.

Mararamdaman din ang pagiging strikto nitong leader. Katulad na lang ng isang Emperor siya maikukumpara. At higit sa lahat, ang awra nitong nagpapakaba sa mga taong nakakaharap.

''Good morning, sir!'' Malanding sambit ng isa niyang empleyada habang nakasakay siya sa  private elevator. Pero hindi na lang niya ito tinapunan ng tingin.

Nagtataka pa nga ang binata kung bakit kasabay niya ito sa elevator. Ang nagmamay-ari at mga board members lang kasi ang pwede doon.

'Strike one!' Sabi niya sa kaniyang isipan. Kung bakit niya ginagawa iyon, walang nakaka-alam. Hindi ko nga din alam eh.

''You know what, I'm just wondering! Bakit hindi ka pa ikinakasal? I can apply as your sweet and caring house wife!'' Sabi nito. Humarap pa ang babae sa binata sabay hawak sa kurbata nito. Pinapa-ikot niya ito sa kaniyang kanang pointing finger. And to state the fact, she's obviously flirting with her boss. Tss!

'Tss! Strike two!' Kahit na anong gawin ng babae, hindi pa rin siya pinapansin ng binata at hinigit niya ang kamay ng babae sa pagkakahawak sa kurbata niya.

Tila nainis naman ang babae nang gawin iyon ng binata. Kaya naman naglakas loob siyang ipinalibot ang kaniyang dalawang braso sa batok ng binata. At hinapit pa si Alex palapit sa kanya.

'That's it! Strike three!'

''You know what Ms. Cruz...'' bahagyang pang nabigla and dalaga nang sambitin ni Alex ang apilyedo nya. Sino ba naman ang hindi kung ang boss mo ay alam ang pangalan mo?

Pero nadismaya ang dalaga ng mapagtantong sa kaniyang name plate ito nakatingin.

''You're... such a... bitch! Get out of my sight! You're fired!'' Kalmadong sabi ni Alex sa dalaga. Napamulagat na lang ang dalaga nang mapagtanto niya ang sinabi ng binata sa kaniya.

''W-what?'' Halos hindi makapaniwalang sambit ng babae.

''Didn't I make myself clear?'' Mas lalo pang dumilim ang awrang bumabalot kay Alex matapos nyang sabihin iyon. Kaya naman dahil sa takot, nagmadaling umalis ang dalaga pagkabukas na pagkabukas ng elevator.

''Good morning, Mr. Rukawa!'' Nakakalukong bungad ni Kean sa kaniya at may kasama pang ngisi. Kaya pinasadahan siya ng masamang tingin ni Alex bago umupo sa upuan niya.

''What the f*ck do you need?'' Tanong niya habang binubuklat ang mga papeles na nakapatong sa lamesa.

''Hahaha! Sigurado ka bang ako ang may kailangan sa'yo o ikaw ang may kailangan sa akin?'' Makabuluhan nitong sabi sabay upo sa upuang nasa harapan ng lamesa. Kunot noong nag-angat ng ulo si Alex at nagtatanong ang tingin na humarap kay Kean.

''Diba may pinapagawa ka sa akin?'' Nakangisi pa rin nitong sambit.

''Tss! Can't you just go straight to the point?'' Halatang naiinis na wika ni Alex.

''Okay, fine! Ahm... about this Impress girl...'' pabitin niyang sambit. Habang pinipilit na itago ang ngisi sa labi niya.

''What about her?'' Interisadong tanong ni Alex sa kaniya. Umupo pa ito ng tuwid.

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now