♥DMDB 17: Secret revealed!♥

2K 39 4
                                    

♥DMDB 17: Secret Revealed!♥

***

''Pa! You need to bring back my mama. Pa! Pa!'' Napapikit na lang si Alex ng mariin ng marinig ang pagsusumamo ni Kairon sa kanyang harapan.

Isang linggo na ang nakalipas at simula nun ay wala na syang nabalitaan patungkol sa asawa. At hindi din nya makalimutan ang sulat na nabasa nya mula dito.

Flashback!!!

Alex,

Sorry ha? Sorry sa pang-iiwan ko sa'yo. Hindi na kasi kaya pa ng konsensya ko...hindi ko din kasi kayang makulong sa isang loveless marriage. Pero sorry Alex. Mas pinatagal ko ang lihim kong ito. Hindi ko kasi kayang mawalay kay babyKairon. Mahal na mahal ko na ang bata. At maniwala ka man sa hindi, napamahal ka na din sa akin.

Mahal na mahal kita Alex. At sana...mapatawad mo ako sa ginawa kong ito. Just always remember the four letters I have told you and baby Kairon.

Alam mo ba...hindi ko talaga anak si baby Kairon. Anak sya ng nakakatanda kong kapatid. Si ate Queenie ko. Ang nag-iisa kong kapatid na kasa-kasama ko simula ng mamatay ang mga magulang namin noon. Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Ang pag-amin nyang nagdadalang tao sya at ang pangalang Alex Rukawa lang ang sinabi nya bago sya malagutan ng hininga.

Alam Kong mali ang ginawa kong ito sa iyo at sa pamilya mo. Pero wag kang mag-alala. Hindi ako magmamahal ng iba...kung hindi din naman ikaw yun.

I love you and baby Kairon, until my last breath.

Love,
Christine Impress Key

'How can I even forget you kung tumatak ka na dito sa isip, puso at kaluluwa ko Impress?' Sabi ng kanyang isipan habang nakatitig sa kawalan. Pero ang hindi nya inaasahan ay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang kamay.

'Oh god...what have I've done to deserve this kind of situation?' Isip-isip nya habang hawak-hawak ang sulat na ibigay sa kanya.

Ilang oras pa ang nakalipas pero nananatili pa rin syang nakatitig sa papel...he doesn't even know kung gusto pa ba nyang bumangon kinabukasan at ipagpatuloy ang kanyang buhay.

''Sir Alex! Sir Alex!'' Sigaw ng kanilang mayordoma sa labas ng kanyang silid habang malakas na kinakatok ang pintuan. Pero parang wala syang naririnig at patuloy Lang sya sa pagtitig sa papel na hawak-hawak nya.

Pero lumipas ulit ang ilang minuto at mas lumakas ang katok sa kanyang silid. He even hear that the voice coming outside his room is not a voice of only one person but...

''Alex! What the hell are you doing in there?! Please go to the hospital right now! Isinugod doon si Kairon!'' Halos liparin na nya ang distansya mula sa kanyang kwarto papuntang garahe at saka mabilis na pinaharorot ang kanyang kotse paalis.

'Kairon...'

***

''Impress, tama na yan...'' pag-aalo ni Marco sa kasama dahil sa walang tigil nitong pag-iyak simula nang dumating sila sa Summer Capital of the Philippines which is in Baguio.

''Marco...I think, I just made the biggest mistake of my life.'' Sabi nya habang humahagolgol sa pag-iyak.

''Life is a choice Impress...and you have chosen to leave them because...you are afraid to take all the consequences of the actions and decisions that you make.'' Mahinahon kong sabi at saka naglakad na paalis ng kwarto para maiwan syang mag-isa at makapag-isip ng maayos.

***

-TBC

@assasin05

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now