DMDB 02: Baby Kairon

3.2K 74 27
                                    

[Edited]

This chapter is dedicated to 3Idiots_JJS

DMDB 02: Baby Kairon

***

*...5 Years Later...*

''WHAT do you wanna eat Baby Kairon?'' Tanong ni Impress sa batang kasama niya habang nakaupo sila sa may bintana ng fast-food chain.

''Ma, I don't have the appetite!'' Walang ganang sagot ni Kairon habang nakatotok ang paningin sa mag-asawang inaalagaan, sinusubuan at pinapasaya ang anak nilang babae na kaedad rin ni Kairon.

''Baby Kairon, gusto mo...subuan kita?'' Nakangiti pa ring tanong niya sa bata.

''No need, Ma.'' Sagot ni Kairon sa ina. Kahit pa apat na taon lang ito, parang sampo o higit na kung mag-isip.

''Gusto mo, tawagin natin ang tito Marco mo?'' Pangungumbinsi niya dito. Alam kasi niyang malapit ang bata at si Marko. Manliligaw niya ito ng higit isang taon na.

Matapos niyang sabihin iyon, bigla na lang nagliwanag ang mata ng bata.

''Sure!'' Pumapalakpak pang sabi nito. Kung titingnan, parang suplado at hindi ito namamansin pero masayahin siya sa mga taong malalapit sa kaniya.

*Tring! Tring! Tring!*

'Hello?' Patanong na sagot nito sa tawag. Hindi na atah nag-abala pang tingnan ang pangalan ng caller.

'Hey, it's Impress! May gagawin ka ba ngayon?' Alanganing tanong ni Impress. Ayaw kasi niyang abalahin ang tao pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Ito ang gusto ng anak eh! Haay!

'Sorry, but I can't... I'm on a business meeting today!' Halata sa boses nito ang panghihinayang dahil sa hindi ito makakapunta.

'N-no! It's okay!' Maagap niyang sagot.

'O-okay! I have to go. Sorry talaga ah?' Hinging paumanhin nito.

'It's okay! Bye!' Impress said politely and then hang up the phone. Nang bumaling siya sa anak, bumungad sa kaniya ang nakasimangot na mukha ni Kairon.

''Let me guess, he won't come. Does he?'' Tanong nito sabay tayo at deretsong naglakad palabas ng fast-food chain. Dahil sa pagmamadali ng anak, hindi na niya tuloy alam kung ano ang uunahin niya.

Lalabas na sana si Impress pero may humarang sa kaniya. Isa sa mga waitress ng pinagkainan nila.

''Ma'am, hindi pa po kayo nakakapagbayad.'' Dali-dali naman niyang kinapkap ang wallet sa bag niya at dumukot ng isang-libo sabay abot sa waitress. Pero nang lingunin niya ang anak, hindi na niya ito mahagilap pa.

''Baby Kairon, where are you?'' Mangiyak-ngiyak niyang sambit habang inililibot ang mata sa kabuoan ng mall. Halos isang oras na siyang naglilibot sa boung mall pero hindi pa rin niya mahanap-hanap ang anak.

''Please guard, f-find my son!'' Pagsusumamo niya habang nakaupo sa upuan ng guard's main office. Isang oras na ulit ang nakalipas pero hindi pa rin mahanap si Kairon kaya humingi na siya ng tulong sa mga guard.

''Miss, ilang oras na ba sya nawawala?'' Tanong ng kaharap niya.

''M-may dalawang oras na po.''

''Ano po ba ang itsura niya at ano po ba ang kulay ng damit niya?''

''He's wearing ang white long sleeve polo, black jeans and shoes. Hanggang sa waist ko lang sya. And he's already four years old.''

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon