DMDB 01: Christine Impress Key

5.2K 96 18
                                    

[Edited]

This chapter is dedicated to hyurinshiro

DMDB 01: Christine Impress Key

***

''ATE Queenie, sigurado ka ba dito?'' Tanong ng isang babae sa kaniyang nakakatandang kapatid. Sumama lang kasi sya dito. In short, nadamay lang siya sa kabaliwan ng kapatid niya. Hindi kasi ito papayagan ng kanilang tita kung hindi sya sasama.

''Impress naman. Andito na tayo oh!'' Naiiritang saad ni Queenie. Gustong-gusto kasi nitong makita si Alex Rukawa. Ang ultimate crush nito.

''Ate. Ang gaganda naman kasi ng mga damit nila. At tingnan mo nga. Mayayaman ang mga nandito." Nahihiyang sabi ni Impress habang pilit na ibinababa ang kanyang above the knee dress na hapit na hapit sa hubog ng katawan nya.

''Seriously? Nakikita mo ba ang sarili mo?'' tanong ni Queenie sabay irap at saka niya hinatak ang kaniyang kapatid papasok ng club. Inimbitahan kasi sila ni Margo. Ang palaging kinikwento ng ate niya na kaibigan daw nito.

Kaya paniguradong may mga mayayaman din sa party. At hindi nga siya nagkamali. Kagaya na lang ni Alex Rukawa na nanggaling sa isang buena familia. Ang isa sa mga Hottest Bachelor in the whole business world. Local man o International.

''Oh Queenie dear. Buti at dumating ka.'' Nakangiting salubong sa kanila ng magandang babae. She is wearing her pink tube dress and four inch stiletto to complement her light make-up.

''Of course! Happy birthday nga pala Margo.'' Nakangiting ring bati sa kanya ni Queenie sabay beso.

''Oh! Is she your younger sister? She's so pretty.'' Sabi ng babae habang nakaharap sa kaniya. Niyakap pa siya nito na siyang ikinabigla niya.

''Yeah! Margo, meet Impress King. Impress, meet Margo Imperial.'' Sambit ni Queenie.

''N-nice to meet you po!'' Bahagya pa syang yumoko habang binabati si Margo.

''Haha. Your so cute. And please. Huwag mo na akong opohin. Nagmunukha na akong matanda eh haha.'' Sabi nito sabay pisil sa kanang pisngi ni Impress. Bahagya pa siyang yumuko para mapantayan siya. Tangkad eh.

Sino ba naman ang hindi tatangkad kung 5'5" ka na nga, magsusuot ka pa ng stiletto? Nakasuot lang kasi ng flats si Impress habang ang height nya ay 5'3" lang.

''So, let's go?'' Anyaya ni Margo at saka sila hinatak sa may mahabang lamesa sa harapan ng stage. Pagmamay-ari kasi ni Margo ang club kaya walang ibang tao kundi ang birthday celebrant, ang pamilya, relatives at mga kaibigan nito ang nandodoon.

''Guys, doon lang muna ako sa backstage ha?'' Pagpapaalam ni Margo sa kanilang dalawa matapos silang maihatid sa pwesto nila. Ilang sandali pa ang nakalipas at may isang baklang lumabas sa backstage.

''Hello world, and hello mga kapamilya. Ayos lang ba kayo dyan?'' Panimula ng baklang speaker. At ang mga tao naman ay naghiyawan din. (Halatang kapamilya ako eh noh? haha.)

''And for today's event, let us welcome our birthday celebrant and her twenty-fifth Birthday Presentation!''

Habang nakatutok ang paningin ng lahat sa stage, nagsimula nang tumugtog ang kanta at may pausok pa. Kasabay nun ang paglabas ng isang naka white cocktail dress na dalaga at nakapaa pa, Margo? Yes, it's Margo Imperial.

At may kasama pa itong lalaki na naka black slacks at white polo. Naka unbuttoned pa ang tatlong buttones nito kaya kitang-kita ang ilang parte ng dibdib.

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon