♥DMDB 15: Heartbreak!♥

1.8K 37 5
                                    

♥Chapter 15: Heartedbreak!♥

***

Pagkalabas na pagkalabas nina Beatrice at Alex sa restaurant, ay dali-dali namang lumapit ang mag-asawa sa kinaroroonan ng mag-ina. Tinanong kung may natamo bang sugat si Kairon sa magkabilang braso.

Pero pagkahawak na pagkahawak ni Impress sa braso ng anak ay umigik na ito sa sakit.

''A-aray, mama..." naluluhang tiningnan ni Kairon ang ina dahil sa hapdi na kanyang nararamdaman. Pagkakita ni Impress sa braso nito, dun na kumolo ang kanyang dugo para kay Beatrice.

''IMPRESS!'' sabay na sigaw ng mag-asawa nang sya ay mabilis na naglakad papuntang pintuan.

Nang makalabas sya ng restaurant, natagpuan nyang magkayakap ang kanyang asawa at si Beatrice. Habang ito ay umiiyak. Napangiti na lang nang mapait si Impress at pumihit patalikod para maglakad paalis.

'Siguro nga...malapit na akong umalis.'

***

*Ding! Dong!*

''Hi Impress.'' Nakangiting bati sa kanya ni Beatrice pagkabukas nya nang pintuan. 'Plastic!' Pero ang naka-agaw ng pansin nya ay ang akay-akay nitong lalaki.

Buti na lang at nakitulog ang anak nila sa kanyang manugang kaya hindi na sya nababahala sa presensya nito.

''A-Anong nangyari sa kanya?'' Sa oras na yun, gustong-gusto nyang batukan ang sarili dahil sa naitanong nya. Halata naman kasi kung ano ang nangyari. Ayaw lang tanggapin ng isip nya kung ano man yun.

Pagkakita Lang ng ayos ng dalawa...alam mo na kung ano yun.

''H-Hi wifey...'' Nakangiting bati sa kanya ng asawa. Halata na din na tinamaan nga ito nang alak dahil sa ugali at hindi na nito kayang tumayo pa.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Beatrice nang maibaling dito ang kanyang paningin. Idagdag pa ang mga mata nitong nanlilisik na nakatingin sa kanya.

Pero napalaki na lang ang kanyang mata nang higitin ni Beatrice ang kanyang asawa at agad itong sinunggabanng halik. Paghihiwalayin na sana nya ang dalawa pero nabato na lang sya sa kanyang kinatatayuan nang makita nyang hinahalikan pabalik nang kanyang asawa ang babae. Kaya pilit nyang hinigit ang asawa papasok.

''That's too sweet baby boy...'' pahabol na sabi ni Beatrice bago nya maipasok sa loob ang kanyang asawa. Pilit din nyang nilalabanan ang kanyang luha sa paglabas para di sya magmukhang talunan. Nang naipasok na nya ito at ibinaling ang mata sa kinaroroonan ni Beatrice....naabutan nya itong nakangisi.

''I can take what is mine bitch. Kaya huwag kang umasang mamahalin ka pa nya. Awa lang naman ang nararamdaman nya sa'yo dahil lang kay Kairon.'' Pang-uuyam nito sabay talikod sa kanya. Napakoyum na lang sya dahil dun at kanya nang pinuntahan ang kanyang asawa sa kanilang silid.

'Please god...just a little time.'

***

Nang makapasok sya sa kanilang silid...naabutan na lang nya ang asawa na mahimbing nang natutulog habang nakadapa sa kanilang kama.

''Beatrice...'' nabato na lang sya sa kanyang kinatatayuan nang marinig nya mismo sa bibig nang asawa ang pangalan ni Beatrice. Ang akala pa nya nung una ay isa lang ito sa mga pampalipas oras ng asawa pero mukhang nagkamali sya.

Imbes na si Beatrice ay sya lang pala ang pampalipas oras o libog. Napangiti na lang sya nang mapakla at tumingala para pigilan sa pagpatak ang mga luha na kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata.

Lumipas pa ang ilang oras pero hindi sya makatulog sa kakaisip kung ano ba ang dapat nyang gawin. Pero kung hihiwalayan nya ito...hindi atah nya kayang maihiwalay sa kanyang anak at lalong-lalo na sa asawa.

Iwinaksi na lang nya sa kanyang isipan ang mga iniisip at ibinaling na lang sa katabi ang kanyang pansin na kanina pa natutulog. Pagkayakap nya naman dito ay may ibinulong ito na syang nagpaluha ng tuluyan sa kanya.

''Impress...I'm sorry...''

His sorry for what? Sa pagpapa-asa sa akin o sa nangyayari ngayon sa buhay ko?

'He's sorry cause he just lied to.'

***

-TBC

Note: Waaah! Sabaw...sensya sa Ud ko...wala atang sense at ang ikli pa. Ang tagal ko pang hindi nag-ud... peace tau

@assasin05

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now