♥DMDB 10: Family Bonding!♥

2.3K 41 7
                                    

Chapter 10: Family Bonding!

***

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos ang isang linggong honeymoon nila. And everything turns good to the both of them.

''Ma, Pa!'' Sigaw ni Kairon habang tumatakbo papuntang kinaroroonan nila.

''Oh, baby! How's school?'' Nakangiting tanong ni Alex at dahan-dahang binuhat ang bata pasampang lap nya.

''Okay lang naman po. Nakakuha po ako ng five star sa school.'' Pagmamalaki ng bata sa ama. Ipinakita pa nito ang kanang braso.

''Good boy! Give me five!'' Masayang sambit ni Alex sabay lahad ng kaliwang palad sa harapan ni Kairon.

Habang nagkukulitan ang dalawa, halo-halo naman ang nararamdaman ni Impress habang pinapanuod ang dalawa. Saya na may halong pangamba.

''Where do you wanna go?'' Malambing na tanong nya sa anak. Gusto kasi nya itong mapasaya. Alam din naman kasi nyang ginagawa nito ang lahat para mapasaya silang dalawa ng kanyang asawa.

''Park! Amusement park!'' Bibo nitong turan. Napapalakpak pa ito dahil sa excitement. May kasama pang puppy eye para mapapayag silang dalawa.

'Cute!' Isip-isip nya habang pinagmamasdan ang bata.

***

''Ma, Pa, pwede po bang dun tayo?'' Masayang sambit ni Kairon habang hawak-hawak ang kamay nina Impress at Alex. Pilit namang itinatago ni Impress ang ngiti dahil sa ngayon na ulit nya naramdaman ang magkaroon ng pamilya mahigit twenty taon na ang nakalipas.

Simula nang mamatay ang kanilang magulang mula nang bata pa sila at sumunod ang nakakatandang kapatid limang taon na ang nakakalipas.

''Hey, are you okay?'' Tanong ni Alex sa kanya nang mapansin nitong malalim ang kanyang iniisip.

''O-okay lang ako.'' Sabi ni Impress sabay angat ng tingin sa kaharap. Pero muntikan na syang matumba ng makitang sobrang lapit ng mukha ni Alex sa kanya kaya naman bigla syang napa-atras. Buti na lang at maagap na ipinulopot ni Alex ang kanyang kanang bisig at hinapit ang asawa palapit sa kanya.

''Don't do that again will you?'' May halong inis na turan ni Alex habang mataang nakatitig sa kanya.

*Dugdug! Dugdug! Dugdug!*

Halos hindi na makahinga ng maayos si Impress dahil sa bilis ng kanyang puso. Idagdag pa ang pagkakatitig ni Alex sa kanya na parang gusto syang kainin sa sandaling yun.

''S-sorry.''

***

*Dugdug! Dugdug! Dugdug!*

Halos hindi na makakilos si Alex dahil sa bilis ng tibok ng puso nya. Lalo na ng magtama ang kanilang mata. Mula sa pakikipagtitigan sa mga mata ni Impress ay bumaba ito papuntang labi ng asawa. Napalunok na lang sya ng wala sa oras ng dahil dun.

''S-sorry.'' Doon na sya nabalik sa kasalukuyan ng magsalita ito. At sa sandaling 'yun na rin nya napagtantong nakahawak rin sya sa baywang ng asawa.

''O-okay lang yun. T-tara na? Baka mawala s-si Kairon.'' Sambit ni Impress at saka kumawala sa pagkakahawak niya sa baywang nito.

Pagkaharap nilang dalawa sa kinaroroonan ni Kairon, naabutan nila itong may kausap na isang batang babae. Mukhang hindi pa magkasundo ang dalawa dahil sa halos magkasalubong na ang kilay ni Kairon habang ang batang babae naman ay parang papatak na ang luha kahit na anong oras.

''Kairon!'' Pagalit na tawag ni Impress sa anak. Napaharap naman si Kairon sa kanilang dalawa. Mababakas na rin ang kaba sa mukha nito.

''M-ma.'' Nakayukong sambit nito at pati sa boses ay kapansin-pansin ang kaba.

'Ay nako. Ano na naman ba ang pinaggagawa ng batang ito?' Tanong ni Impress sa sarili habang hinihilot ang sintido. Matiim din ang titig sa anak na tila ba hinihintay ang sasabihin nito.

Nang mapansin ni Alex ang tingin ng asawa, napadako na rin ang paningin nito sa dalawang batang kaharap.

''Ma, I didn't mean to...'' hindi na naituloy ni Kairon ang sasabihin ng putulin ito ng batang babae.

''He got my toy!'' Malakas na sumbong ng bata sa kanilang dalawa. Maluha-luha pa rin ito habang nakatitig ng masama kay Kairon.

''Kairon? Give it back to the little girl.'' Magkasalubong ang kilay na utos ni Impress sa anak.

''But I'm the first who got it.'' Pagmamatigas na sambit ni Kairon. Itinago pa sa likuran ang laruang robot.

''And I'm the first who saw it!'' Pagmamatigas rin ng batang babae habang nananatili ang masamang tingin kay Kairon.

''It doesn't matter. Hindi na importante kung sino ang unang nakakita. Ang mas importante ay kung sino ang unang nakakuha.'' Mahabang pahiwatig ni Kairon na syang halos magpanganga sa mag-asawa. Hindi kasi nila alam na malawak pala ang pananaw nito sa buhay kahit na bata pa lang ito.

''I don't care! What is mine is mine!'' Saad ng batang babae sabay sabunot kay Kairon.

''Shit!'' Mura ni Alex at dali-daling pumagitna sa dalawang bata.

''Isabella!'' Sigaw ng isang lalaki di kalayuan sa kinaroroonan nila. Lumingon naman si Impress dun at bumungad sa kanyang paningin ang lalaking kasing katawan, kasing tangkad at gwapo din kagaya ng kanyang asawa.

''Rukawa?'' Patanong na sambit nito sa pangalan ni Alex. Kaya lumingon sya sa kanyang asawa at bumungad sa kanya ang seryoso nitong mukha.

''Fuentes.''

***

''So, kumusta na?'' Tanong ni Axon kay Alex habang magkasama nilang pinapanuod ang kanilang asawa at anak na naglalaro sa isang banda ng park.

''Didn't expect to have a family.'' Nakangiting usal ni Alex.

''Same as to me with Isabella and Diana.''

''Tay, laro tayo?'' Tanong ni Isabella sa ama habang hinihila-hila pa ito sa pagkakaupo.

''Game.'' Masayang tugon ni Axon sa anak.

''Ahm, tito Alex. Makipaglaro din po kayo kay Kaikai. Ang init ng ulo eh. Parang ipinaglihi sa sama ng loob.'' Napatawa na lang si Alex sa sinabi ng bata at saka tumayo na para tumungo sa kinaroroonan ng mag-ina.

''Enjoy po!'' Sigaw ni Isabella sabay kindat kay Kairon ng magtama ang paningin nilang dalawa. Namula naman si Kairon sa ginawa nito kaya dali-dali syang tumalikod para itago ang pamumula ng pisngi.

***

-TBC

@assasin05

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Where stories live. Discover now