S.U. 16 Marketing Event

Começar do início
                                    

"Good. Ano pang kailangan mo?" 

"None, your presence will be helpful." Weh? Hindi nga? O nagpapa-impress ka lang ata kay mommy.

"Fine. Akala ko kaya mo naman mag-isa, kailangan mo pa pala ako." Sagot ko sa kanya.

"Yup I can manage, I don't need you but you need me.  Paano ka naman makakakuha ng good grade kung hindi kita i-involve dito? You know, only me can impress customers."

"Mr. Smug ang hangin mo! Umalis kana nga dito!"

"Haha, so siya pala ang partner mo sa marketing project sweetie?" Biglang sabi ni mom, oo nga pala naikwento ko sa kanya about kay Mr. Smug.

"Yes Mrs. Sandberg."

"Oh I see. Finally I met you." 

"Mom!" Bakit parang excited pa si mommy.

Pagkatapos ng isang oras na puro kwentuhan at about project ang usapan...

"Thank you for visiting my daughter. Pwede ka ulit bumalik anytime. Iwan ko na muna kayo." Sambit ni mom. Pwede daw bumalik? Sabi na nga ba, nakuha niya ang loob ni mommy.

"Caiden, what do you really want at nagpunta kapa dito?" 

"You" Mabilis na sagot niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang sinasabi niya.

"What? Me?" Pagulat na tanong ko sa kanya.

"Yes, I need you." Parang ang init ata, ang init ng mukha ko.

"Don't blush Ms. Zoe, I need you for our project only, that's all." Oh my, ano na naman bang kalokohan to! Bakit ko binibigyan ng ibang meaning ang sinasabi niya! 

"You look dissapointed. Ano bang inaakala mo?" At unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"None! Get away!" Nakakainis, napahiya ako dun ah!

"I just went here to inform you about the details of our booth. Ayoko naman na walang alam ang partner ko sa mga gagawin sa event. Kahit wala akong pakielam sayo, ayoko namang ta-tanga tanga ka dun."

"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo diyan. Ang kapal ng mukha mo! Huwag na huwag kana bumalik dito!" Napansin ko namang napangiti ulit siya.

"See you on Monday. Have a rest, mukha ka talagang may sakit. Ang panget mo!" Sabay talikod niya na sa akin.

"Hoy Mr. Smug bawiin mo nga yang sinabi mo!" Ako panget? Ako tanga? Ang kapal!

"Bye Ms. Dull!" Sigaw niya sa akin habang naglalakad palayo.

Dull? What the heck!

MONDAY - MARKETING EVENT

THIRD PERSON'S POV

Nakaayos na sa gilid ng unibersidad ang mga booths ng bawat partners sa business management department. Mapapansin ang nag-gagandahang desensyo para makaakit ng mga mamimili. Ngunit tanging ang dalawang booth lang ang pinagkakaguluhan. Ang booth ni Lourd Caiden at Hailey at ang booth ni Prince Knox at Kyler Reid. At nasakto pang parehas musical instrument ang binebenta nila at magkatapat din ang booth nila.                                                                                                          

Habang si Hailey ay kasalukuyang nasa biyahe palang papunta sa event, ang Aphotic Dread naman ay nag-aayos ng music background sa loob ng booth nila. Si Knox naman ay hindi mapakali kakatingin sa tapat at nagbabaka-sakaling andoon na si Hailey. Sobrang miss niya na kasi ito.

Sa booth nila Caiden, nakadesensyo ang isang malaking gitara sa harapan na may ibat-ibang ilaw at may malakas na background music ng mga kanta ng banda nila (Aphotic Dread). Sa loob ng booth nakahilera ang mga instrument at may deal na buy 2 instrument take 2 DVD album of any artist plus a fan sign from Aphotic Dread. Ang nakaisip ng ideyang ito ay si Ziad Kiah.  Sa booth naman nila Knox may stand man sa harap na itsura ni Prince at may nakalagay na buy 3 instrument get a kiss from Orphic Braw na ideya naman ni Yosef John, para daw mabilis makahatak ng customers. Sa loob naman ng booth nila ay nakahilera din ang mga instrument.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora