"Kabanata"

139 0 0
                                    

Eto nanaman tayo
Isang kabanata nanaman
Ang pakiramdam na ito
Bigla nalang dadating sa buhay mo
Kasing bilis ng isang kisapmatang papasok sa isipan mo

Gusto ko nang mamatay
Gusto ko nang maglaho
Ayoko na
Yan ang ilan sa mga katagang nasa isipan ko
Wala akong kwenta
Hindi ako dapat nandito
Pagod na ko
Kasi sa totoo lang nakakapagod naman talagang mabuhay sa mundong to na wala namang may pakealam sayo

Pilit sumisigaw ang bibig ng tulong ngunit tila itoy nakaikom
Hindi ako makaalis sa sitwasyong ganto sa buhay ko ilang taon nang bihag ng depresyon at pagiisip tungkol sa pagpapakamatay at tuluyang paglaho sa mundong ito may mga kaibigan akong nagsasabing malakas ako dahil kinaya kong labanan ang isipan ko na kinaya kong mabuhay pagkatapos ng halos 7 taong pakikipaglaban dito ngunit ang bawat laban ay hindi madali bawat laban ay pedeng buhay ang kapalit

Bawat laban ay may dugong kasama at peklat na iniiwan sa aking katawan madaming nagtatanong bakit ko iyon ginagawa ang paglalaslas ano daw ang napapala ito ang kasagutan
Sa aking isipan kapag may dugong lumalabas sa aking katawan hindi ko nararamdaman ang hapdi ngunit ang kapayapaan na kahit kaunti ay naiibsan ang sakit na nararamdaman

Iba iba ang bawat kabanata ng pag atake iba ibang mga emosyon iba ibang mga bagay na tila natakbo sa aking isipan bawat kabanata ay sakit bawat kabanata ay lungkot bawat kabanata ay galit sa sarili man o sa ibang tao ito lang ang alam ko masyado nakong maraming naiikwento ngunit isa lang ang hiling ko pagkatapos ng isang kabanata sana ay gumaling din ako sana ay balang araw ay may tumulong saking maging maayos at sanay hindi maging tampulan ng biro ang mga ganitong sitwasyon dahil hindi niyo alam ang takbo ng isip ng tao hindi niyo alam baka isa kayo sa maging dahilan ng kanyang huling hantungan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAGALOG SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now